Chapter 4

858 33 0
                                        

  BAGO tuluyang umalis sina April at Charlie ay panay pa ang lingon ng dalaga sa gawi ni Zion.
Pakiramdam niya ay nagkita at nagkausap na talaga sila ng binata.

Habang si Zion naman ay dali-daling nilabas ang binigay ni Hermano Ingkong na dahon.

"Anong gagawin mo diyan Zion?" Takang tanong ni Sabana.

"Tiya si April at ang binibining nakakuha ng aking patpat ay iisa." Sagot ng binata at pinakita kay Sabana ang mahiwagang dahon.

"Ito po ang magsisilbing gabay ko upang makilala ng husto ang pansamantalang panginoon ng palitong pangsalamangka ko." Muling dagdag ng prinsipe.

"Magaling kung ganoon. Mabuting tao si April at tiyak kong hindi magagamit sa hindi maganda ang patpat." Ani ni Sabana.

"Palagay ko nga po tiya. Kung ganoon ay wala akong dapat ipangamba." Bahagyang ngumiti si Zion.

Kakaibang saya ang naramdaman ng magiting na diwata ng makita si April kanina lamang. Ang mga mata nitong tila nangungusap.

'Nabighani yata ako sa kaniya' Naiiling na wika ni Zion sa isip.

"May problema ba Zion?" Hindi kasi nakaligtas sa paningin ni Sabana ang gawi ng pamangkin.

"Wala po tiya." Alanganing napakamot nalang siya ng ulo.

...

"ATENG! Ang gwapo-gwapo ni Zion! Kaloka! Inlove na yata ako!" Kinikilig pang wika ni Charlie habang naglalakad.

Habang si April naman ay tahimik na nag-iisip. Iba talaga ang pakiramdam niya kay Zion. Hindi siya pwedeng magkamali dahil ito talaga ang nagpakilalang diwata sa panaginip niya. Ngunit gulong-gulo talaga ang isip niya. Dagdagan pa ng atraksyon niya sa itsura nito. Matangkad at mala-anghel ang mukha nito.

"Ate April!!!" Naka-pameywang na sigaw ni Charlie at humarap sa kapatid.

Parang humiwalay ang kaluluwa ng dalaga sa katawan niya dahil sa gulat.

"Ano kaba Charlie makasigaw ka muntik na akong atakihin sa puso ah." Aniya na napahawak sa dibdib bigla.

"Bakit may sakit ka sa puso?" Pilosopong tanong ng kapatid.

"Wala."

"Wala pala eh! Para ka kasing nanaginip ng naglalakad, kanina pa ako salita ng salita dito."

"May sasabihin ako sayo." Ani ni April at pinaka-titigan ang kapatid. Hindi niya matiis na wag sabihin sa kapatid ang tila isang hiwaga na nangyayari.

"Ano naman iyon..." Hindi na naituloy ni Charlie ang sasabihin dahil sa sabay silang napalingon sa direksyon ng bahay nila.

"April! Charlie! Dali na kayo dito!" Sigaw ng tiya Bebang nila mula sa bakuran habang nakatanaw sa kanila.

"Naku si tyang nakabantay na." Nakangusong wika ni Charlie.

"Tara na nga mamaya pagalitan pa tayo." Nagpatiuna nalang na naglakad ang dalaga at tuluyan ng sinarili ang tungkol kay Zion.

Parang natuka ng ahas ang itsura nina Charlie at April ng excited silang hilahin ni Bebang sa hapag-kainan.

"Kain na kayo! Binili kong lahat sa bayan kanina, alam kong paborito niyo ang mga iyan." Nakangiting wika ni Bebang.

"Tyang may sakit ka ba?" Walang kurap na tanong ni Charlie.

Agad namang pasimpleng siniko ni April ang kapatid.

"Este ang ibig kong sabihin tyang eh ano bang okasyon?" Biglang bawi ni Charlie.

"Ay kasi nanalo ako sa jueteng kanina eh tumbok ang tinamaan ko kaya bilang balato ko sa inyo magkapatid ang lahat ng pagkain." Todo ngiting sagot ni Bebang.

"Ganoon ba tyang, salamat pala sa lahat ng pagkain." Wika nalang ni April kahit na hindi rin makapaniwala.

Leche plan, beef steak, at lechong manok ang nakahain sa mesa na sinamahan pa ng softdrinks.

Nagmamadaling nilantakan ng magkapatid ang pagkaing nakahain. Dahil gutom na rin sila.

"Kain lang ng kain." Maasikasong inabot pa ni Bebang ang bandihado ng kanin.

"Sana lagi kang may sapi tyang este may panalo sa jueteng para lagi mo kaming babalatohan." Hirit ng matabil na bakla.

Biglang naalala ni April ang mga sinabi niya kanina bago umalis,

"Charlie tatambling ka mamaya ha? Nangyari kaya lahat ng sinabi ko."

Agad na nabitin sa ere ang pagsubo ni Charlie ng napatingin kay April.

"Dadagdagan ko pa ng split." Nakangising tugon nito.

Busog na busog ang magkapatid matapos kumain.

"Sana himala araw-araw." Bulong ni Charlie sa kapatid.

"Huwag kana maingay diyan baka mausog si tiya." Ganti ng dalaga.

"O siya ligpitin niyo nalang lahat ng natira para pagdating ng tsong Pedrito niyo makakain pa siya. Aalis muna ako may tong-its kasi kami ngayon nina mareng Paning," Parang may tupak na nakangiti si Bebang sa magkapatid.

"Salamat po tyang, cge kami na ang bahala dito." Magalang na sagot ni April.

"Tsang sana manalo ka uli sa tong-its para may hapunan uli mamaya." Pahabol ng nakangising wika ni Charlie.

"May sapi talaga si tsang!" Natatawang sinundan pa ito ng tanaw ni Charlie.

"Sana nga may sapi araw-araw." Dugtong ng dalaga at nag-apiran pa silang magkapatid.

Pagkaraan ng ilang sandali habang naghuhugas ng plato ay pilit pumapasok sa isip ng dalaga ang mga nangyayari. Simula umaga hanggang pananghalian ay parang may kakaiba talaga.

'Baka nagkataon lang talaga?' Bulong ng dalaga sa isip. Kibit-balikat nalang na pinagpatuloy niya ang paghuhugas.

...

KINAHAPUNAN tulad ng nakagawian ni Patrick ay namamasyal din ito sa lugar nila kasama ng mga kaibigan kaya naisipan niyang isama si Zion.

"Inay ipapasyal ko po muna si pinsan para maging pamilyar siya dito sa'tin." Ani ni Patrick sa ina.

"Mabuti naman ikaw na bahala sa pinsan mo at siguraduhin mong pag may nagtanong sa kaniya ay alam mong isasagot." Bilin ni Sabana.

"Opo inay." Magalang na tugon ni Patrick.

Pagkaraan pa ng ilang sandali ay umalis na ang dalawa.

"Patrick nasaan ang bahay ni April?" Tanong ng makisig na prinsipe.

"Doon sa dulo pag lagpas ng manggahan. Gusto mong dumaan sa kanila?"

"Kung maari sana." Agad na sang-ayon ni Zion.

Nang malapit na sila sa bahay nina April ay nakarinig sila ng sigawan at hiyawan kaya't dali-daling tumakbo ang dalawang binata.

Pagpasok nila ay napaka-daming palaka ang nagtatalunan sa loob ng munting tahanan, nahihintakutang napapaiyak si April na pinaliligiran ng maraming palaka. Habang si Charlie ay halos lumabas ang litid sa lalamunan na nakatungtong sa bintana.

"Anong nangyari?" Biglang wika ng binatang diwata.

"Bakit ang daming palaka?" Nagugulumihanang wika ni Patrick.

"T-tulungan niyo k-kami!" Nagmamakaawang wika ni April habang nakatingin kay Zion.

Wala namang inaksayang oras si
ang binata. Saglit siyang may pinulot sa paanan nito at agad na nilapitan ang nanginginig na dalaga. Hinawakan niya ang nanlalamig na kamay nito at pagkaraan ay parang wala lang na binuhat.

"T-teka! Ako rin!" Sigaw ni Charlie.

"Diyan ka nalang sa bintana dumaan." Baling ni Patrick.

"A-ano?! Bakit si ate binuhat? " Nakukuha pang umangal nito sa gitna ng takot.

"Alangan namang buhatin kita, sige na talon kana lang diyan." Nginuso pa nito ang bintana.

"Kaloka ka Patrick! Mamatay ako lalo eh!"

"Oa ka Cha ang baba ng bintana niyo oh." Natatawang umakang-akang ang binata sa mga palakang nagtatalonan.

Habang sa labas ay dahan-dahang ibinaba ni Zion si April mula sa pagkakabuhat niya. Nangangatal pa rin ito sa takot.

"S-salamat." Wika ng dalaga.

"Walang anuman." Bahagyang ngumiti ang binata.

"Maari mo bang sabihin kung anong nangyari?"

"N-nagbibiruan lang kami ni Charlie kasi kumakanta siya, tapos sabi ko sana sabayan siya ng i-isang libong palaka dahil ang pangit ng boses niya." Napapalunok ang dalaga ng maalala ang biglang pagsulpot ng mga palaka.

"Bigla lang silang lumitaw ganoon ba?" Tanong ni Zion.

"O-oo b-basta nalang sila dumating."

"Hawak mo ba ito?" Itinaas ni Zion ang kaniyang palitong pangsalamangka. Alam niyang ito ang may gawa ng lahat. Nang lapitan niya ang dalaga kanina ay mabilis na nahagip ng paningin niya ang mahiwagang patpat na nasa paanan nito.

"O-oo Zion! P-aano mo nalaman? At saka bakit parang ang daming nangyayari sa akin na kakaiba ngayong araw." Titig na titig na wika ni April sa makisig na diwatang prinsipe.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Zion bago nagsalita.

MAGIC WAND                                                  by: GraceyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon