NAHIHINTAKUTANG napatingin si April kay Sibre.
"A-april." Tawag ni Zion sa dalaga.
"Ikaw ang binibining madalas kausapin ni Zion hindi ba? Bakit ikaw ang ay hawak ng palitong pangsalamangka?" Kunot-nuong wika ni Sibre. Habang nakatitig sa patpat.
Napapalunok ng malalaki si April sa nerbyos, ngunit pinipilit niyang maging kalmado.
"S-sino ka ba? A-ano bang kailangan mo?"
"Ang palitong pangsalamangka, ibigay mo sa akin binibini." Unti-unting lumakad papalapit si Sibre sa kinatatayuan ng dalaga.
"H-hindi! Hindi ko ito ibibigay!" Lalong nanginig si April dahil papalapit na ito sa kaniya.
"A-april ma-mag-iingat k-ka." Paos na tinig ni Zion habang nakamasid. Pilit siyang nagpipiglas ngunit wala na siyang sapat ng lakas.
"D-diyan ka lang! Huwag kang lalapit sabi eh!" Tinaas pa ng dalaga ang kamay upang pahintuin si Sibre.
"Ikaw? Sino ka bang mortal at ano ang kaugnayan niyo sa isa't isa ng itinakdang prinsipe." Muling tanong nito.
"A-ako lang naman a-ang bagong panginoon ng magic wand! K-kaya binabalaan kita k-kung ayaw m-maging palakang-bato." Kunwari'y galit na tinig ng dalaga.
"Paano nangyari iyon?"
"H-huwag ka na nga maraming tanong diyan! P-pakawalan mo na si Zion ngayon din! K-kung hindi ay..kung hindi ay..ga-gagawin kitang palakang-bato!"
"Nakakatawa ka naman magandang binibini. Paano mo iyan gagamitin gayong si Zion ang panginoon ng patpat na iyan?"
"Ang slow mo naman! Diba nga sinabi ko ng ako na ang bagong panginoon ng magic wand! Dalian mo na at pakawalan mo na si Zion." Tinuturo-turo pa ng dalaga si Sibre ng patpat.
"Napaka-imposible mo magandang binibini. Sa ayaw at sa gusto mo ay ibibigay mo iyan sa akin!" Lalong lumapit si Sibre kaya't natarantang kinumpas ni April ang patpat. At lumabas ang tila kuryente sa dulo nito at tumama kay Sibre.
Gulat na tumilapon si Sibre. Ngayon ay napatunayan niyang nakokontrol ng mortal ang mahiwagang palitong pangsalamangka.
"Ang galing ko!" Namamanghang tinitigan ni April ang patpat na hawak.
"Sige binibini tingnan natin ang galing mo!" Galit na tumayo si Sibre.
"I-inay ko po. Diyos ko." Napapaatras na wika ng dalaga nang makitang nakatayo na si Sibre.
"A-april ma-mag-iingat k-ka, g-gamitin mo a-ang k-kapangyarihan ng pa-palitong pa-pangsalamangka." Hirap na hirap na tinig ni Zion.
"Z-zion.."
Awang-awa siya sa itsura ng diwatang prinsipe ng mga oras na iyon.Nais niyang takbuhin ito at pakawalan ngunit alam niyang walang ibang paraan. kaya't huminga ng malalim si April kasabay ng isang panalangin.
"Diyos ko, gabayan niyo po ako. " Aniya at matapang na humarap kay Sibre.
Mahigpit niyang himawakan ang munting kahoy upang maghanda.
"Tayo ay iisa sa mga oras na 'to, kaya bilang panginoon mo inuutusan kitang ibigay mo lahat ng kapangyarihan mo sa akin upang mapalayas natin ang itim na diwatang nandito."
Itinaas naman ni Sibre ang kamay at ilang sandali pa ay nakabuo ito ng nagbabagang bolang apoy.
Nanlalaking mga matang napatitig si April sa ginagawa ni Sibre. Kahit na sasabog ang dibdib niya sa kaba ay pinilit niyang mag-isip ng dapat gawin.
"Kaya ko 'to ayokong maging barbeque.." Aniya at pumikit. Pilit niyang iniisip na sila ng magic wand ay iisa.
"Tanggapin mo ang regalo ko sa'yo magandang binibini!" Ani ni Sibre at ibinato ang bolang apoy.
Ngunit nanatiling nakapikit ang dalaga. Ilang sandali pa ay nag-liwanag ang buo niyang katawan. At sa pagmulat ng mga mata ni April ay lalong umapaw ang kakaibang liwanag na nagmumula sa buo niyang katawan. Bago pa man matamaan ang dalaga ng nagbabagang bolang apoy ay parang walang anumang tumalsik lang ang binato ni Sibre. Kaya't sunod-sunod ang ginawang pag-atake nito. At sa halip ay balewalang nasasalag iyon ni April gamit ang magic wand.
Sandaling huminto si Sibre upang maghanda sa mas malakas na pagsugod. Iyon naman ang pagkakataong sinamantala ng dalaga.
Itinaas ni April ang munting kahoy sa kalangitan. Malakas na kulog at kidlat ang namayani kasabay ng pag-guhit ng isang liwanag.
"Itong nararapat sayo!" Sigaw ng dalaga at tinutok ang magic wand kay Sibre.
Huli na para makailag si Sibre kaya't tumama sa kaniya ang hagupit ng kidlat na nilikha ng dalaga.
"Aaaah!!!" Hiyaw niya. Kasabay ng panghihina at hindi malirip na sakit. Unti-unting bumagsak sa lupa ang diwatang sakim.
"H-hindi p-pa t-tayo tapos..magbabayad k-ka." Huling sambit nito at tuluyang naglaho.
Habang marahang lumuluwag ang mga baging na nakapulupot kay Zion.
"Zion!" Agad na tinakbo ng dalaga ang diwatang prinsipe.
"A-april." Kahit nanghihina ay sinalubong niya ito.
"Okay ka lang ba Zion...." Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin dahil nagdilim na ang buong paningin niya.
"April!" Agad na nasalo ng binatang prinsipe ang malambot na katawan ni April.
Puno ng pag-aalalang niyakap niya ito. Marahil ay hindi kinaya ng mortal na katawan ng dalaga ang pagsasanib pwersa nila ng palitong pang-salamangka.
...
"Nasaan kana ate April?" Sobrang nag-aalalang wika ni Charlie habang pabalik-balik sa harapan ng bahay nila. Wala pa naman ang tsang Bebang at Tsong Pedrito niya dahil pumunta ang mga ito sa isang lamay upang makipag-sugal.
May tatayo na uupo at iiyak ang itsura ng pobreng bading. Alas kuwatro na ng madaling araw at kahit anino ng kapatid ay wala.
Hindi nagtagal ay namataan niya ang bultong paparating. Dahil madilim ay hindi niya matukoy kung sino.
Kinakabahan napatayo si Charlie.
"Charlie!" Sigaw ni Patrick.
"Patrick!" Nakahinga ng maluwag si Charlie ng mapagtanto kung sino ang dumating.
"Patrick ang ate ko..."
"Oo alam ko na halika sumama ka sa bahay nandoon siya." Wika ng binata.
"Talaga?!" Halos yakapin na niya si Patrick sa sobrang pagka-relieved.
"O teka sabi ko sumama ka lang sa'kin, hindi 'yong yayakapin mo ako." Pang-aasar ng binata.
"Maldito kang Patrick ka, natuwa lang naman ako. Hmp..ang damot mo." Nakangusong nagpatiuna nalang si Charlie.
...
Samantala nagniningas sa galit at sakit si Sibre habang nakasandal sa malaking ugat ng puno. Tila nauupos na kandila ang pakiramdam niya.
"Aah! P-paanong nangyari iyon.." Impit niyang sambit habang bumabalik sa gunita niya si April at kung paano nito nagawang magpalabas ng malakas na kidlat.
"Kailangang makuha ko ang palitong pangsalamangka kahit anong mangyari." Tiim bagang wika ni Sibre habang marahang pumipikit.
...
"Ate April!" Dali-daling nilapitan ni Charlie ang kapatid na nakahiga sa papag habang mahimbing na natutulog.
"Ano nangyari? Ate?! Bakit mo ko iniwan ate gising!" Ekseharadang nag-ngangawa si Charlie. Sa pag-aakalang hindi na ito humihinga.
"Charlie tumigil ka nga! Anong iniwan?! Natutulog lang si Ate April." Saway ni Patrick.
"Charlie huminahon ka at maayos lang ang kapatid mo." Segunda ni Sabana.
"Oo nga hija mia baka magising ang mga kapitbahay." Natatawang wika ni Ernesto, ang asawa ni Sabana.
"Napagod lang siya kanina dahil sa pakikipag-harap sa diwatang espiya. Ngunit wala kang dapat ipangamba." Sabat ni Zion mula sa pintuang kawayan.
"Ano? Nakipag laban si Ate?" Gulat na nagpalipat-lipat ng tingin si Charlie sa kapatid at kina Zion.
Sinabi lahat ni Zion ang mga nangyari sa gitnang kakahoyan. Maging si Charlie ay ibinahagi din ang hiwagang naganap bago mawala ang dalaga.
...
Kahariang diwatanya..
"Mahal kong haring Oberon anong sinasabi mo?" Gulat na wika ni reyna Ayana sa kabiyak.
"Nais kong pumunta ng bundok sagrado upang makita si prinsipe Zion." Anito at tumitig sa asawa.
"P-pero bakit? H-hindi ba dapat ay walang gagambala sa kaniyang pagninilay-nilay?"
Matiim na tumingin ang hari at muling nagwika.
"Alam ko, ngunit nais ko siyang makita." Blankong ekspresyon ang mababanaag sa mukha nito kaya't hindi malaman ng reyna ang gagawin. Paano pag nalaman nitong nasa mundo ng mga mortal ang itinakdang prinsipe?
BINABASA MO ANG
MAGIC WAND by: Gracey
FantasyHINDI sukat akalain ni April na sa simpleng patpat na natagpuan niya sa gitna ng kakahuyan ay magbabago din ang lahat sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang hiwagang bumabalot dito. Tila isang hiwaga na nangyayari lahat ng nais niya sa bawa...
