1

31.3K 504 21
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

 1

Nagbubulungan na naman ang tatlong magbabarkada, sina Aron Miguel, Ruel at Marcus. May pinaplano na naman silang gawin, iyon ay tatambay sa tindahan ni Aling Nena. May bisita kasi itong magandang dalaga na taga Manila, at kapag sinabi mong maganda, tiyak hindi makakaligtas sa kanilang tatlo. Pero bakit kailangan nilang magbulungan? Simple, dahil kapag narinig ito ng nakababatang kapatid ni Aron Miguel na si Alexie Yanelle, tiyak, lahat ng plano nila ay masisira.

Masyado itong makulit at laging nakabuntot sa kanilang tatlo, kutung-lupa kung minsan ang tawag nila.

"Ruel, siguraduhin mo lang na siya ang nagbabantay ng tindahan."

"Oo naman Aron Miguel, kinabisado ko na ang schedule niya. Alam mo naman ako, malakas pagdating sa chicks. Ang tanong, sigurado ba kayong makakapunta kayo ha?"

"Ako, oo, ewan ko kay Aron Miguel.” Si Marcus.

"Oo naman no, ako ng bahala dun, saka ayoko na maunahan ninyo akong dalawa, alam nyo namang matagal ko ng crush yun."

 "Ulol, kakarating lang ng Manila, matagal ng crush agad." Asar ni Ruel sa kanya. 

"MAtagal na yung isang Linggo, Ruel."

"So, paano, operation diskarte na bukas?" Si Marcus.

"Yah! Operation Diskarte!" Nag apir pa ang tatlo.

"Ah ganun ha! Operation diskarte pala ha? Lagot ka kay Mama Kuya!" Mula sa kung saan ay sumulpot si Alexie, Alex para sa aming dalawa at Aya para kay Marcus.

"Anak naman ng kalabaw! Saan ka ba galing ha Alex?" Si Aron. Nagulat ito sa pagsulpot ni Alexie.

‘Di nito pinansin si Ruel. "Hala ka Kuya, isusumbong talaga kita kay Mama, isama ko na rin si Papa, nanliligaw ka na naman, gusto mo na talagang mag-asawa no?"

"Pag nanligaw agad eh asawa agad ha?"

"Malay ko ba, yan lang yung napapanood ko sa T.V." Napaismid ito.

"Oi kutong - lupa, tigilan mo na ang Kuya mo ha, diskarte na namin ito bukas, pwde ba, maglaro ka na lang ng Barbie mo." Si Marcus, salubong na ang makakapal nitong kilay.

"Hoi Marcus Kilay, isa ka pang BI kay Kuya, tinutulungan mo pa siyang manligaw ng babae kesa mag-aral."

"Hoi ka rin Aya, alangan namang sa lalaki ko siya turuang manligaw." Asar niya sa kapatid ng kaibigan niya.

"O tama na kayo at mag-aaway na naman kayong dalawa." Si Ruel, tigawat ito dahil sa malas, madalas na nagkakapikunan sina Alexie at Marcus.

"Sige na Alex, pagbigyan mo na ako, wag ka ng magsumbong kina Mama at Papa." Binago ni Aron ang diskarte sa kapatid.

Nagsalubong na naman ang makapal na kilay ni Marcus, eto na naman, masusunod na naman ang kutong-lupa na ito. Basta ganito na ang tono ni Aron, titiklop na ito sa kapatid, kaya naiinis siya dahil lumalaki itong brat.

"Hmmm." Delikado dahil nag - iisip si kutong -lupa. "Sa isang kondisyon." Ngiting-ngiti ito.

"Ano?" Nagliwanag ang mukha ni Aron Miguel. 

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon