25

13.1K 371 14
                                    

25

Ewan ko...ngayon naman mag aaction ako? Anyare sa utak ko? wahahaha

******************

Tumatakbo ang utak ni Marcus, kailangang makaisip siya ng paraan para makatakas sila. Kapag nalamang ng mga tumangay sa kanila kung sino si Alexie Yanelle, na isa itong Almensor,malamang sa hindi, tuluyan silang hindi makakaalis. At kinakabahan siya, okay lamang ngayon dahil pagod pa ang mga ito, what if hindi na, alam niyang maganda si Alexie, magandang maganda. Damn! Kahit isipin ay ayaw niya.

Tulog ang dalaga, nakahilig ito sa balikat niya. “Aya…Aya, gising.” Bulong niya.

Narinig niyang humikbi na naman ito. “Shhh. Can you run? Tatakas tayo.” Bulong niya rito.

“Pero..”

“Aya, kapag hindi tayo gagawa ng paraan para makaalis, malalaman nila kung sino ka, palagay mo, palalagpasin ka ng mga sira-ulong yan. Please, lakasan moa ng loob mo.”

“Pero baka mahuli tayo?”

“We have to do this Aya. Gusto mo pang mabuhay right?”

“Yes.”

“Me too. I wanted to live, now that you are here, I wanted to even live longer.”

Nakatanga si Alexie. Ano raw? Nagha hallucinate na ba siya?

“Ganito, try to unti the thing that I have at the back, then when I’ll do the same to you. Kapag nakita mong gumalaw sila, pretend that you are asleep. Alexie, kaya natin to.”

Kinapa niya ang mga kamay nito. Napakahigpit ng pagkakatali. “Sobrang higpit, Marcus.”

“Can you use your mouth? I mean your teeth?”

Alexie followed Marcus. Biglang lumakas ang loob niya. Humiga siya para maabot ang likod nito na nakatali. Ang hirap pero kailangan. Tama siya, pag nalaman ng mga ito na isa siyang Almensor, malamang kidnap for ransom ang gagawin, tapos bigla rereypin siya! Yun ang hindi niya kaya, imagine, ang papangit at ang babaho kaya nila.

“Aya, pretend to sleep.” Utos ni Marcus. Bigla kasing nakita niyang gumalaw ang isa sa mga tumangay sa kanila.

Ang lakas ng kaba ni Alexie. Biglang nahiga siya sa legs ni Marcus. Kung sana hindi ito yung sitwasyon, malamang kikiligin siya.

“Okay na Aya.”

Inulit niya yung ginawa niya, nangangawit na siya pero kinakailangan. Hanggang sa naramdaman ni Marcus na lumuwang ang pagkakatali niya. “That’s it Aya! Now, stay in front of me, bilis. Wag kang pahahalata.”

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon