20
Marcus (nakalimutan ko po ang family name na nagamit ko, please refresh my mind..tamad akong balikan ang ibang chapters)
Marcus her first love…..
Nakatingin lang ito sa kanya, di ba siya nito nakikilala? Masyado bang nagbago ang itsura niya? Gumanda lang naman siya ah, mas sumeksi, saka mas confident ng harapin ang buhay. Naks!
“Hi.” Alexie said. Mukha kasing walang balak magsalita nang kaharap, nao overwhelm ba ito ng presence niya or di lang talaga siya nakilala.
“Aya.” Sabi nito na nagpabilis ng tibok ng puso niya. Bakit ganun? Sa five years na hindi sila nakapag usap at nagkita ay ganun pa rin ang epekto nito sa kanya? Bakit?
“Hi.” She repeatedly said, parang engot lang siya, hindi naman kasi niya alam ang sasabihin, awkward moment kung baga. Helloooo, nung last time na nagkita sila eh nung nasa kamalig pa, nag kiss kaya sila nun. Shit! Namumula na yata siya, buti at gabi.
“What happened?” Nakakunot ang kilay nito, ayan na naman ang mga makakapal na kilay niya na talaga namang namimiss niya. Sumimangot na rin ito, hindi niya alam kung inis sa kanya or dahil sa naabala niya ito. Baka yung huli.
“It’s okay, baka you’re busy, magrecommend ka na lang ng ibang mekaniko, then okay na ako rito.” Nakakakaba pa rin siya, nagririgodon pa rin ang puso niya. Di siya nito pinansin, diretso ito sa sasakyan niya at agad na tinignan. Napatingin siya rito, bakit parang ang daming nagbago sa kanya? Mas nagmature pero mas gumuwapo, pag tumatanda pala eh mas nagiging guwapo? And the body…so hot! Pag mga mekaniko ba, macho talaga? Tapos…tapos…mas naging suplado yata. Haaayy Marcus!
“Bakit ba hindi ka nagpasundo ha, Aya.” Tanong nito na parang galit. Ay, masyadong nainternalize ang pagiging suplado? Ang sarap pa namang asarin ng mga taong laging galit sa mundo.
“Gusto ko silang I surprise.”
“Alam mo naman pala na magsusurpresa ka, bakit di mo man lang tinignan kung okay ang sasakyan mo.” Panenermon nito habang may kinakalikot sa makina ng kotse niya.
“Ay, sorry ha, di ko kasi alam eh, ang sabi kasi ng may ari niyang kotse, okay naman daw, sorry po kamahalan.” Asar niya. Matalim ang mga matang tumingin ito sa kanya, kala niya ha, matatakot siya sa look na yan, hindi ah! Kahit ang totoo, nanginginig na tuhod niya, paano ba naman, bigla itong lumapit sa kanya. As in malapit na malapit, yay! Kala ba niya okay na siya, na nakapag moved on na siya.
“Ang tigas pa rin ng ulo mo, Aya.” Seryoso nitong sabi, napatingin siya sa adams apple nito, alangan naman kasing sa mga mata niya, baka kasi ikiss niya ulit. Ang halay na niya.
Umatras siya, mga dalawang maliliit na hakbang lang, siyempre, masarap kaya pag dumikit sa loved…o love mo. “At ang suplado mo pa rin, Marcus Kilay, parang Lolo lang ang peg mo.” Asar niya pang lalo.
BINABASA MO ANG
MarXie
Teen FictionIf you could only teach your heart whom to love and when to love- Marcus and Alexie....(MarXie) [ new cover by : AicirtapEmiaj ]