10
Ayos ka rin Ruel ah! Saan mo napagkukuha yang mga Peter Piper na yan?” Asar ni Aron Miguel.
“Sa English class natin! Pinamemorize sa atin yun, di ba?”
Nagtaka ang dalawa, kailan? Wala naman silang maalala na may ganun topic sa English ah.
“Kailan yun? Absent ba kami ni Marcus? Kaklase ka ba talaga namin, Ruel.”
“Oo! Nung grade five tayo. Naalala nyo?”
“Grade five! Juice ko naman Ruel, kailan pa yun ah! Ikaw ba memorize mo pa yun?”
“Hindi.”
“O bakit mo tinatanong kay Simon Salmon, e di mo na pala memoryado?”
“Wala, trip. Naiinis kasi ako sa kanya, masyadong matiyaga, tinalo tayo, saka, anong gusto mo, ligawan nun si Alexie?” Tanong nito kay Aron Miguel.
“Isa pa nga yan sa pinoproblema ko eh. Graduating na tayo ngayong year, sino ng magbabantay sa kanya rito?” Masyado talaga siyang protective sa kapatid.
“Sobra! Baka tatandang dalaga si Alexie pag ganyan ka, Aron.” Asar ni Ruel.
“hindi naman, ang point ko lang, masyado pa siyang bata. Ikaw nga nagrereact kay Simon, ano na lang ako, tama ba Marcus?”
BINABASA MO ANG
MarXie
Teen FictionIf you could only teach your heart whom to love and when to love- Marcus and Alexie....(MarXie) [ new cover by : AicirtapEmiaj ]