18

13.3K 298 4
                                    

18

Sobrang lungkot niya nung dumating siya nang bahay nila, gustong tumulo ulit ng mga luha niya pero hindi pwede, hindi pwedeng makita ng mga tao sa bahay nila na nasasaktan siya, hindi rin pwdeng makita ni Aron Miguel na umiiyak siya dahil kay Marcus. Kapag minamalas ka nga naman, ang Kuya pa niya ang madadatnan niya sa sala nila na prenteng nakaupo at nagbabasa ng magazine, kunot ang noon a napatingin lang ito sa kanya.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa, basta ang alam niya lang ayaw niyang makipag-usap kahit na kanino. Gusto na niyang humiga sa kuwarto at magpahinga. Mabuti na lamang at hindi naman siya nito kinausap, ni hindi nagtanong.

Pagpasok pa lang sa loob nang kuwarto ay agad na umiyak si Alexie. Baka nga tama ang Kuya niya, bakit kasi biglang umasa siya? Bakit kasi inisip niya na magkakagusto si Marcus sa kanya? Bakit kasi pumunta-punta pa siya sa bahay nila, tuloy nasasaktan siya ngayon. Nakita pa nang dalawang mata niya si Bianca na mukhang masayang nakikipag-usap kay Nanay Olive, ibig sabihin alam nang Nanay ni Marcus ang tungkol sa kanila. Ibig sabihin talagang seryoso si Marcus sa kanya.

Nakatulugan niya tuloy ang pag-iyak. Nagising na lamang siya sa mahihinang katok sa pinto. “Sino yan?”

“Princess, si Kuya mo.” Lambing nito, yun ang tawag nito sa kanya kapag nagkakatampuhan sila. Bakit ba nung narinig niya ang boses nito mas lalong gusto niyang umiyak? Bakit parang namimiss niya nang sobra ang Kuya niya. Sila kasi ang laging nagdadamayan kapag may problema, kahit sobrang liit na problema.

“Papasok ako ha.” Di siya sumagot, pero kilala na siya nito, pag hindi siya sumagot, ibig sabihin okay lang.

May dala itong paborito niyang pagkain. Mr. Chips at isang malaking tumbler na alam niyang buko juice ang laman, ang weird ng combination ng pagkain niya.

Ang lungkot nang mukha nang kapatid niya, hindi siya sanay, actually, hindi siya sanay na nag-aaway sila, siyempre naman, dadalawa lang silang magkapatid.

“Sorry.” Sabay pa nilang sabi.

Niyakap niya ang kapatid niya, tumulo yung mga luha niya.

“Bakit ba ang iyakin mo ngayon? Ganyan ba pag nagdadalaga na?” Tukso nito sa kanya. “Sorry Alex ha, hindi ko man lang naisip na yung prinsesa nang bahay na to, dalaga na, na pwede ng magka boyfriend, pwde ng ma in-love. Nabigla lang talaga ako sa nakita ko, hindi ko naman akalain na yung simpleng crush mo noon kay Marcus magiging..”

“Kuya, I don’t wanna talk about it.” She cut his dialogue. “Ayaw ko na siyang pag-usapan, ayoko na siyang makita, ayoko nang maalala ang nangyari.” Sabi pa niya.

Aron Miguel was confused. “Sorry Kuya, I went back to their house, kanina lang. I saw…I saw Bianca there. Ang saya nila Kuya.” Napayuko siya, iiyak na naman kasi siya.

Niyakap na lang ni Aron Miguel ang kapatid, hindi siya sanay na nakikita itong ganito, ayaw niyang nakikitang umiiyak ang kapatid lalo na at dahil lang sa isang lalaki, at ang taong yun pa ay kilala niya, malapit sa kanya. Akala ba niya hindi niya sasaktan si Alexie, bakit ngayon umiiyak ito.

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon