22
Ayan! Sinisipag na akong mag-isip para dito....at sinipag pa akong maghanap ng video...at sana bukas sipagin rin...baka kayo sipagin ring magbasa at magvote at magcomment at iadd ako sa fb...wahahahaha
******************
Aw! Bakit parang aatakihin siya sa puso. Bakit parang iiyak yata siya! Hingang malalim, Alexie Yanelle! Di ba sumali ka sa mga theatre arts dati, so kaya mo to!
“Nanay Olive, may gift nga po pala ako sayo. Pasalubong ko po.” Ayaw niyang tignan ang babae. Ayaw niya ring magtanong kung sino siya. “Si-sige po, alis na ako Nanay ha, Marcus. Bye.” Nagmamadaling lumabas siya ng bahay.
“Sandali, Aya.” Sumabay si Marcus sa kanya.
“Kapag may problema ulit sa sasakyan mo, don’t hesistate to call me. Heto yung calling card ko. Yung idinial ni Clive na number kahapon, yun yung personal number ko, in case you had erase it, itetext na lang kita.”
“Thank you, sige.”
Ibinigay ni Marcus ang susi ng kotse niya. Sumakay na siya rito.
“Aya.”
Napatingin siya kay Marcus! Peste! Guwapo talaga! Mas nagmature pero mas guwapo ito ngayon. Aw! Taken na nga lang.
“Yes?”
“Are you staying here for good?” Seryoso nitong tanong sa kanya na nagpabilis ng tibok ng puso niya. Utak Alexie! May pananagutan na yan!
“Probably.” Gusto niya sanang itanong yung “why”, kaso baka masakit sa bangs ang isasagot nito sa kanya.
Good.
Ano raw?
“Sige, ingat.”
“Thanks Marcus. Congrats nga pala.” Pahabol pa niya
“Saan?”
“Sus! Nagkukunwari ka pa. Bye.”
Takang sinundan lang ng tingin ni Marcus si Aya.
BINABASA MO ANG
MarXie
Teen FictionIf you could only teach your heart whom to love and when to love- Marcus and Alexie....(MarXie) [ new cover by : AicirtapEmiaj ]