3

16.8K 419 12
  • Dedicated kay Christopher Cross Saldivar
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

 3

"Alexie, ‘di ba kuya mo si Aron Miguel?" Tanong ng isang third year. Here we go again, Alexie just rolled her eyes. Hindi na bago sa kanya ang ganyang eksena, kahit pa nung nasa elementarya  siya, andaming nakikipagkaibigan sa kanya ng dahil sa tatlong gwapong lagi niyang kasama.

"Oo, why?" Maarte niyang tanong.

"May girlfriend na ba siya?"

"Yes, marami." Balewalang sabi niya.

Disappointed na umalis ang babae, wala man lang thank you sa nakuha nitong impormasyon. Kawawang nilalang mukahang broken hearted. Mga babae talaga, sila pa yung gagawa ng paraan para man lang mapansin sila. 

Nasa bench siya malapit sa canteen, dito kasi ang hintayan nilang magkakapatid, kahit ilang beses kasi na sabihin niya sa Mama niya na kaya na niyang umuwing mag-isa ay pilit pa rin na pinapasabay siya sa Kuya niya. Napasimangot tuloy siya.

“Anong problema mo, Aya?” Si Marcus Kilay, pawis na pawis pa ito, galing sa practice ng basketball.

“Wala, nasaan sina Kuya?” Gusto na niyang umuwi, may inaabangan kasi siyang cartoon series sa paborito niyang channel. 

“Eh, may practice pa.”

“Eh bakit ikaw?”

“Ako ang maghahatid sayo.”

“Bakit?” Madalas na ganun ang nangyayari kapag abala ang kapatid, si Marcus ang tagasalo.

“Eh kinausap pa sila ni coach, ako lang yung hindi kasali dahil goodboy ako kaya ako ang maghahatid sayo.” Tama naman talaga ito, sa kanilang tatlo, si Marcus ang pinakamabait kahit mapang asar ito.

 “Tara, asan na ba yung bag mo?”

“Ako na.” Inagaw niya ang pink packbag niya kay Marcus.

“Ano ka ba, ang bigat kaya niyan, pag kinarga mo yan, ‘di ka na tatangkad.” Asar nito, pero kinuha naman ang bag niya, balewala sa kanya na kulay pink ito.

Ganito naman talaga si Marcus, kahit sobrang kakulitan niya ito lagi, maalaga pa rin ito sa kanya. Kaya nga crush niya ito eh. Hindi niya alam kailan nagsimula. Gwapo kasi ang binata, matangkad, mabait, magaling sa math at magaling mag basketball. Maganda ang mga mata, at ang kilay, kahit pa lagi itong salubong, nakakadagdag appeal pa rin ang pagiging suplado nito.

 “O, bakit mo ako tinititigan?” Hindi niya napansin, nakatitig na pala siya sa binata.

“Wala, ang bakulaw mo pala ano?” Palusot niya. 

“Bakulaw?”

“Ang tangkad mo kasi, para kang monster.” Asar niya.

“Monster pala ha, alam mo ba na kaya kitang buhatin, mula rito papunta sa kotse ninyo?”

Napatakbo si Alexie, alam kasi niyang hindi nagbibiro si Marcus. Nakakahiya kayang makita ng lahat na buhat-buhat siya nito. 

Natawa si Marcus. Ang kulit talaga ng kutong-lupa na ito.

Nakaupo na ito sa kotse nung abutan niya. Inilagay niya ang bag sa backseat. “Manong, ingat po ha, may practice pa po kasi kami ng basketball, pakisabi po kina Tita.”

“Sige, Iho. Mauuna na kami ha.” 

“Bye, Aya. Wag kulitin si Manong, dumiretso ng uwi ha.”

“Oo na Marcus Kilay.” She pouted. She is really cute, how can Marcus say no to this beautiful angel. 

“Teka.” 

“Bakit?” Si Marcus.

“May assignment ako sa Math.”

“Sige, pupunta ako sa bahay nyo mamaya, after ng practice.”

“Pag ako na zero dahil ‘di ka pumunta, lagot ka sa akin.” Nagbanta pa. 

“Oo na. Ingat.” At kumindat pa ito bago tumalikod.

 Tuloy lihim na kinilig si Alexie.

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon