8

15.8K 363 9
                                    

8

“Mama, ayoko pong sumali. Si Kuya kasi, o okay Ma’am Diocno eh di ako tinatanong.”  Talaga namang ayaw niya, imagine, rarampa siya sa harap ng maraming tao, magsusuot ng formal at kung anu-ano pang attires, tapos may question ang answer!

“Ma, nakakahiya naman, nakiusap na nga si Ma’am eh na siya raw ang representative ng team namin. Saka ano naman kinakatakot mo, si Marcus ang partner mo no, wala namang Math questions dun!” Convince naman ni Aron sa mga magulang.

“Pa oh, si Kuya kasi unfair, isinali kaming tatlo, pagkatapos siya, walang sinalihan!”

“Sige na, para matahimik kayong dalawa. Ikaw Alexie, pumayag ka na, hindi lahat niyayaya sa ganyang event. Ikaw naman Aron Miguel, next time, tanungin mo muna ang mga taong concerened ha, imagine, si Ruel isinali mo sa Mr. barako ng barangay, alam mo namang aarte siyang bakla dun.”

“Pa, ok lang yun kay Ruel, game naman sa kahit na anong bagay ang lalaking yun.”

“hindi sa lahat ng pagkakataon Aron, kailangan pa rin nating respetuhin ang bawat isa, kahit pa nga kaibigan o kapatid mo sila.”

“So, hindi na ako sasali, Pa?” Excited na tanong ni Alexie.

“Sasali pa rin. Nakapagbitiw nan g salita si Kuya mo. Di bale, hindi na niya uulitin.”

Wala ng nagawa si Alexie. Sinimangutan na lang niya si Aron Miguel. “Nagtatampo ako sayo!” Sabi pa niya bago pumanhik ng kuwarto.

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon