14

13.7K 320 4
                                    

14

Fast forward ulit

***

Ganun ang naging set-up nila, kapag bakasyon ay uuwi ng Kidapawan, minsan naman ay si Alexie ang bumisita sa kanila sa Manila, first semester nun at tamang-tama na may contest na sinalihan ang dalaga sa Manila, siyempre todo support ang Mommy. Dahil nandun na sila ay di na nila pinalagpas ang pagkakataon na dalawin ang tatlo sa tinitirhan ng mga ito.

Nagulat pa sina Ruel at Aron Miguel nung makita ang dalawa, sorpresa nga di ba?

“Mama! Alexie!”

“Hi Kuya!” Niyakap nito ang kapatid. Kasunod si Ruel. May hinahanap ang mga mata nito pero siyempre hindi nagpahalata, nakakahiya kaya, fourth year high school na siya pero di pa rin nawawala ang pagka gusto niya kay Marcus, in fact, mas lumala yata.

“Anong ginagawa ng maganda kong kapatid sa Manila?”

“May journalism contest kami, Kuya.”

Talaga namang maganda siya, lumaki siyang maganda, in fact, natatakot si Aron Miguel na darating yung araw na main love ang kapatid pagkatapos makikita niyang masasaktan, or makitang di ito makakatapos ng pag-aaral dahil sa nabuntis or what. Siguro sobra lang siyang mag-isip, sobra lang mag imagine. Pero ganun naman talaga ang mga Kuya, gusto yung the best sa kapatid nila.

“O, bakit nakatingin ka na naman sa akin, Kuya?”

“May iniimagine na namang weird yang Kuya mo. Alam mo na, masyadong over protective.” Asar ni Ruel. Kilala na nito si Aron Miguel.

“Ay naku! Sinasabi ko na nga ba, Kuya, promise, magtatapos muna ako.” Lambing niya rito. Ganun pa rin naman siya, malaking bulas lang pero isip bata pa rin.

“Teka, asan si Marcus Kilay?” Di na siya nakatiis.

“May date.” Si Ruel

“Date?”

“May date sila ng girlfriend niyang si Bianca.” Dagdag pa ni Ruel.

“Di ko yata alam na may girlfriend si Marcus ah.” Sakit lang Alexie! Sapul.

“Nakakailang girlfriends na kaya yang si Marcus. Masikreto lang yan, pero yang si Bianca, ngayon niya lang sinagot.”

Totoo namang halos ang Bianca nay an ang nanligaw kay Marcus.

“Hi everyone!” Napalingon silang lahat sa nagsalita.

Si Bianca! Napataas ang kanang kilay ni Alexie. Feeling close lang? Ni hindi na yata nahiya sa kanila ng Mama niya. Naka abrisyete pa kay Marcus Kilay na halatang nasorpresa ng makita sila. ANg ikli ng damit, ang kapal ng eye shadow. May party lang teh! At ang lipstick? Pulang –pula.

“Tita. Aya.” Bati ni Marcus sabay ng pag mano sa Mama niya.

“Hi there! I’m Bianca. Gilfriend po ni Marcus.” Pagpapakilala ni Bianca sa sarili niya.

Kapal lang ng fez!

“At sino tong batang to?” Tanong nito sa kanya. Bata? Imagine sa laki at sa ganda at sa seksi niyang yan, tinawag siyang bata? Nakakaloko to ah!

“Excuse me, I’m not a kid, I’m Alexie, Aron Miguel’s sister.” Pagtataray niya. Napaubo si Ruel.

“Oh! So you are Alexie. Palagi kang kinukwento sa akin ni Marcus.”

Tumingin siya kay Marcus na hindi mo naman mabasa ang nararamdaman.  “Whatever!”

“Alexie.” Saway ng Kuya niya, she was caught rolling her eyes on Bianca.

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon