13

13.8K 329 8
                                    

13

Naabutan ni Ruel si Marcus na nakatitig sa cellphone niya. Ginulat niya ito.

“Anong nangyari at tulala ka? May pagkain pa naman tayo sa ref ah.”

“Ulol! May iniisip lang.”

Biglang tumabi sa kanya si Ruel. “Siya pa rin ba?”

“Oo eh.”

“Malaking problema yan kapag nagkataon, Marcus.” Seryoso ito.

“I’m trying to forget her. Pero wala eh, sablay.”

“Wala ka naman kasing ginagawa, lahat ng babaeng nagpapacute sayo, dine deadma mo, patulan mo rin kasi. Ang sarap kaya ng walang commitment. Ang sarap maging pogi, pare.”

“Di ako katulad mo, magkasakit ka niyan sa ginagawa mo.”

“Whoa! Di naman ako ganun kagrabe , Pare. Virgin pa ako.”

“Ulol! Sinong inuto mo? Kahit Nanay mo, di maniniwala sayo, Ruel.”

“Oo na, but seriously,Pare, kalimutan mo na siya, maraming babae, try mong mag girlfriend, ngayon, pag walang nangyari, saka mo I pursue kung ano man yang nararamdaman mo. Alam mong maraming taong mag rereact, saka, Pare, what if di ka niya magugustuhan? Kakayanin mo ba? Baka masyado ka lang na aattract sa kanya sa dalas nating magkasama nun.”

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon