24
Hindi makatulog kaya eto...update ulit...walang basagan ng trip!
******************
“Ilabas ninyong lahat ng pera ninyo, cell phone! Lahat! Bilis!” Nagsigawan pa rin ang mga pasahero, nakita niyang may nakatutok na baril sa bus driver. Yung lalaking sumigaw, may dalang malaking bag. Dun niya inilagay lahat ng makukuha niya mula sa customer.
Kahit anong isip ni Marcus, talagang hindi niya kakayanin ang mga ito, may mga dalang baril, nandito pa si Alexie. “Ibigay mo na lang yung pera mo.”
Nakahawak ito sa t-shirt niya, sobrang higpit. “Pero nandito lahat ng ATMs ko.”
“Hayaan mo na, di naman nila ma wi withdraw yan.” Habang ginagawa niya yun ay mabilis na may kinuha sa pitaka niya si Marcus at isinuksok sa pantalon niya. Gusto sanang gayahin ni Alexie ang binata kaso nanginginig ang mga kamay niya. Nakita niyang nasa kanila na ang lalaki.
“Kayo! Asan nang pera ninyo!” Inihulog ni Marcus ang wallet niya sa bag. Ganun na rin ang ginawa ni Alexie.
“Cell phone!”
Galit man pero walang nagawa si Marcus, inilagay niya ang cell phone niya. “Ikaw?! “ Baling nito kay Alexie.
“Kuya, lowbat eh.”
“Bigay mo na Aya.” Bulong ni Marcus sa kanya.
“Eh lowbat naman talaga, Marcus.” Ganting bulong ni Alexie. Gustong matawa ni Marcus sa pagkakasabi ng dalaga, ang laki-laki ng mga mata nito.
“Ayaw mong ibigay ha!”
“HEto na! Sus naman Kuya! Joke lang. Ayan oh!” Inihulog ni Alexie ang cellphone niya sa bag ng lalaki.
“Hoy! Bilisan mo jan! Mahahalata na tayo nito!” Sigaw nung lalaki sa may driver.
“Tang-ina! May check –point na sa unahan! Put* ipara mo!” Sigaw nung lalaki sa driver. Agad namang pumara ang bus at halos matapon silang mga pasahero. Mabutti na lamang at naagapan ni Marcus ang pagkakasubsob ni Alexie.
“Dali! Magdala ka ng kahit sino jan! kailangan natin sila kung hindi mapapatay tayo!”
Biglang tinutukan sila nung lalaki sa harap nila. “Kayong dalawa! Tayo!”
“Ha?” Napakapit si Alexie sa damit ni Marcus.
“Marcus.”
“Tayo!” Nakita ni Marcus na nasa gatilyo na ng baril ang daliri ng lalaki.
“Halika na Aya.”
“Marcus ayaw ko.” Umiiyak na ito.
“Anong ayaw mo? Ayaw mo pang mamatay di ba? Puwes sumama ka!”Akmang sasampalin siya ng lalaki pero humarang si Marcus.
BINABASA MO ANG
MarXie
Teen FictionIf you could only teach your heart whom to love and when to love- Marcus and Alexie....(MarXie) [ new cover by : AicirtapEmiaj ]