Add my official facebook account (char!) Xian Randal
Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal
Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)
5
Bakit ba parang napapansin na niya si Marcus ngayon? Dati naman parang hindi ito nag eexist. Sabi nga nung adviser nila, normal raw na magkagusto sa opposite sex o sa isang tao, typical raw na paghanga yun. Yung tipong napapansin mo siya, alam mo yung galaw niya, meron siyang ugali o ginagawa na nakaka attract sayo.
Sabi ni Tiffany, mga symptoms raw yun na may crush ka sa isang tao. Bakit parang meron siya nun, para kay Marcus Kilay? Bakit kay Marcus pa? Bigla siyang nainis sa sarili. Bakit siya magkakagusto sa isang lalaking lagi niyang kasama simula pagkabata? Saka ang bugnutin kaya nito, ang suplado kung minsan, daig pa ang kuya niya, saka kaibigan nila ito…
Pero bakit ang guwapo yata ni Marcus Kilay ngayon, ang ganda ng mata, ng ilong, ng lips, ang tangkad pa, saka bakit bumibilis ang tibok ng puso niya kapag lumalapit ito? Tulad ngayon, bakit naman kasi kung kailan ko siya iniisip saka naman siya dumarating.
“Hello Aya. Anong problema at ang layo ng iniisip mo?”
“Wala! Saka bakit ka ba narito? Hindi ba may practice kayo?”
Napakunot at nagsalubong ang mga kilay nito. “May kaaway ka ba Aya? Okay lang?”
“Oo!” Pasigaw na sagot niya.
“Bakit nakasinghal ka? May masakit ba sayo?” Tapos bigla ipinatong niya ang kamay niya sa noo ng dalagita. Bigla itong nagpanic. Nagmalfunction yata ang nervous system niya.
“Wala naman ah. Anong problema mo Aya? Nag-away ba kayo ng Kuya mo?”
Kahit naman kasi makulit ito, never itong nagsuplada sa kanya ng ganun. Nagyon lang, at hindi siya sanay. “Meron ka ba?”
“Anong meron ako?”
“Meron ka bang dalaw ngayon?” Ganun kasi ang sabi ng Science teacher nila dati. Nagiging bugnutin raw ang babae kapag may dalaw.
She blushed! How can he asked that question?
“Wala! Wag mo na nga akong lapitan Marcus!” Then she walked – out. Naiwang natulala ang binata sa ginawa ng dalagita.
****
Hindi naman mapakali si Alexie, ano ba naman kasi ang nakain niya at sininghalan niya ng ganun si Marcus Kilay? Nangungulit? E lagi naman niyang ginagawa yun ah, hindi pa siya nasanay. Tuloy kinakain siya ng kunsensiya ngayon.
Masyado kasi siyang affected sa weird feelings na nararamdaman niya ngayon. Tapos tuloy namomroblema siya paano humarap kay Marcus Kilay.
“Alex, what happened?” Si Kuya Aron Miguel, pinuntahan siya nito sa classroom at inexcuse sa teacher, gusto raw siyang makausap saglit.
“Bakit?” Patay malisyang tanong niya.
“Are you okay? Kanina pa kami kinukulit ni Marcus na tignan ka, hindi naman pinayagan si Ruel na lumabas dahil alam mo naman yun may tendency ng hindi bumalik. Ano bang nagyari? May masakit sayo? May problema ba ang prinsesa ko?”
Ang sweet naman ng Kuya niya.
“Wala naman Kuya.”
Tulad ng ginawa ni Ruel ay sinalat niya rin ang leeg at noo niya kung may lagnat o mainit. “Wala naman ah.”
“Wala talaga! Ang OA nyong tatlo.”
“Mas OA si Marcus, hindi nakikinig, panay ang bulong sa akin. Teka, nag-away ba kayo?”
“Bago pa ba sa inyo yun na nag-away kami? Kuya naman kasi, ang kulit niya kasi.”
“At siya pa ang makulit ngayon? Tigilan mo nga ako Alex. Basta okay ka lang ha, sige, pasok na, ipapahatid kita kay Marcus mamaya, wala si Manong, hinatid si Mama sa Davao.”
“E bakit kay Marcus Kilay, bakit hindi ikaw?”
“May gagawin pa kaming project, group project, iba kasi ang grupo naming tatlo, sinadya yata ni Ma’am na paghiwalayin kami, saka bakit tumatanggi ka na kay Marcus ngayon? Hindi ba magtututor pa siya sayo?”
Napasimangot siya! Ayaw na yata niyang magtutor sila.
Tuloy, she was agitated the whole afternoon, ayaw niyang sumabay kay Marcus kilay, nahihiya kasi siya, pagkatapos na sigawan niya ito. Tuloy, pinagtaguan niya ito. Hinintay niyang mag alas singko kahit alas kwatro ang labasan nila.
She was alone in going out. Nauna na rin kasi ang group of friends niya, sina Tiffany, Gabrielle, at Shaira.
“Saan ka ba nagpupupunta at ang tagal mong lumabas?”
“Ay shit!” Biglang sabi niya.
“At kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan, Aya?” Inis na tanong ni Marcus sa kanya.
Bakit ba bigla na lang sumulpot itong lalaking to kung saan? Hindi ba, pinagtataguan niya ito?
Napasimangot siya, siguro, yun na yung pinaka the best na gawin. “Bakit andito ka?”
“Hinihintay ka, ‘di ba sasabay ka sa akin?” Nagtatakang sabi ni Marcus sa kanya. She acts weird.
“Ayoko, mauna ka na, mag titricycle na lang ako.”
Ano bang problema ng kutong-lupa na to. “Sa akin ka sasabay. Pag ‘di ka sumakay, bubuhatin kita, alam mong hindi ako nagbibiro Alexie Yanelle.”
Sa tatlo, kay Marcus Kilay siya takot, hindi kay Kura Aron Miguel, mas lalo namang hindi kay Ruel.
“Oo na!”
Kinuha ni Marcus ang shoulder bag na gamit ni Alexie. Bigay pa iyon ng Mama niya. Parang wala lang na isinukbit ni Marcus ang kanyang shoulder bag. Hindi ba ito nahihiya na magmukha siyang binabae?
BINABASA MO ANG
MarXie
Teen FictionIf you could only teach your heart whom to love and when to love- Marcus and Alexie....(MarXie) [ new cover by : AicirtapEmiaj ]