19

14.3K 343 8
                                    

Sorry sa bagal ng update, kaya nga dalawa na lang muna sila at HIATUS ang iba para makatapos ako...kung anu-ano kasing pinaggagawa ko sa buhay.

******

19

Natatawa si Alexie kay Gab, perfect na raw ang graduation day niya dahil sa pictures nila ni Ruel. Talaga naman itong kaibigan niya, hangang ngayon ba naman ay may gusto pa rink ay Ruel na halata namang pilit lang na nakikipag-usap sa kanya. Ilang beses na rin niya itong binalaan na ang daming babae ng babaerong yun pero wala pa rin effect. Talaga namang iba ang nagagawa ng pag-ibig, kasi nga sabi pa nito, in love na raw siya kay Ruel.

Alam niyang after ng high school ay sa Manila siya mag-aaral, magpapalit lang sila ng Kuya niya ng lugar, babalik na kasi ito sa Kidapawan para asikasuhin ang kanilang negosyo. Si Ruel ay ganun din, hindi nga niya alam si Marcus, nahihiya naman siyang tanungin si Ruel. Hindi pa kasi sila nagkakaayos ng Kuya niya, and she is really guilty about it, siya kasi ang dahilan at nasira ito. She really cannot think of ways na pwedeng ibalik ang lahat, lahat kasi na try na niya, siyempre katulong niya si Ruel.

Di na rin nangialam ang Mama at Papa niya, katwiran ng mga ito, time heals raw at darating talaga ang oras na magkakabati rin ang dalawa, e kailan naman kaya? Aalis na siya after summer, what if babalik rin ng Kidapawan si Marcus, magkikita at magkikita sila ng Kuya niya, hindi sila magpapansinan? Ang hirap pa naman ng ganung sitwasyon.

****

Natatawa siya na nalulungkot dahil  umiiyak ang Mama niya nung iwan siya sa Manila, kailangan na kasi nitong bumalik sa Kidapawan, inihatid lang siya nito sa bahay nila para masigurong okay siya, nauna ng umuwi si Aron Miguel at ang Papa niya, imagine, buong pamilya  niya ang naghatid sa kanya. Mag-aaral lang naman siya, apat na taon lang naman ang college di ba? Unless na lang kung may ibabagsak siya n asana naman wala.

Nabalitaan din niyang bumalik na si Marcus sa Kidapawan, di man lang ito nagparamdam sa kanya. What does she expect, siya ang nagsimula nang lahat, di ba? Siguro ang maganda, pagbubutihin na lang niya ang pag-aaral para may mapatunayan naman siya sa parents niya, sa Kuya niya.

Okay naman din ang unang semester, nagkaroon na siya ng mga bagong friends, sina Gabrielle at Simon kasi, pati na ang iba niyang mga kaklase ay mas piniling sa Davao City mag college, actually, okay din naman dun, pero mas gusto niyang sundin ang Mama at Papa niya. They wanted the best for her.

Di naman siya siya nahirapang mag-adjust lalo na yung mapalayo sa pamilya, kasi madalas na binibisita siya ng kanyang Mama at Papa, maging ang Kuya Aron Miguel niya na alam niyang masaya sa pamamahala sa negosyo. Si Ruel, kapag me sadya sa Manila saka lang niya nakikita, pero si Marcus…

Si Marcus na talagang namimiss niya, na hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakalimutan, na hangang ngayon may epekto pa rin sa kanya lalo na at naalala niya yung kanyang first kiss, at si Marcus na hanggang ngayon ay di pa rin nagpaparamdam. Dun siya nalulungkot, at dun talaga siya apektado.

Two years had passed… (eto na naman ang after two years ko) and everything went well, nakapag adjust na talaga siya at siyempre gamay na niya ang buhay sa Manila, nagdalaga na talaga siya kung si Aron Miguel pa ang tatanungin, siyempre naman no, maa –adapt mo naman talaga ang buhay kung saan ka gumagalaw. Nagrereklamo kasi ito sa mga isinusuot niyang damit,masyado raw revealing, see through, maikli, hay naku,  palibhasa kasi ay napaka conservative, akala mo naman hindi nagbibilang ng girlfriends. Dun siya ngayon komportable, at as long as hindi bastusin eh okay lang sa kanya. Ni hindi nga nagrereact ang Mama at Papa niya.

MarXieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon