Prologue

219 6 3
                                    

Koi wa moumoko...

Koi ni shishou nashi...

Koi wa shian no hoka...

"Playground? Teka...Anong ginagawa ko rito?"

Nilibot ko ng tingin yung buong lugar...

"Nakapunta na ba ako rito?"

Maganda yung lugar, madaming mga puno at masarap ang simoy ng hangin. Tapos nahagip ng paningin ko yung dalawang batang babae...Yung isa mahaba ang buhok at naka headband tas yung isa maikli lang pero naka clip sa mag kabilang gilid. Tapos, yung batang naka headband may kinuha sa bag nya at lumapit dun sa batang naka clip at isinuot sa kamay nito...

Hindi ko alam kung ano yun dahil hindi ko gaanong makita, medyo may kalayuan din kasi ang puwesto ko sa puwesto nila. Tapos biglang lumingon yung batang naka headband at parang may tinuro sya, napalingon yung batang naka clip pati na rin ako sa kabilang street, ngayon ko lang napansin yung mga puno ng cherry blossoms dun.

Ibinalik ko yung tingin ko sa kanilang dalawa... Tapos nakita ko na lang na tumakbo yung batang naka clip papunta sa kabila... Tapos teka lang... may kotse!

Pinilit kong kumilos, dahil kung hindi ako kikilos masasagasaan sya... pero teka, hindi ako makagalaw ni hakbang di ko magawa... parang may pumipigil saken. Naiyak na ako, kailangan matulungan ko sya.

Pero yung batang naka headband, tumakbo rin sya at itinulak nay yung batang naka clip... nakarinig na lang ako ng isang malakas na busina at....

SSSCCCRRREEEEEEEEEEEEEECHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!

Nakita ko na lang yung batang naka headband sa middle ng road... nakahiga at... at duguan... Naitakip ko na lang ang kamay ko sa bibig ko. Hindi ko pa rin maigalaw ang paa ko, may lumapit namang batang lalaki dun sa batang naka headband at pinipilit itong gisingin... napansin ko lang mag kamukha silang dalawa.

Nakita ko na rin yung batang naka clip, naglalakad na siya palapit dun sa dalawa, kaya lang paika ika sya kung maglakad , tapos may sugat sya, parang pumutok yung sa may bandang noo nya at dugo nang dugo, nung malapit na sya, bigla na lang tumayo yung batang lalaki at naglakad palapit sa kanya.

Nagulat na lang ako nung tinulak nya yung batang naka clip, nawalan tuloy ito ng balanse at napa upo sa lapag, bigla na lang may lumapit na babae dun sa batang naka clip at tinulungan siyang tumayo tapos parang may sinasabi yung babae dun sa batang lalaki, bigla na lang may lalaking lumapit sa kanilang tatlo at parang may sinabi sya sa mga to at pumunta na dun sa batang naka headband...

Narinig ko na rin yung ambulansiya, nakita ko na lang naisakay na siya at mabilis na umalis...

Unti-unting nawala ang mga puno pati na rin ang playground... Ang mga tao kanina, kotse parang nag lalaho na parang bula... Unti-unti na ring dumudilim... Hindi ko alam kung dahil sa pagabi na o ano dahil parang kanina lang , ang taas ng tirik ng araw... Hanggang sa talagang dumilim na, ni wala na akong makita...

"Sheez... ayoko nang ganito kadilim, nakakatakot."

Lumakad lang ako ng lumakad nang may makita akong ilaw, lumakad ako papunta sa ilaw at tumayo ako sa ilalim nun... Tsaka ko tiningnan ang buong paligid...

"Ei, hanu ba yun, andilim pa rin, pero teka? ano yun?"

Pag lingon ko kase sa kanan, may nakita akong naka tumbang bagay, hindi ko gaanong maaninag dahil medyo nag blu blurred ang paningin ko...

"Lalapit na lang ako , para makita ko lalo."

Ihahakbang ko na sana ang isang paa ko pero... hindi ko nanaman maigalaw ang paa ko... Nag tataka na talaga ako ah, pero tinitigan ko na lang mabuti yung naka tumbang bagay... Sa pagtitig ko, unti-unti kong naaninagan ang naka tumbang bagay... pero teka, hindi naman bagay eh, parang tao, tama tao nga!...

Maya-maya may suminding ilaw kung saan, tapos may isa pa, may isa pa at hanggang sa lumiwanag na lang bigla ang buong paligid. Tsaka ko nilibot ng paningin ko ang buong lugar. At sa pag lilibot ng paningin ko, napagtanto kong pamilyar nanaman sakin ang lugar na to...

"Warehouse? Abandonadong lugar? Ano nanaman ang------"

Napatigil ako dahil may narinig akong umiiyak... O_O baka--- Ipinilig ko na lang ang ulo ko dahil sa mga pinag iisip ko. Luminga-linga ako, hanggang sa mahagip nanaman ng paningin ko yung nakita ko kanina, hanggang sa maalala kong aalamin ko nag pala kung sino un.

Tapos naalala ko rin na hindi ko nga pala maigalaw ang mga paa ko. =.=

Napapitlag ako bigla nang may marinig akong mga yapak. Napatingin ako bigla dun sa nakatumbang tao, ngayon ko lang napansin, parang nakatali sa likod ang mga kamay nya at may takip sya sa bibig.

Napatitig ako sa kanya, pinipilit kong alamin kung sino sya, bata ba o matanda, lalaki ba o babae, pero sa pagtitig ko, nagulat na lang ako bigla... dahil sya yung batang naka clip kanina sa playground...

"Okey? So, ano namang ginagawa nya rito? Bakit sya nakatali? At bakit parang hindi nya ako makita??"

Asa pa akong may sasagot saken =.=... Narinig ko ulit yung mga yapak, parang papunta sya sa direksyon nung batang naka clip... Tapos may sumulpot na lang bigla na batang lalaki... mukhang mas matanda lang sya ng isa o dalawang taon dun sa batang naka clip.

Pumunta sya sa likod ng batang naka clip nang dahan-dahan at parang kinakalas nya yung pagkakatali dun sa mga kamay ng batang naka clip. Tinanggal nya na rin ang takip sa bibig ng batang yun.

Tinulungan nya tong tumayo at inalalayan sa paglalakad. Dahan-dahan lang sila pero may nasipang bote yung batang lalaki at nabasag nang tumama sa kung saan .

Bigla na lang may sumigaw. Yung mga bata, nag simula ng tumakbo, kaya lang naharang sila ng isang lalaki na may hawak na balisong.

Humarang kaagad yung batang lalaki sa batang babae... para bang pinoprotektahan nya to.

Tinangka syang saksakin ng lalaki pero naka iwas sya... Pero sa pangalawang pagsugod ng saksak ng lalaki sa kanya, muntikan na. Dahil sinalag nya yun gamit ang kanyang kanang braso, dahilan para masugatan sya malapit banda sa pala pulsuhan nya tapos...

"Hime?"

Si kuya?

"Kuya! Asan ka?"

Bigla na lang nawala lahat ng nasa paligid ko... Naririnig ko pa rin ang boses ni Kuya pero bakit hindi ko siya makita? Bakit hindi niya ako makita?

"Kuya? Asan ka ba? Bakit hindi kita makita?"

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon