The Visitor

20 7 1
                                    

Dianne's POV

" Galit ako sayo"

Yan ang huling salitang binitiwan ng aking kapatid bago sya tuluyang lumabas sa kwarto ko.

Naiiyak na lang ako na natatawa.

Naiiyak ako dahil hindi ko gustong saktan ang damdamin nya at ng mga kaibigan ko. Nasasaktan din naman ako dahil nakikita ko silang ganun.

Naiiyak ako dahil kelangan kong magpakasal para pagtakpan ang kahihiyang nagawa ko.

Naiiyak ako dahil kelangan kong isakripisyo ang kalayaan at kaligayahan ko para sa mga taong mahal ko.

Kung hindi ko gagawin ang bagay na ito, kung hindi ko tinanggap ang tulong ni Locce, paano ang negosyo ko?

Paano ang reputasyon ng pamilya ko?

Paano si Daddy?

Masasaktan sya kung malalaman nyang palpak ang negosyo ko. Sisisihin nya ang mga kaibigan ko, dahil sasabihin nya na pinabayaan ko ang negosyo ko dahil mas priority ko sila.

Ikakahiya nya ako.

Ineexpect nila na ako ay magaling, matalino, madiskarte, na kaya kong gawin ang lahat.

Pinagkakatiwalaan ako ng aming pamilya.

Kaya kahit kaligayahan ko ay isasakripisyo ko. Itataya ko ang kalayaan at dignidad ko para sa kanila. Kahit masakit.

Natatawa naman ako dahil sa kasinungalingang ito.

Hindi totoo ang magiging kasal namin ni Locce.

Palabas lang ang gagawin namin.

Nanggaling sya kanina sa opisina ko at pinirmahan ang dala dala nyang kontrata.

Kontrata ng aming pagpapanggap at kontrata ng aming negosyo.

Ipinaliwanag nya sa akin ang lahat.

Gusto nya lang daw ipaalam sa lahat, specially sa Daddy nya na may nobya na sya at papakasal na.

Gusto nyo nya rin daw iwasan ang babae  na inirereto sa kanya ng magulang nya.

Sabi ko nga, bakit ako pa ang napili nya eh marami namang babae dyan sa tabi tabi.

Sabi naman nya, ako daw ang kilala nyang babae na makakatulong sa kanya. Idinahilan pa ng mokong na magkababata kami at galing ako sa mayamang pamilya kaya hindi na kokontra pa ang kanyang magulang.

Matutuwa pa daw ang mga ito pag nalamang ako ang papakasalan nya.

Nakakatawa hindi ba? Gagawin namin ang isang seryosong bagay pero wala namang namamagitan sa amin.

Natutuwa ako dahil ako ang pinili nya.

Siguro dahil gusto ko sya?

Siguro dahil makakasama ko na sya palagi at makikilala ang isa't isa.

Masaya kaya yun? Yung makakasama ko sya sa iisang bahay at magkatabi kaming matutulog?

Yung ako ang magluluto ng pagkain nya at mag hahanda ng suot nya sa trabaho?

Magiging ganun kaya kami pag tapos ng kasal?

Hays. Bakit ko ba naiisip yun.

Magpapanggap lang naman kami.

Hindi mangyayari yun.

Bakit ba ako nakakaramdam ng sakit?
Hindi ko alam. Wala namang dahilan para masaktan.

Ewan.

..

Napabalikwas ako ng biglang mag ring ang aking cellphone.

8 Princess and 1 PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon