DENISSE'S POV
" Denisse una na ko ah, see you tomorrow! "
Kassie left me all alone in the waiting shed. Tapos na ang klase namin and you see, I'm with Kassie, my close friend. Wala kasi si kuya dyosa eh. Nag meeting pa para sa gaganaping acquaintance party sa Saturday.
And speaking of Acquaintance party, I saw the announcement in our bulletin about sa flow ng program.
Im so excited!
This will be another dancing moment with Geoff.
Ang kaso before we enter the event center kelangan naka mask na. Paano ko naman malalaman na si Geoff ang makakasayaw ko :(
So sad, but anyway alam ko ang amoy ng pabango nya at naniniwala ako na makakasayaw ko sya. Bwahahaha :D
Maya maya lang dumating na rin sina Ate Joyce, Rica, Krissa at Jessa. Wala si Ate Danica as usual kasama si King. Si Kuya dyosa nasa meeting, si ate Rijean naman absent dahil may photoshoot sya sa baguio.
Hindi nanaman kami kumpleto :(
" Baby girl kanina ka pa ba nandito? " tanong ni ate Rica as soon as makalapit sila sa kinaroroonan ko.
" Hindi naman masyado. "
" Oh, nasaan yung bakla? " tanong naman ni ate Joyce ng mapansin na walang umaaligid na dyosa sa paligid ko.
" May meeting daw po sya eh. About dun sa acquaintance party sa Saturday kaya pinauna nya na ako. Hwag na daw natin sya antayin. " paliwanag ko.
" Hay buti naman at matatahimik na ang araw ko. "
Sabay sabay kaming natawa.
Napukaw ang aming atensyon ng may sasakyang itim na huminto sa pwesto namin.
Familiar ang kotse.
Binaba nito ang salamin sa bintana at bumungad sa amin si ate Dianne..
Kasama si Kuya Locce..
" Hope in. "
" Ate Dianne!" We shouted.
Super duper happy namin kasi ngayon na lang kami nasundo ni ate Dianne. Hindi namin ineexpect na pupunta sya dito to fetch us.
Agad kaming pumasok sa sasakyan at naupo sa back seat.
Kuya Locce started the engine and unexpectedly, nag road trip kami papuntang Tagaytay and nag stop sa isang riding club.
Though, hindi kami kumpleto, masaya naman kami dahil nakabonding na ulit namin ai ate Dianne.
After namin sa riding club, kumain kami sa isang resto at nagtungo sa isang mall.
" Girls, bumili na kayo ng mga susuotin nyo. " ani ate Dianne.
" Ok. Sino sasama sakin mag pamassage at spa? " tanong ni ate rica.
Sumama sa kanya si ate Jessa at Krissa. Si ate Dianne at Kuya Locce nagpunta sa bilihan ng mga rings.
Talagang hindi na mapipigilan ang pagpapakasal nila. Hindi naman kami tutol dahil matagal na naming gusto makatuluyan ni Ate Dianne si Kuya Locce.
Kasama ko si Ate Joyce at nagtungo kami sa isang botique.
" Ate Joyce, anong kulay ng gown na biBilhin mo? "
Tanong ko. Sa kanya na lang ako mag tatanong kung anong kulay ng gown na babagay sa akin hindi kasi ako marunong mamili eh. Karamihan ng damit ko si Ate Dianne ang bumibili at hindi ko hilig ang mag shopping.
BINABASA MO ANG
8 Princess and 1 Pretender
Ficção AdolescenteKAIBIGAN O PAG IBIG? " I may be the princess, or the great pretender. " I lost. I fall. But everyone becomes a great pretender. They broke their promises. Mabubuo pa kaya ang grupo nila matapos maisiwalat na lahat sila ay nahulog sa patibong? Ang ba...