Anthony's POV
The usual day has started. Ilang buwan na lang ay matatapos na ang semester that's why I gathered all the members of the student council to discuss the things we need to accomplish including our school's journal na every semester nirerelease.
" Sir, may bago po tayong member, I'm sure she can help us in our journal. Journalist sya sa dati nyang school." One of the members said.
She? He mean it's a girl.
Nah. Not interested, buti sana kung fafa ang sasali edi Go na Go ako! Charot!
"Where is she? Kelangan isama na natin sya sa meeting para mabigyan ng gagawin. " I said without looking at him.
The door opened kaya sabay sabay kaming napalingon sa pintuan at bumungad sa amin ang isang babae.
She looked so familiar.
" G-good Morning po. " she greeted while adjusting her thick eyeglasses.
I don't know why pero mukha akong idiota na napangiti nung nag tama ang aming mga mata. Sa hindi malamang dahilan ay parang tumatalon ang puso ko.
I never feel this before.
"Ayan na pala sya Sir! Sya po yung bago nating member. "
I shook my head. " Let her seat. "
My Goodness! Simula ng pumasok sya sa kwartong iyon ay hindi na ako mapakali. I know her pero hindi ko matandaan ang name nya. She's the mysterious girl na nag transform into a beautiful lady nung party.
"Thanks. " aniya sabay upo at inilapag ang mga bitbit na libro.
"Please introduce yourself. " I said in a cool voice. Nawala ang kabaklaan ko dahil sa kanya.
Shocks! I can't believe it. Ibig ko bang sabihin ay lalaki na ako ngayon?! My ghaad!!!
"My name is Ana Greta Villarama, a transfer student from *** University. Call me Greta. It's nice to meet you all."
Kahit na natatakpan ang mukha nya ng kanyang mahabang buhok at makapal na salamin ay lumilitaw parin ang kanyang beauty.
ARRGH! Bakit ko ba naaappreciate ang ganda nya! I'm a girl kaya!!!
"Can you tell us what would be your contribution to the group? Hindi kami basta basta tumatanggap ng students dahil malaki ang responsibilidad ng isang student council." sabi ko na medyo masungit ang dating to test her kung confident ba sya or not.
She smiled na para bang walang kaba na nararamdaman " Journalist po ako since high school. "
"So sa tingin mo ba sapat na yun para tanggapin ka namin. " dagdag ko.
"I brought my old journals you can check it out para malaman nyo how good I am in journalism. "
She lent me her old journals and checked it. Wala akong masabi kundi WOW!! Detalyado ang mga nakasulat doon at hindi nakakabored basahin. Pati layouts ay magaganda. Lalo tuloy akong naaattract sa kanya.
Gosh! Sinabi ko abong naattract ako sa kanya?! Oh my kadirdir ah! Pwe!
I cleared my throat. "This is nice. You can start today. " tinawag ko ang editor sa grupo. "Mina, ikaw na muna ang bahala sa kanya. Assist her and give her the infos na ilalagay sa journal. "
"Copy Sir. Dito tayo Greta. " inakay ni Mina si Greta sa kanyang table at nag simula na sila. Medyo bumaba na rin ang tense na nararamdaman ko kanina.

BINABASA MO ANG
8 Princess and 1 Pretender
Novela JuvenilKAIBIGAN O PAG IBIG? " I may be the princess, or the great pretender. " I lost. I fall. But everyone becomes a great pretender. They broke their promises. Mabubuo pa kaya ang grupo nila matapos maisiwalat na lahat sila ay nahulog sa patibong? Ang ba...