CHAPTER 2.5: Your Superman is here

27 5 4
                                    

Writer's note:
Thank you po sa mga nagtiyagang basahin itong story na toh. I know wala pa sa expectation nyo itong kwento pero I'll do my best para mapakilig kayo. 9 characters po kasi ang meron sa kwento at lahat sila ginawan ko ng love story.

I hope you will keep on voting and reading this story.

Marami pong salamat sa inyo :*

************************************
RIJEAN'S POV [First POV]

I'm on my way home from Baguio. Nagkaroon kasi ako ng urgent photoshoot dahil ihahabol daw nila ako sa modeling next month sa New York.

Hindi na din ako nakapasok sa school.  3 days akong absent. Buti na lang at nakapag paalam ako sa Manager ko na may importante akong klase at bawal umabsent.

Bagamat nakakatakot mag drive mag isa, tiniis ko na lang dahil ayokong mag stay sa lugar na yun. I miss my home badly. Tsaka nabalitaan ko na nakasama ng mga friends ko si Dianne.

I missed another chance in my life.

Si Dianne...

[Flash back]

Nakaupo sa ilalim ng puno si Rijean noon.. nag iisa at umiiyak.

Nabalitaan nya kasi na tuluyan ng umalis ang mama nya para sumama sa lalaki nito.

Ang dad naman nya ay inatake sa puso sa sobrang galit kaya agad itong sinugod sa hospital.

8 years old pa lamang sya noon kaya wala syang magawa kundi panoorin ang nangyayari.

Nasasaktan sya sa nangyayari pero ano nga bang magagawa  nya?

Wala kundi ang umiyak at tawagin ang kanyang mama.

"Mama bakit mo kami iniwan" aniya.

Humagulgol sya sa iyak. Hindi nya matanggap na harapin ang bukas na wala ang kanyang mama.

" Uy batang iyakin! "

Napatingala sya sa nag salita at bumungad sa kanya ang isang babae na nakangiti.

Walang lungkot sa mata nito at totoo ang mga ngiti nito.

8 Princess and 1 PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon