Rica's POV:
" Bye! "
Ugh! Ang gwapo naman talaga nung King Zach na yun. Biruin mo si Danica pa ang napili nya. Pwede namang ako na lang. Tss mas maganda at mas makinis naman ako. Higit sa lahat, ang sexy - sexy ko kaya! Kainis na lalaking yun, hindi marunong maka appreciate ng tunay na kagandahan.
Hays -____- Di bale. May makakasalubong naman akong lalaki dito sa school na mas gwapo at mas hot kaysa sa kanya ^__^ Hahaha
Lumabas na ako ng locker room bitbit ang mga naiwan kong gamit sa locker ko 1 week ago. Walang pasok bukas kaya kelangan mapalaudry ko na tong mga gamit ko. Ang baho - baho na HAHAHA XD
Habang naglalakad ako sa hallway bigla naman akong nakaramdam ng mabigat na bagay mula sa likuran ko.
" Angeliq... "
Kyaaaah!!! Bigla na lang may yumakap na lalaki mula sa likuran ko!!!
" Eh... "
" Angeliq... Nandito ka lang pala. Ang tagal - tagal kong nag antay sayo. Bakit ngayon ka lang nag pakita... " at biglang pumatak ang luha ni guy!!
Ahuhuhu T___T Bakit sya umiiyak! Wala akong ginawa Huhu!
" Eh... "
Hinigpitan bigla ng lalaki ang yakap nya sa akin. Aba! Aba! Isang dakilang hokage ang isang toh! Makayakap wagas. I don't even know him! At sinong Angeliq ang tinutukoy nya?!
" Eh... S-sorry! Nagkakamali ka ata. H-hindi Angeliq ang pangalan ko. A-ako si Rica. "
Natauhan naman sya ng marinig ang sinabi ko. Onti - onti nyang niluwagan ang pagkakayakap sa akin at nakayukong hinarap ako.
" P-pasensya ka na. Akala ko kasi ikaw sya. "
Akala mo lang yun. Sabi ko sa isip ko.
" Eh.. pasensya ka na ah. Nasira ko ata ang moment mo. " I really feel sorry for him ok.
Lalakad na sana palayo yung guy pero ewan ko ba't automatikong humakbang ang paa ko para sundan sya.
Oo! Sinundan ko sya. Ano bang pake nyo? Gusto ko lang makita kong ok lang sya. Baka kasi biglang tumalon sa building dahil sa ginawa kong pang babasag ng moment nya.
Mukha syang malungkot at mukhang broken hearted. Should I comfort him?
" Uhmm, excuse me. Pwede ko ba malaman ang pangalan mo at kung saang building ka? "
Ammmft -___- Bakit ba bigla bigla na lang ako nagsasalita.
Nilingon naman ako ng guy. Malungkot ang mga mata nya kaya nginitian ko sya para kahit papano naman mabawasan ang masamang aura nya.
I smiled.
" Ako si Cedrick. Sa Engineering Building ako. Hinatid ko lang yung gamit ng kapatid ko. P-pasensya ka na kanina, hindi ko sinasadya... "
" Ah.. eh.. hahaha, wala yun noh, lahat naman ng tao nagkakamali. Ako nga pala si Rica. " at inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Tumugon naman sya. Pero ang pinagtataka ko, hindi nya binibitiwan ang kamay ko.
" Eh... "
" Ah.. " binitiwan nya na ang kamay ko ng mapansin nya na nakatingin ako sa kanya.
" Pasensya ka na ulit. "
Ang weird.
" Sige! Mauna na ko. Sana makita kita ulit Cedrick! " and I walked away from him.
BINABASA MO ANG
8 Princess and 1 Pretender
Genç KurguKAIBIGAN O PAG IBIG? " I may be the princess, or the great pretender. " I lost. I fall. But everyone becomes a great pretender. They broke their promises. Mabubuo pa kaya ang grupo nila matapos maisiwalat na lahat sila ay nahulog sa patibong? Ang ba...