Joyce POV:
"Kainan na."
Pumila na ako sa buffet para kumuha ng pag kain. At nang kukuha na ako, bigla na lang akong natapunan ng lemonaide ng lalaking nasa unahan ko.
"Oh My Gosh!"
"oh miss, I'm so sorry, i didn't mean to.."
"OMG! hindi ka kasi nag iingat!"
" Im really - really sorry miss. " sa taranta, kumuha sya ng tissue at pinunasan ang nabasa kong damit which is sa bandang parte ng dibdib ko.
Sa sobrang gulat ko nasampal ko tuloy sya.
"Pervert!"
"Ouch!" Sigaw nya sabay himas sa nasaktang pisngi.
"Ang bastos mo!"
"Sorry hindi ko sinasadya miss. ikaw naman kasi alam mong may tao pa sa harap mo, kumuha ka na agad ng pag kain sa linya ko."
The nerve. " So kasalanan ko pa ganun?!"
"No. I mean dapat kasi nag excuse ka kung kukuha ka na ng pagkain mo. "
" You're blaming me!"
"Ewan ko sayo."
And he turned back.
Aba aba. Bastos nga talaga tong lalaki na toh. Eh kung sipain ko kaya sya palabas ng hotel. Arrgh!
Look at me. Para akong kawawa sa itsura ko. Daig ko pa yung mga babaeng pinapahiya sa mga teleserye. Kainis na lalaki na yun. Malaman ko lang pangalan nya ipapakulam ko talaga sya.
"Oh Joyce, anong nangyari? may umapi ba sayo? Tara resbackan natin." Ani Dianne ng mapansin nya ako sa isang tabi na inis na inis.
"Kilala mo ba yung lalaking yun? " Sabay turo ko sa lalaking bastos na nakaupo na sa table kasama ang ilan pang barkada nitong lalaki.
"Ah, si Chad Celeredad yan. Anak ng isa sa pinakamayamang business partner ni Daddy. Ano ba ginawa nya sayo?"
I rolled my eyes. "look, tinapunan lang naman nya ako ng lemonaide! Nakakainis! "
She chuckled.
"Oh anong nakakatawa Dianne. Isa ka pa eh. Tss."
"Wala. ang cute mo mainis. Hahaha."
Hays. Anong maitutulong ng isang toh. Bwisit.
"Magpalit ka na lang muna ng damit. Pumunta ka dun sa reception at sabihin mo kelangan mo ng premium room. Tapos sabihin mo rin na magpadala ng isang gown sa kwarto mo para makapag palit ka. Ang simple simple ng problema mo eh noh. "
Ay. Oo nga, hotel pala nila ito. Bakit hindi ko naisip na pwede nga pala akong magpalit ng damit dito. Hays. Ang boblaks.
"Sige. Sige."
"Wait.." hinawakan ako ni Dianne sa kamay at hinila patungo sa lalaking bastos.
"What do you think you're doing Dianne?"
"Doing the best thing in the world."
WTF???
"UHmm, excuse me Sirs."
At ngayon na sa harapan kami ng isang grupo ng mga lalaki.
"Oh, Hi Ms. Dianne. What can we do for you.?" ani isang lalaki na tingin ko ay matagal na ring kilala ni Dianne.
"May i borrow your friend." sabay turo nya kay Chad ang name.
"Dianne, ano bang ginagawa mo? "
Ano bang balak ng isang toh. Nakakainis. kaibigan ko ba to oh ano?
BINABASA MO ANG
8 Princess and 1 Pretender
Novela JuvenilKAIBIGAN O PAG IBIG? " I may be the princess, or the great pretender. " I lost. I fall. But everyone becomes a great pretender. They broke their promises. Mabubuo pa kaya ang grupo nila matapos maisiwalat na lahat sila ay nahulog sa patibong? Ang ba...