This part is dedicated to Joy :)
Ilang beses mo na ko kinulit to move forward sa story ni Chad. Halatang walang favoritism huh :)So eto na, ewan ko lang kung hindi ka kiligin sa pervert mong crush.
P.S. Wala talagang forever :p
HEEEYAAAH!!
************************************
3rd Person POV:
Nakauwi na ang magkakaibigan maliban kay Dianne at Locce. Nagpaiwan ang mga ito sa Baguio para asikasuhin ang kaso at mahanap na ang dalawang masamang loob.
Si Rijean ay nanatiling nakaconfine sa hospital kung saan sya dinala ni Doctor Angelo Ramirez. He will personally nurse Rijean kaya naman kahit papaano ay kampante na ang magkakaibigan. Isa pa, nagtitiwala sila kay Doc Angelo dahil ito ang lumigtas sa kanilang kaibigan sa kapahamakan. Wala naman sigurong masama kung iwanan nila ito sa isang lalaki.
" Denisse, let's go. " aya ni Joyce kay Denisse as soon as marating nila ang suite ni Dianne.
Nakiusap kasi ito na kunin ang naiwang gamit sa suite at si Joyce ang pinagkatiwalaan nito.
Naghikab si Denisse. " Ikaw na lang ate Joyce. I'm freaking tired. I'll wait you na lang dito sa parking lot. "
Hindi nya na pinilit pa ang kaibigan. Marahil napagod ito ng husto sa mahabang biyahe.
Iniwan nya na si Denisse sa sasakyan at naglakad na sya papasok sa building.
She was turning left ng bigla bigla ay may lumitaw na matangkad na lalaki sa harapan nya at hindi sinasadya'y tumapon sa kanya ang hawak nitong instant coffee.
" Ouch!" Napahiyaw si Joyce ng maramdamang mainit ang tubig na tumapon sa kanya. Kalalabas lang yata ng kape mula sa vending machine.
" Ay miss! I'm so sorry! I didn't mean to.." kumuha ito ng panyo sa bulsa at pinunasan ang kanyang katawan na natapunan ng mainit na kape.
" I'm really sorry miss. "
" Ako na!" Kinuha nya ang panyo ng lalaki at pinunasan ang sarili.
Pssh! Wala pa man din akong dalang tshirt!
" Hindi kasi natingin sa dinadaanan. Tignan mo ngang ginawa mo sakin!"
Yumuko ang lalaki. " Pasensya na talaga miss. Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi, bigla bigla na lang sumulpot. "
" So it's my fault?!"
Nag angat sya ng tingin sa lalaki at nabigla ng maalala nya ang mukha nito.
Ang nakakainis ngunit gwapong mukha ng lalaking ito.
MR. CHAD CELEREDAD! For the second time, he messed up with Joyce.
" Ikaw?! " sabay nilang usal.
Pareho silang nagulat na makita ang isa't isa.
Naalala tuloy ni Joyce ang ginawa nitong pambibitin sa kanya noong kaarawan ni Denisse.
He tempted me pero hindi ako bumigay!
" What are you doing here?! Are you stalking me?!" Bulyaw nya.
Hindi nya inaasahan na makita ito. Limot nya na nga ang ginawa nito noon. Pero ngayo'y nagpakita nanaman ang binata sa kanya.
BINABASA MO ANG
8 Princess and 1 Pretender
Teen FictionKAIBIGAN O PAG IBIG? " I may be the princess, or the great pretender. " I lost. I fall. But everyone becomes a great pretender. They broke their promises. Mabubuo pa kaya ang grupo nila matapos maisiwalat na lahat sila ay nahulog sa patibong? Ang ba...