1 Week later...
Danica's POV
"Kamusta naman ang pag sayaw ninyo ni Geoff? Mukhang kilig na kilig ka that night eh."
Magkakasama kaming walo sa field. May 1 hour pa bago magsimula ang klase kaya naman magkakasama muna kami para magkwentuhan bago mag hiwa hiwalay patungo sa aming klase.
Matamis na ngiti lang ang binigay ni Denisse. Halata namang hindi parin sya nakakaget over.
" Tignan mo nga, halatang kinikilig oh.." sabay sundot ng daliri ni Joyce sa tagiliran ni Denisse.
"Ano ba ate joyce, nakakainis ka.." natatawang sabi nya habang umiiwas sa pangingiliti ni Joyce.
" Uy, namumula.." tukso naman ni Rica.
"Eh, hindi naman." tanggi ni Denisse.
Naputol ang asaran namin ng mag salita si Anthony. "Bawal mainlove. kundi friendship over."
Ano daw? Friendship over pag nainlove?
"OA naman friend, paano kung mainlove kamin edi hindi mo na kami kilala ganun?" react ko.
"Yes. Friend is more important than love life kasi yung mga friendlalus, nandyan lang itetch kahit nag wawarla kayo. Hindi kayo iiwan overthere. Pag mag jowais ka, pag nag warla goodbye philippines ka na. Jinalikan ka, kineme boom boom ka, pag katapos nun jijiwan ka na din agad. Diba?"
Sumang ayon naman sila Rica, Jessa at Rijean.
"Indeed! mas pipiliin ko ang friendship kesa love life. " dugtong naman ni Rijean.
Nagkibit balikat na lang ako. Ano nga bang magagawa ko?
" I will choose food kesa friends."
Sabay sabay naman kami napalingon kay Krissa na kumakain ng cupcake.
"Ang chutay tomie mo talaga." ani Joyce.
"Pero seryoso mga girls, bawal mag boyfriend ok? Pag crush, crush lang. Hanggang dun lang. ALam nyo naman akesh, gusto ko lagi kayong masaya. Ayokong makita kayo na umiiyak kasi sinaktan kayo ng lalaki. Gusto ko happy lang tayo lagi. Mas masaya naman kasama ang kaibigan diba? Diba?"
Sumang ayon naman kaming lahat.
Sa bagay, masaya kami pag mag kakasama. Hindi namin kelangan ng boyfriend.
Napalingon kami sa gawing kanan ng mapansin namin ang nagkukumpulan na mga babae.
"OMG! Ang cute talaga ni Zach!"
"Ahhhh!!!! I'm gonna die! "
"He's so handsome! "
Napatayo naman si Anthony.
"Teka lang mga girls ah, makikichika lang muna akech sa mga girlalus overthere!"
Kumaripas ng takbo si Anthony para tignan kung sino mang lalaki ang pinapipyestahan nila doon.
"Ahhhhh!!!! My gosh! Ang pogi !!!"
Napatayo kaming pito sa kinauupuan namin at lumapit kay Anthony.
"'Uy Dyosa anong meron?" curious na tanong ni Rica ng makalapit kami sa kanya.
"Look girls oh! Ang pogi ng papabels dun oh! Ang yummy!" kilig na kilig nyang tili.
"Saan?" naniningkit na tanong ni Rijean habang iniikot ang tingin.
"Ayun oh! Yung naka topless!! " sabay turo sa lalaking nagmomodel habang kinukuhaan ng litrato.

BINABASA MO ANG
8 Princess and 1 Pretender
Genç KurguKAIBIGAN O PAG IBIG? " I may be the princess, or the great pretender. " I lost. I fall. But everyone becomes a great pretender. They broke their promises. Mabubuo pa kaya ang grupo nila matapos maisiwalat na lahat sila ay nahulog sa patibong? Ang ba...