Dianne's POV
" Congratulations Anak! I'm so proud of you lalo na't nag merge na ang company nyo ni Locce, I'm sure na mas makikilala kayo sa industry. "
Nairaos ko rin sa wakas ang meeting na iyon. Nakahinga na rin ako ng maluwag. My Dad was so happy pati narin ang iba pang shareholders. Kaya naman ayokong malaman nila na may kondisyon ang pag memerge na ito at ayoko rin na malaman nilang pinag takpan lamang ni Locce ang pabagsak kong negosyo.
" We should celebrate." He said while driving. Nauna na kaming umalis ni Locce, my Dad stay with his friends to celebrate.
Me and Locce decided to use one car para daw hindi mahalata na peke ang relasyon namin. He fetch me every day. Kahit sa pagkain ay kasabay ko na rin sya.
" Bakit pa tayo mag cecelebrate? Uwi na tayo nadrain ang energy ko kanina. "
" Ayaw mo mag dinner? Aba diet. " biro nya.
" Ikaw na nga bahala kung saan mo ko dadalhin. " ani ko habang nakatingin sa labas ng kotse. I'm so tired kaya hindi ko na magawa pang makipag sagutan sa kanya ang gusto ko na lang ngayon ay umuwi at magpahinga.
" What if sa motel kita dalhin ok lang ba? "
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at bigla rin ang pag kabog ng puso ko. Napaayos ako ng upo.
"A-ano ba yang pinag sasabi mo! Bastos ka talaga. " mautal utal kong sambit. Hindi parin tumitigil ang pag kabog ng puso ko at ngayon naman ay namamawis narin ang aking palad.
He laughed. " Ang sarap mo talaga asarin Dianne. "
Binatukan ko sya ng pagkalakas lakas. " Tigilan mo nga ako! "
"OUCH!!!"
Nag pagewang gewang ang sinasakyan namin ni Locce. Buti na lang ay naipreno nya agad to.
" Oh my gosh! "
" ARAAAY! ANG SAKIT TALAGA!!!"
Hindi ko maiwasan ang mag – alala. Dahil sa ginawa ko muntik na kami maaksidente. Lumapit ako ng bahagya kay Locce para icheck kung okey lang sya. Nakahawak parin sya sa kanyang ulo.
" Are you alright? I'm sorry."
Tinakpan nya ang kanyang mukha at parang iniinda nya parin yung sakit kaya sobra akong nataranta. " Hoy! Tell me if you're ok. Oh baka gusto mo dalhin kita sa hospital. "
Nakarinig ako ng mahinang hikbi.
OMG umiiyak ba sya.
I shook his hands " Uy! Ano bang drama yan! OA ka rin eh!. "
Hindi nya parin inaalis ang kamay nya sa mukha nya at tuloy tuloy parin ang hikbi. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa ko.
" Drama boy ano ba hindi ka ba titigil dyan? " Pinipilit ko alisin ang kamay nya na nakatabon sa mukha nya to check if he's really crying or fake lang pero mas malakas sya kaya kahit anong gawin ko hindi ko matanggal ang kamay nya.
At nabigla ako sa sunod na nangyari.
He hugged me tight.
Hind ko maintindihan kung anong nararamdaman ko sa mga oras na iyon, parang sasabog ang aking dibdib sa sobrang kaba, parang nag kakagulo ang aking laman loob at nag-iinit ang buo kong katawan.
" Ano ba, bitiwan mo nga ako." Nag pupumiglas ako pero mas lalo nyang hinihigpitan ang yakap nya sa akin. I looked at him.He's smiling. Lalo tuloy lumakas ang kabog sa dibdib ko. Kung ice cream lang ako, kanina pa siguro ako natunaw sa mga tingin nya.
" Bitiwan mo ako Locce, hindi ka nakakatuwa. " mahinanon kong sambit. Hindi ko alam pero hindi ko magawang magalit sa kanya. I want more.
"Let's just stay like this." He said with a big smile on his face.
I calmed down and let him hug me. Medyo lumuwag na ang pag kakayakap nya pero napaka komportable.
At ang sarap sa feeling na nakayakap sya sa akin, para bang ayaw ko na syang pakawalan.
"Ang unfair mo." Aniya.
Sinulyapan ko sya " Paano ako naging unfair?"
"Ako lang kasi ang yumayakap sayo, pwede bang yakapin mo rin ako?"
Nag katinginan kaming dalawa at sinimangutan ko sya. " Ang kapal mo talaga ano? Niyakap mo nga ako ng walang paalam tapos gusto mo yakapin din kita? Gusto mo ba talaga masaktan. "
He chuckled. " Ang cute mo talaga pag nagagalit. Sige na yakapin mo na ko. Pambawi mo man lang sa pag batok mo sa ulo ko. Please. "
My goodness! Pa cute pa talaga sya, nang hihina ako sa ginagawa nya. Awtomatikong yumakap ang aking mga kamay.
" Oh ayan na ah. "
" Higpitan mo pa. "
" Higpitan? Yung tipong malalagutan ka ng hininga ganon?"
"Wag naman ganun, kung paano kita yakapin, dapat ganun din ang yakap mo sakin."
Ginawa ko nga ang sinabi ng kumag. Sobrang mag kalapit na tuloy ang aming mga mukha na halos pulgada lang ang layo kaya hindi ko nanaman mapigil ang puso ko na parang drum sa sobrang lakas ng kabog.
" Pwede ilayo mo yang mukha mo kahit onti? Nakakasura eh."sabi ko pero ang totoo nyan ay lalo lang akong nababaliw saking nararamdaman.
"Nakakasura ba tong pogi kong mukha?" lalo nyang inilapit ang kanyang mukha at para akong naestatwa, ni hindi ko magawang lumingon at iwasan ang tingin nya. Para akong namamagnet.
"Ready ka na ba sa kasal natin next week?"
"Kasal? You mean yung fake marriage?"
" Yes. "
Bumitaw ako sa pag yakap sa kanya at ganun din sya. " Hindi pa ko nakapag handa pero mas ok lang naman na simple, besides fake marriage lang naman yun so no need to prepare." I felt a pinch in my heart. Oo nga pala, pag papanggap nga lang pala lahat ng ito, I shouldn't take it seriously or else masasaktan lang ako sa huli.
" Gusto ng 3 kids. Two boys and 1 girl."
" What????" para akong nabingi sa sinabi nya.
" Sabi ko gusto ko ng anak. "
" Di ba marriage lang ang usapan natin, bakit ngayon gusto mo naman ng anak. "
"Wala lang. Basta gusto ko ng 3 anak. Bigyan mo ako ah. "
Inambahan ko sya at awtomatiko naman syang sumalag. " Kapal mo! "
"Joke lang HAHAHA. Cute mo talaga. "
Umayos ako ng upo. "Tumahimik ka na nga dyan. Paandarin mo na yung sasakyan at uwing uwi na ko. "
" Ok Misis ko. "
"Che!"
Locce started the engine and continue driving.
------------------------------------------------------------------------
"Ang sweet naman. " I said while watching the couple inside the car.
"Tignan lang natin kung sinong tunay na mag mamay ari kay Locce."
Locce Aldeguer, hindi ka dapat mapunta sa iba dahil akin ka lang. I'll do anything to make your relationship miserable.
I started the engine of my car.
We'll meet soon Dianne and watch out. Hindi mo kilala kung sinong inagawan mo. You'll be miserable too.
End.

BINABASA MO ANG
8 Princess and 1 Pretender
Teen FictionKAIBIGAN O PAG IBIG? " I may be the princess, or the great pretender. " I lost. I fall. But everyone becomes a great pretender. They broke their promises. Mabubuo pa kaya ang grupo nila matapos maisiwalat na lahat sila ay nahulog sa patibong? Ang ba...