KRISSA'S POV
We've gotten the highest grade last activity! At dahil doon ay excempted kami ni Matthew sa darating na exam.
" Krissa, congrats sa inyo ni Matthew. Kahit ako napa-Wow sa cake na ginawa nyo. " ani Jessa.
" Thank you. Kahit ako nga hindi makapaniwala na kami ang may mataas na grade noh. Buti na lang talaga at malinis gumawa si Matthew. Wala akong masabi."
Binuksan ko ang locker ko at nagulat ako ng makita ko ang isang hugis pusong lalagyan na nasa loob.
Nilabas ko iyon at buong takang binuksan.
" Wow! Kanino galing yan?" Ani Jessa ng mapansin ang inilabas ko sa locker ko. Magkatabi lang rin kami ni locker ni Jessa.
Tinignan ko ang card na nakapatong sa lalagyan nito at binasa.
" Cookies for the special girl like you. "
Nagkatinginan kami ni Krissa.
Ni minsan hindi pa ko nakareceive ng kahit na ano mula sa kung sinuman.At nagtataka ako bakit nakapasok ito sa locker ko?
" May manliligaw ka ba Krissa?" Buong taka nyang tanong sa akin.
Halos araw araw kami nagkakasama ni Jessa kaya maging sya ay nagtaka din.
" Wala. " nagkibit balikat na lang ako at binibitbit ang lalagyan na puno ng cookies.
Kung sinuman sya, salamat. Pero wala akong panahon sa kanya.
" May secret admirer ka na pala. " anito habang naglalakad kami sa hallway papunta sa room namin.
" Secret admirer? Anu yun. " natatawang sagot ko sa kanya.
" Loka, wala ka bang naiisip na lalaki na maaring naglagay nyan sa locker mo?"
Tumigil kami sa paglalakad. " Uhmm, lalaki? Wala naman akong pinagbigyan ng susi ng locker ko eh.. paano nya naman yun mabubuksan. Kung sinuman sya. Anyway.."pinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Jessa.
" Wag mo na lang sabihin sa mga kaibigan natin ang tungkol dito. Magpapanic nanaman sila. You know them also, hindi ako titigilan hangga't hindi umaamin. By the way, anong aaminin ko? Eh wala naman talaga. "
Tumango lang si Jessa bilang sagot. Sa aming magkakaibigan ako ang iyakin, I don't know pero sensitive lang talaga ako at pag nakarinig ng sermon naiiyak agad.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa room.
Isa nanamang hugis pusong lalagyan ang nadatnan namin ni Jessa sa desk ko.
Hindi kaya kaklase lang nin ang nagbibigay nito sa akin?
" Excuse me, nakita mo ba kung sinong naglagay nito dito?" Tanong ko sa classmate ko na nakaupo sa likuran ng desk ko.
" Wala akong napanansin na may naglagay nyan dyan, pasensya na. "
Tumango na lang ako.
Umupo na kami ni Jessa.
" Kanino kaya galing ito?"
" Aba, malay ko sayo. Ako pa tinanong mo. "
Maya maya pa ay nag simula na ang klase namin.
Hindi ako makapag concentrate -___- Iniisip ko parin until now kung sino yung naglagay nitong hugis pusong lalagyan sa locker at desk ko. Naloloka na koa kakaisip dahil wala naman talaga akong maisip.
Psh. Bahala na nga...
*********************************************************************************************
So who's the secret admirer huh?

BINABASA MO ANG
8 Princess and 1 Pretender
Teen FictionKAIBIGAN O PAG IBIG? " I may be the princess, or the great pretender. " I lost. I fall. But everyone becomes a great pretender. They broke their promises. Mabubuo pa kaya ang grupo nila matapos maisiwalat na lahat sila ay nahulog sa patibong? Ang ba...