CHAPTER 2: Expect the Unexpected

27 7 0
                                    

Hi Readers!

Sorry kung medyo boring at hindi nakakakilig yung mga naunang kabanata ng 8 Princess and 1 Pretender.
Pero Gusto ko malaman nyo na ang kwentong ito ay nagsisimula pa lang.

Abangan nyo kung paano kayo papakiligin, papaasahin, papaiyakin at iinisin ng ating mga bida sa mga susunod pang kabanata.

Maraming salamat sa mga nag tatyagang nag babasa at nag seseen. Mahal na mahal ko kayo :-*

Para sa inyo ito! Cheers!

************************************

3rd Person POV

" Hay, ang boring. "

Katatapos  lang nila kumain ng tanghalian at kasalukuyang nagpapahinga sa sala.

" Pansin ko lang, mukhang nagiging busy na talaga ang ilan sa atin. Tignan nyo lima na lang tayo ngayon. " ani Joyce habang pinaglalaruan ang hawak na kutsarita.

" Hayaan mo na ateng. May mga activities lang sila sa school. Matatapos din yon at makukumpleto na ulit tayo. " ani Anthony.

" Si Dianne lang naman ang hindi natin nakakasama eh. Nakakatampo na talaga sya. " nakapalumbabang sambit ni Rica.

Sabay sabay silang napabuntong hininga.

Sobrang namimiss na talaga nila si Dianne. Minsanan na lang din nila ito makita at makasama dahil puro trabaho ang inaatupag nito.

Paano naman silang mga kaibigan nya?

Wala na halos syang panahon sa mga ito.

" Intindihin na lang natin si ate Dianne. Mahirap naman talaga mag handle ng malaking business eh. " pagtatanggol ni Denisse sa kanyang ate.

" Mas okey nga siguro kung hindi na muna natin sya dadalawin. Nadadagdagan lang ang sakit nya sa ulo ng dahil sa atin eh. " suhestiyon naman ni Rijean na nakatayo at nagpapababa ng kinain.

Naalala nila ang nangyari noong isang araw. Dinalaw nila si Dianne at mukhang malaki ang problema nito kaya wala silang nagawa nun kundi ang umalis agad.

Sabay sabay silang napalingon sa pintuan nang biglang bumukas iyon at bumungad sa kanila si Dianne.

Ang aga naman ata nito umuwi samantalang minsan lang itong umuwi sa bahay nila.

" Hi Dianne. "

Tipid na ngiti lang ang sinagot nito at naglakad papunta sa kinaroroonan nila.

Seryoso ang mukha nito.

Walang bakas ng kaligayahan sa kanyang mga mata.

" Nandito nanaman kayo? Talaga bang gusto nyong maubos ang pera ko kakasponsor ng pagkain nyo?"

Niyakap naman sya ni Joyce. Ang kanyang BFF.

Kahit may kasalanan ito sa kanya noong birthday ni Denisse at hindi pa sya nakakabawi ay mahal na mahal at miss na miss nya parin ang babaeng ito.

" Toh naman! Masanay ka na! Lagi kaming nandito sa bahay nyo at obligasyon mong ilibre kami dahil hindi ka na namin nakakasama. "

Sumang ayon ang ilan.

8 Princess and 1 PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon