Ano bang pakiramdam ng maiwan? Yung kayo lang dalawa ang nagmomoment tapos bigla bigla ka na lang iiwan?
Buti na lang umulan...
Naitago mo ang luhang kanina mo pa pinipigil.
Danica's POV
3 days na kaming nag kakasama ni King para mag practice.
3 days na rin kaming nag uusap.
3 days na kaming nag babonding.
3 days na kaming nag tatawanan dalawa.
3 days na rin ang lumipas simula ng piliin nya ako biglang partner sa pageant.
Hindi ko hinihiling na manalo kami.
Hindi ko rin hinihiling na sumikat.
Hindi ko rin hinihiling na gustuhin nya ko.
Masaya na ako ng ganito. Na once in a lifetime, naging close ako sa isang lalaki.
Akala ko mayabang sya kasi nga gwapo at sikat.
Akala ko maarte sya kasi malinis at ang cool lagi ng itsura nya.
Pero nagkamali ako.
Super bait at supet sweet nya pala.
Minsan nga napagkakamalan kaming mag couple kasi panay hawak nya sa kamay ko.
Hindi ko nga maintindihan eh.
May gusto kaya sya sa akin?
Hindi ko rin alam kung paano malalaman kung may gusto ang lalaki sa isang babae.
Dahil since birth wala naman akong naging boyfriend.
Si Antony lang naman ang boy friend ko. Pero feeling girl kaya girlfriend ko na din sya.
Tsaka isa pa, umiiwas talaga ako sa mga lalaki.
Kasi yun yung promise namin noon.
Na walang mag boboyfriend or magpapaligaw.
Natatakot tuloy ako.
Paano kung magustuhan ko si King?
Or kung mag kagusto sya sa akin? Hindi naman sa pag aassume pero paano nga kung ganun diba?
Pipigilan ko ba ang sarili ko?
" Hey! What's on your mind huh? "
Natigil ang pag mumuni muni ko ng lumitaw sa harapan ko si King.
Nandito ako sa park na madalas naming pag praktisan.
Tinignan ko sya ng masama " Bakit ngayon ka lang aber? "
Halos mag iisang oras na akong nag aantay sa kanya.
After kasi ng klase nagkasundo kami na magkita dito sa park.
Kaso nga lang late sya.
" Sorry! May inasikaso lang ako. By the way, i have something for you! " sabay ngiti nya.
Ang gwapo talaga ng lalaking ito. Ngiti pa lang ulam na.
" Ano naman yun?"
" Ice cream!" Inabot nya sa akin ang ice cream mula sa likuran nya.
" Alam ko mainit ulo mo kaya yan , palamig ka muna. "
Ang sweet.
Imbis na mainis ako dito sa lalaking ito dahil na late eh nawala bigla.

BINABASA MO ANG
8 Princess and 1 Pretender
Teen FictionKAIBIGAN O PAG IBIG? " I may be the princess, or the great pretender. " I lost. I fall. But everyone becomes a great pretender. They broke their promises. Mabubuo pa kaya ang grupo nila matapos maisiwalat na lahat sila ay nahulog sa patibong? Ang ba...