Chapter 1.7: Sweetie ❤

37 7 3
                                    

Krissa's POV:

" Ok class, our activity for today is to make your own recipe. "

Cooking class! My favorite!

" By partner ang activity na to. Bawal ang magkaibigan, bawal din parehong babae or parehong lalaki.  "

Nag react naman ang mga kaklase ko.

" Oh my! Bakit naman bawal. " reklamo ng isa kong kaklase na maarte akala mo naman maganda.

" Well, hindi lang naman ang cooking skills nyo ang gusto kong mag improve kundi pati na ang pagiging friendly nyo at importante ay team work. Kung walang team work na mangyayari, walang mabubuong gawa. I'll give you time to choose your partner at pag isipan ang recipe na gagawin nyo and tomorrow, you will present your work. "

Hindi rin sana ako aagree sa gusto ni Mam. Hindi naman ako marunong makipag kaibigan lalo n sa mga lalaki.  Paano kaya kami magkakasundo.

" Pano ba yan Krissa, hindi tayo magpartner ngayon. " dissapointed na sabi ni Jessa sa akin.

Oo nga pala, pareho kami ng course at magkaklase din. Madalas sya ang nagiging partner ko kasi kami lang dalawa ang super close.

Nagkibit balikat na lang ako " Hayaan mo na. Ngayon lang naman tayo hindi naging mag partner eh. "

Nagsimula na kami maghanap ng kapartner. Si Jessa nakahanap agad ng partner samantalang ako wala pang nahahanap.

" Hi Krissa,  pwede ikaw na lang ang partner ko?" Napaangat naman ako ng tingin sa nag salita.

Si Matthew Tan.

" Seryoso? "

He just nod.

Umoo na rin ako kesa naman wala akong partner at mag sariling sikap.

Pumunta kami sa pwesto ko. Doon kami nag usap kung anong ipeprepare namin para sa gagawin naming recipe.

" Mahilig ka ba sa sweets? " tanong ko sa kanya. Sinuggest ko kasi na kung ok lang sa kanya na cake na lang ang gawin namin. Doon kasi ako magaling at mahilig ako sa matamis kaya easy lang sa akin ang pag gawa nun at hindi na namin kelangan pang mag practice.

" Medyo lang. " tipid nyang sagot.

Ayun nga, so nagdecide kami na cake na lang ang gagawin namin. Sinulat ko na ang recipe sa notebook ko, king anong kelangan namin bilhin at kung ano ang kelangan namin iprepare. 2 hours lang kasi yung actual activity namin bukas kaya need namin iprepare agad ang mga kailangan.

" Sinong bibili ng ingredients? "

Actually, hindi ako marunong mamili dahil pag may kailangan akong ingredients, ang yaya namin ang pinapabili ko. Hindi kasi ako marunong pumili ng bibilhin eh.

" Edi tayong dalawa. "

Napatingin naman ako sa kanya.

As in seryoso? Marunong mamili ang isang lalaki na mukhang mayaman at walang ibang alam gawin sa huhay kundi mag pa chill lang.

" Wag na, papabili na lang ako sa yaya namin. " tanggi ko. Mamaya kung anu ano pa ang mabili namin at magmukhang bulok na cake lang ang gawa namin bukas.

" Team work. "

Anong connect?

" Marunong ka ba mag grocery? Sorry ah, hindi ka kasi mukhang marunong mamili. " frankly saying.

" Well, mahilig ako mag grocery. At marunong akong pumili ng magandang klase ng bibilhin. Trust me. "

Hindi na ko nagpatalo pa. At ayun pumayag na ko na mamili kasama nya.

8 Princess and 1 PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon