Part 1

23.3K 395 1
                                    

NAPAHINTO si Yui sa paglilinis ng kanyang DSLR camera nang nakaramdam na naman siya ng biglang pagsama ng sikmura at sakit ng ulo. Napapikit siya sabay sapo sa bibig.

She groaned. Kasunod kasi ng mga naunang sintomas ay ang pakiramdam ng nasusuka. Sinandal niya ang ulo sa headrest ng swivel chair na kinauupuan niya upang tulungan ang sarili na kumalma. Dinadalaw na naman kasi siya ng natagal na niyang sakit. Migraine has been pestering her for years now. Nagsimula ito noong high school pa siya. Pero noong college na niya naramdaman ang sunod-sunod na pag-atake nito. It's worsening every time it happens.

Binuksan niya ang drawer ng office table sa kanyang harap at kinuha roon ang canister na naglalaman ng painkillers. She took one pill and closed her eyes again. Habang hinihintay niyang umepekto iyon ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina at bumulaga roon ang gay bestfriend at business partner niya sa niyang si Arnie.

"Mare! Guess who ang tumawag na naman ngayon?" Arnie's voice is high-pitched. Sa totoo lang ay hindi ito bagay sa chubby nitong katawan at height na isang pulgada nalang ay aabot nang six footer.

She placed a finger between her lips to hush her best friend. Lalo kasing tumitindi ang sakit ng ulo niya tuwing nakakarinig siya ng malalakas na ingay. Agad naman itong tumahimik kaya sigurado siyang naintindihan nito ang iniinda niya.

Ngumiti nang mapaklaang kaibigan at saka pumwesto sa likod niya. "Sorry friend. Dinadalaw ka na naman ng enemy mong si 'migraine'. Uminon ka na ng gamot?" Tanong sa kanya nito habang malambing na hinahagod ang likod niya.

Bahagya siyang tumango. She couldn't talk properly kapag ganoong sumasakit ang ulo niya. Arnie, on the other hand, cooperated by not saying anything. Sa halip ay lumipat ito sa harap niya at kinuha ang DSLR camera.Ito na ang nagpatuloy sa ginagawa niyang paglilinis kanina.

Ilang minuto pa ang hinintay niya upang tuluyang mawala ang sakit ng ulo. Di tulad ng dati, pakiramdam niya ay nagiging delayed ang effect ng analgesic na iniinom niya.

"Arnie, can I take the day off? Masyado yata akong napagod these days kaya sunod-sunod na ang pag-atake ng migraine ko." Pakiusap niya sa kaibigan. Alam niya na kung ganoong sobrang pagod siya, nalipasan ng gutom, kulang sa tulog o di kaya ay stressed ay umaatake ang migraine niya. Tatlong gabi na kasi siyang walang sapat na tulog dahil sa sunod-sunod na wedding events at social gatherings na kino-cover nila.

"Ikaw naman kasi. Wagas kung makapagtrabaho. Akala mo sampu ang anak na pinapakain. Eh ni boyfirend wala."

She snorted. "Seriously? Sisermonan mo ako sa kalagayan kong ito?" Pero kahit ganoon ang kaibigan ay alam niyang nag-aalala lamang ito sa kanya. Isa pa ay aminado rin naman siyang nasubsob na niya ang sarili sa sobrang trabaho.

Nagkibit balikat ang beking kaibigan. "Eh kung sana hindi lang day-off ang gawin mo kundi ay mahabahabang vacay. Dalaga ka, Yui. Enjoy your life as a single woman."

Umiling siya. "I have all the time in the world to enjoy. But not now. Sayang ang mga opportunity. Sa susunod na iyang vacation vacation na 'yan." Siguro ay dala na ng matinding pagmamahal sa trabaho kaya hindi na rin niya hinanap ang pagbabakasyon.

"Hoy Yui. Paalala ko lang sa iyo ha? May iba't-ibang klase ng leavesa tabaho ano. Baka naman sick leave lang ang alam mo?" Her friend is nagging again. Totoo din naman kasi ang sinasabi nito. Lahat ng mga absences niya ay related sa sakit niyang migraine.

"Thank you friend." Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito. Nagpasalamat na rin siya dahil alam niyang papayag naman din ito.

"Ewan ko sa iyo. Sige na. Take the day off. At saka 'yong kay Mrs. Silva na lang ang hindi pa natin nai-edit. Kaya ko na iyon."

Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon