Part 15

9.1K 221 2
                                    

Kahit masakit ang ulo ay hindi mapigilan ni Yui na mapangiti habang nire-review ang mga larawan na katatapos lang niyang i-edit. She actually did great in showing the best view of the resort. Sa wakas ay natapos na niya ang project niyang ito.

Ang inakala ni Yui na kalungkutang idudulot ng maling pagka-diagnosed sa kanya ay napalitan ng magagandang pangyayari. And the ultimate reason for such happiness is no other than Red. Dalawang linggo buhat nang sagutin niya si Red ay kailan man ay hindi siya nito binigyan ng rason upang pagsisihan ang pag-oo niya rito. She has been feeling really great when she's with him.

Pero hindi ngayon ang oras na iyon. Umaatake na naman kasi si migraine. Her best enemy. Malamang ay dahil hindi siya nakapag-lunch at mukhang mag-aalas kwatro na ng hapon. Nakalimutan niya kasing kumain dahil sa excitement na bumusog sa kanya habang pinag-i-edit niya ang mga larawan. Wala din sa resort si Red buong araw kaya walang nakapagpaalala sa kanyang kumain.

Wala siyang magawa kung hindi ay buksan ang canister ng gamot at uminom ng isa mula rito. Bumuti sandali ang pakiramdam niya ngunit may iba namang biglang sumakit sa katawan niya. Tila nakararamdam siya ng paghapdi ng tiyan that gradually became painful.

Hay naku kung mamalasin nga naman...

"Thanks Doc." Pasasalamat niya kay Dr. Lee na agad dumating upang tingnan siya. Kung siya lang ang masusunod ay hindi na kailangan pang magpunta roon ang doktor dahil alam naman niya ang iinumin. Madalas na nangyayari sa kanya ito kahit noon pa man kaya nagtataka siya kung bakit ipinagpilitan pa ng nurse na tawagin ang doctor.

Girlfriend ka ng may-ari ng resort, Yui. Natural, special treatment ka rito.

"You should be careful, Yui. Baka magka-ulcer ka sa tiyan sa ginagawa mong pag-inom ng gamot nang walang food intake. Anyway, I'm glad it wasn't anything to do with your head."

Ano raw? "What about my head, Doc?"

"Ah wala, wala. Sundin mo lang ang ipinayo ko sa iyo at hindi tayo magkakaproblema."

Ilang sandali pa ay iniwan na siya ng doctor. Hindi naman siya naging mag-isa dahil agad din namang pumasok ng silid si Nurse Jackie. May dala itong pagkain.

"Salamat, Nurse Jackie." Puno ang tray na dala nito. At mukhang masarap ang lahat ng nakahanda roon.

"Your welcome, Miss Yui. Pero dapat kay Sir Red ka magpasalamat. Siya ang nagpahanda nito."

"Naku... mapapagalitan ako pagdating nun." Siguradong masesermonan siya ni Red pagka-uwi nito.

Ang bilis naman ng balita. Umabot agad dito kahit wala pang isang oras na pumasok siya sa clinic. Pero hindi na siya magtataka. Malamang ay ipinagbilin nito sa mga tauhan na balitaan ito kung may mangyari mang problema sa resort.

"Actually, kadarating lang ni Sir Red. Kausap niya ngayon si Dr. Lee sa labas."

Napangiwi siya. Mas mapapaaga yata ang sermon sa kanya. Kaagad siyang tumayo nang makalabas na si Nurse Jackie. Sasalubungin na lamang niya si Red upang hindi siya nito makita na nakahiga sa bed. Pakiramdam niya kasi ay magmumukha talaga siyang pasyente kung ganoon. Isa pa ay mabuti na rin ang pakiramdam niya.

Kahit kaunti pa lang ang awang pinto ay dinig na dinig na Yui ang pag-uusap ni Red at ni Dr. Lee.

"It's not cancer, Red. Base dito dala mong result. It's negative." Ang doktor ang nagsalita. Hawak nito ang isang papel na napag-alaman niyang isang resulta ng kung anuman.

"Thank God!" Hindi man niya makita ang mukha ni Red dahil nakatalikod ito sa kanya ay dama naman niya ang relief sa boses nito.

Teka... Sinong may cancer?

"There's nothing to worry now. She's clear. It's just a migraine." Patuloy ng doktor.

Doon na siya nakaramdam ng kaba. It seems like she has something to do with their conversation.

"Now I know, wala na akong dapat ikatakot pa. Naaawa kasi ako sa kanya tuwing naiisip kong malala ang sakit niya. Hindi ako halos makatulog sa gabi sa pag-aalala." Ayon kay Red.

"Ngayon pwede ka nang matulog ng mahimbing. She's not going to die. Yui will be just fine."

Biglang nabingi siya sa kumpirmasyong iyon. Wala siyang natatandaang ikinwento niya kay Red ang nangyaring misdiagnosis sa kanya. Paano nito nalaman iyon?

And what the hell? Naaawa siya sa akin dahil doon?

"Hindi ko alam na pinaimbestigahan mo pala pati health condition ko, Red." Hindi niya matiis na hindi lumabas at kausapin ng harapan si Red. Iniisip pa lang niyang kinakaawaan siya nito kaya ito naging mabait sa kanya ay sumasama lalo ang pakiramdam niya.

"Yui!" Gulat na gulat ang hitsura nito nang makita siya. "I didn't——"

"Oh you just did, Red. What the hell? Bakit hindi mo muna ako tinanong para sa akin mo malaman ang totoo?"

"I better go ahead." Magalang na nagpaalam si Dr. Lee. Naramdaman nito ang umiinit na usapan nila.

Nang maiwan silang dalawa ay nagsalita naman si Red.

"I didn't ask you dahil ayokong maalala mo ang akala kong sakit mo. At bakit hindi mo sinabi ito sa akin? You should've told me the truth."

"What truth? It was already out of my mind dahil hindi na mahalaga sa akin ang misdiagnosis ng doktor na iyon sa akin." Napahilamos siya sa palad niya. "From the very beginning you asked Dr. Lee to look out for me? Right? Tama ba, Red?!"

"Yes. He's a specialist. I asked him to look after you."

"Paano mo nalaman na may 'sakit' ako?"

"Narinig kong nakipag-usap sa telepono noong gabing una tayong nagkita. Then I learned you were sick."

Napasinghap siya sa ideyang biglang pumasok sa isip niya. "Kinaawaan mo lang ako? Kaya pala ganoon na lang ang pagiging mabait sa akin. Nasa isip mong maaari akong mamatay kaya naaawa ka sa akin at isang act of kindness ang paniwalain akong mahal mo ako." She couldn't stop her tears from falling. Bumaha ang masasayang memorya niya kasama ito. Ang masakit ay lahat pala ng ito ay kasinungalingan.

"Pero sa tingin ko hindi ko naman kasalanan ang mahalin ka. Ang kasalanan ko ay naniwala akong mahal mo rin ako."

"Yui..."

Akmang lalapit si Red sa kanya ngunit hindi siya pumayag itinulak niya ito at mabilis lumabas ng klinika. Kahit tinatawag siya nito ay hindi na siya lumingon pa. Masasaktan lang siya. Dapat ay tanggapin na lamang niya ang katotohanang kinaawaan lang siya. She has to leave now. Leave the resort, her memories with that place and forget Red. Iyon ang nararapat niyang gawin.

Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon