SUOT ang panda mascot outfit ay nakita niya si Red na nakaabang sa lobby. Tila hindi pa rin ito sumusuko sa paghahanap. Nais niyang humagikgik nang hindi man lamang siya nakilala ni Red nang dumaan siya.
Bye Red!
Nang nagsimula siyang aliwin ang mga bata ng sayaw ay nag-enjoy na rin siya. The kids are very happy as they danced around her. Seeing their cute and gleeful faces makes her want to perform better. Kaya kahit alam niyang parehong kaliwa ang paa niya ay pinilit niyang umindayog para sa mga ito.
Pero may limit din pala siya. Halos thirty minutes na siyang sumasayaw sa harap ng mga bata. Okay lang sana kung hindi siya gutom. Pero kumakalam na ang sikmura niya. Alas dos na at wala pa siyang lunch. Napakainit pa ng suot niyang costume. Napilitan tuloy siyang tumigil sandali.
"Sayaw ka pa." Bulong sa kanya ng kasamang clown.
"Nandiyan si Sir Red baka hindi magustuhan ang performance natin."
Kaagad siyang kinabahan nang marinig ang pangalan ni Red. Pero mas nagulat siya nang tawagin nito iyo ng 'Sir'. Sino ba si Red para sa mga ito?
Kahit hirap sa suot ay pilit niyang hinanap si Red. Nakita niya itong nakamasid sa kanila mula malayo. Hindi tuloy niya napansin ang suot nito dahil sa sobrang kaba kanina. He was in a very formal in his business suit. Mas lalo tuloy itong gumuwapo. Pero medyo stiff ang hitsura nito na tila hindi nasisiyahan.
"Ano ba! Nakatingin na si Sir Red sa atin." Paalala muli sa kanya ng clown sa tabi niya.
Doon na siya natauhan kaya instantly ay sumayaw siya nang bongga. Hindi na niya alam ang ginawa niyang steps basta gumalaw galaw lang siya.
More minutes passed. Pero tila hindi na niya kaya ang init at gutom. Saglit siyang napaupo nang makaramdam siya ng pagsakit ng ulo at pagsikip ng dibdib. Tila hindi siya makahinga at parang umiikot ang paningin niya. Naramdaman niyang may lumapit sa kanya pero hindi na alam kung sino iyon. Unti unting lumalabo ang paningin niya.
This is bad...
KAAGAD na tumakbo si Red upang sumaklolo sa staff niyang hinimatay. Kanina pa niya napapansin na tila hindi maayos ang pagsasayaw nito. Wearing the heavy mascot costume, maaring nainitan ito ng husto kaya nawalan ng malay.
Inutusan agad niya ang isang staff na puntahan ang mga bata na tila nagkagulo sa nakita. Siya naman ay nilapitan ang nawalan ng malay.
"Bago po kasi yan siya Sir Red. Baka hindi sanay." Nag-aalalang sabi ng babaeng emcee ng program.
Tumango lang siya at kaagad na inalis ang suot nitong head costume only to be surprised.
"Yui?"
Tinitigan niyang mabuti at baka nagkakamali lang siya. Kanina pa kasi hindi mawala sa isip niya si Yui. He really thought he saw her awhile ago as he came from the restaurant. Nabangga niya ang isang babaeng kamukha ni Yui and even followed her. Pero sa tingin niya ay hindi lang siya namamalikmata kanina. It was Yui after all.
And what the hell is she doing in a panda costume?
NAPANGITI si Yui sa ganda ng panaginip niya. Nakita niya si Red at binuhat pa siya nito. Pakiradam niya ay para siyang dinuduyan sa hangin sa mga bisig nito. Pero kahit puno ng pag-aalala ang mukha ay ubod pa rin ito ng gwapo.
Ibinuka ni Yui ang mga mata niya at muli siyang binati ng gwapong mukha ng lalaki. Napangiti muli siya. Hindi pa rin pala natatapos ang maganda niyang panaginip.
"Red, come here." Tawag niya rito. Kaagad naman itong lumapit sa kanya at ginagap ang kamay niya.
Ramdam na ramdam niya ang inti ng mga kamay nito. "So warm. Parang totoo."
BINABASA MO ANG
Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHR
Romance"Hindi ko naman kasalanan ang mahalin ka. Ang kasalanan ko ay naniwala akong mahal mo rin ako." Na-diagnose si Yui na may brain cancer. Realizing that her time was running short, she allowed herself to experience what she missed in life-including lo...