Nakakailang shot ng tequila na si Yui pero hindi pa rin siya tinatamaan ng kalasingan. Napagod na rin ang kaibigang si Arnie nang kapipigil sa kanya. Nakaupo na ito sa gilid at pinagmamasdan siya.
"One more tequila, please." Narinig niyang order ni Arnie. Napangiti siya dahil akala niya ay makikipag-inuman sa kanya ang kaigan. Pero nang dumating ang order ay nagulat siya nang ibigay sa kanya ni Arnie ang tequila.
"O, heto pa. Magpakalasing ka ha? Hindi ka maawat eh. Heartbroken lang parang na-diagnose muli ng brain cancer."
"Salamat, Mare." Mabilis niyang kinuha ang baso at nilagok ang laman noon. Hindi na siya nakaramdam ng anghang o pait mula sa alak. Kanina pa manhid ang lalamunan niya.
"Uminom ka hanggang gusto mo. Magpakalasing ka. Kung sa tingin mo iyan ang makakatanggal ng problema mo, go sister!" May halong sarkasmo na ang tinig ng kaibigan pero hindi na niya pinansin ito. Nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi siya nito iniwan sa bar.
O-order na sana siya ng isa pang tequila nang biglang magpatugtog ang DJ ng bar na iyon ng isang masayang musika. Biglang nabuhay ang katawan niya. She suddenly had the urge to dance.
Sa isang saglit ay nasa dance floor na si Yui. She's dancing to the hip music that almost everyone inside that bar enjoyed. Kasama niya sa dance floor ang mga kabataang bigay na bigay din sa pagsasayaw. She closed her eyes and swayed to the beat more. Wala siyang pakialam sa mga nasa paligid niya. She wanted to release all the tension inside her body.
Kahapon nang umalis siya sa resort ay pakiramdam niya mas masakit pa ang magkaroon ng problema sa puso kaysa magkaroon ng migraine. When she walked out of the clinic, Red called for her. Pero hindi ito sumunod sa kanya. Hindi rin ito nagpaliwanag nang maayos. That hurts her more.
Ilang sandali pa siyang sumasayaw nang maramdaman niyang may humawak sa balakang niya. Napadilat ang mata niya. Napasinghap siya nang biglang humigpit ang paghawak nito sa balakang. She was about to push the hands off her nang biglang bitawan siya ng lalaki. Pagkalingon niya ay may isang lalaking kinukwelyohan ng isang pamilyar na pigura.
"Red?"
Sa dancefloor na pinulot ang lalaking kinwelyohan ni Red. Pero bago pa man siya makapag-react ay hinila na siya nito palabas ng bar.
They ended up on the pavement.
"What the hell were you doing?" Diretsa niyang tanong. Naiinis siya sa ideyang pinapakialaman nito ang buhay niya. Tapos na sila. Wala na ito dapat pang pakialam kung anong gagawin niya.
"I just gave you time to cool down. But I guess I was wrong. Ganito ka ba talaga kapag may problema? Nagpapakalasing? Paano na lang kapag hindi ako dumating. Baka nabastos ka na ng lalaking iyon."
"Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong ninuman. And let me remind you. Wala kang pakialam kung mag-iiinom man ako. Buhay ko 'to."
"I know. Buhay mo 'yan. But we're not over yet, Yui. You're still my girl."
Woah! Ano raw?
"Hindi na ako ang pasyenteng kinaawaan mo, Red. Thank you for the pity but no thank you."
Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Hindi ako naaawa lang sa'yo, Yui. Mahal kita. Totoo iyon."
Pinipigilan niyang hindi tumulo ang luha niya. "Paano ko paniniwalaan 'yan? When all this time you lied to me."
"Hindi ako nagsinungaling. Nang marinig kitang nakipag-usap sa telepono noong gabing una tayong nagkita, right then I felt you need someone to lean on. But I guess it was more than that for me. Matapang ka. Nagustuhan ko ang determinsyon mong maging masaya kahit alam mong malapit ka nang mamatay." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "We were destined to meet that night. We were destined to be with each other the next few days after that. At naniniwala akong nakatakda rin tayong magkasama habang buhay. God is tricky in letting us meet like that. Pero alam kong ito ang plano niya. Nararamdaman ko iyon. He won't let us fall in love with each other just for nothing. I love you, Yui."
Hindi na niya mapigilang umagos ang luha mula sa mga mata niya. She couldn't help but just hug him tight. Nababasa niya sa mga mata nito ang pagiging sinsero. "Natakot ako. Nang inakala mong may cancer ako ay kinaawaan mo lang ako. That everything was just out of your pity on me."
He pushed her off a bit and then looked into her eyes. "Inaamin ko. Sa sobrang pag-aalala ko, kumuha ako ng isang specialist para tumingin sa iyo, iyon si Dr. Lee. Pinilit rin kitang mag-stay sa resort para hindi ka ma-expose sa stress ng city life. Pinakialaman ko ang records mo sa hospital kung saan ka nagpa-check-up. Pero lahat ng iyon ay dahil sa mahal kita. Gusto kong makasigurong magiging mabuti ang kalagayan mo. I wanted you to live longer para makasama kita. Pasensya na kung ganoon ako klaseng magmahal, Yui."
She smiled at his revelations. He did truly love her. "Thank you for telling me everything."
"And thank you for reconsidering me. Pero sa totoo lang ay wala akong planong sumuko agad sa iyo. That night when we made love. I knew you were my forever."
Napangit siya. "You were my first. And you will be my last."
Hinawakan nito ang mukha niya at saka hinagkan siya sa labi. "And you will be my last as well."
Akmang hahalikan ulit siya nito nang biglang may naalala. "Teka. Paano mo nalamang nandito ako ngayon?"
"Arnie told me. Actually, buong araw ko siyang kinumbinsi na sabihin sa akin kung saan ka. Well he's tough alright. Ginisa muna ako bago sabihin niya sa akin kung nasaan ka."
"Realiable talaga ang kaibigan kong iyon."
"And thanks to him, I just got here on time."
Napailing na lang siya sa ibig sabihin nito. "Possessive ka talaga."
"Ayaw mo?"
"No. I love it actually."
"Mabuti naman. Dahil hindi iyon magbabago kahit lola ka na."
"Talaga lang ha?"
Isang masuyong halik ang sagot sa kanya ni Red na malugod din niyang tinugon.
THE END
Sana nagustuhan ninyo ang story nina Yui at Red!
Please don't forget to like and comment. Thanks!!!
BINABASA MO ANG
Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHR
Romantik"Hindi ko naman kasalanan ang mahalin ka. Ang kasalanan ko ay naniwala akong mahal mo rin ako." Na-diagnose si Yui na may brain cancer. Realizing that her time was running short, she allowed herself to experience what she missed in life-including lo...