Part 9

8.4K 227 2
                                    

PAGKATAPOS niyang makuha lahat ng litrato ay nilisan na ni Yui ang opisina. Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang boss. Naiinis siya sa kaprangkahan nito. All her career life ay nasanay siya na silang dalawa ni Arnie ang boss. She has never experienced being criticized that way. Maski ang mga kliyente niya ay hindi ganoon ang sinasabi.

She suddenly doubted herself. Maaring din kasing tama si Red. Her photos were boring and lifeless and she didn't know that because no one told her.

Nakarating siya sa Hill Forest nang nasa isip pa rin ang sinabi ni Red. She looked around the area and she was amazed by how natural the place is. Para itong hindi parte ng beach resort dahil mukha talaga itong rainforest.

She walked around and started taking pictures. Ang buong lugar ay puno ng iba't ibang tanawin na kaagad nakatanggal sa inis niyang nararamdaman.

Then it struck her. Puno ng buhay ang buong paligid. Maybe this place would do for Red. Baka ito tipo ng larawan na makakapagpasaya dito.

She just found herself taking pictures limitlessly. Nais niyang kumuha ng mga litratong makaka-impress sa lalaki. She wanted to prove to him that she is capable of bringing out beautiful images.

At nang tingnan niya sa preview ang mga nakuhang larawan sa camera ay nasiyahan siya. Maaring iyon ang mga hinanap ni Red. Kinuha muli niya ang mga litratong sinabi nito na 'boring'. Maski siya ay nararamdaman niya ang pagkakaiba ng mga ito.

She suddenly felt guilt. Maaring dahil hindi siya seryoso sa pagkuha ng mga larawan noong nakaraang araw kaya ganoon ang lumabas na resulta. Gusto lamang niyang matapos ang deal nila at wala siyang pakialam sa magiging output niya. She was too preoccupied of how Red lied to her. At napaka-immature niya para gawin ang bagay na iyon. Isa siyang professional photographer but she acted against her usual self. Huminga siya ng malalim at itinago ang mga larawan. Today she's going to prove that she's better in what she has shown earlier.

Tumayo siya at muling kumuha ng litrato. Hindi siya nakadama ng pagod habang binabagtas ang trail patungo sa loob ng forest. All she wanted is to take the best photos. At sa pakiramdam niya ay unti unti na niyang nagagawa ito.

She took another photo from the tall trees there when she suddenly felt a droplet of water hit her forehead. Tumingala siya sa langit upang alamin kung uulan pero natatakpan ito ng makakapal na mga dahon at tangkay ng kahoy. Ngunit hindi pala siya nagkakamali dahil ilang segundo lang ay bumuhos kaagad ang malakas na ulan. The thick branches of the trees somewhat helped not to get wet easily pero sandali lamang iyon. Pagkalagay niya sa camera sa bag upang ma-secure iyon ay doon na siya unti unting nababasa ng ulan. Nagmamadali siya pabalik sa dinaanan niya ngunit hindi niya magawang tumakbo dahil madulas at pababa ang daan.

She tried to find a shed pero wala siyang makita. Mas natatakot siya na manatili doon. Hindi na bale siya ang mabasa pero huwag na sana pati ang camera niya. It's worth many months of hard work for her. Hindi pwedeng masira iyon ng ganoon lamang.

Naglakad muli siya ng dahan dahan pababa ng burol pero talagang minalas siya. Nadulas pa siya! Mabuti na lamang at napahawak siya sa isang nakausling ugat ng puno kaya hindi siya tuluyang gumulong pababa ng burol.

Shit!

Hindi niya halos maigalaw ang katawan sa pagkakaupo sa putik. Wala siyang maramdamang sakit bukod sa pagkamanhid ng puwetan niya. Huminga siya ng malalim upang humugot ng lakas. Medyo nahilo kasi siya sa nangyaring pagkadulas niya.

Nang maramdamang maayos na ang pakiramdam ay bumangon na siya. Pero mukhang hindi pa tapos ang kamalasan niya dahil narinig na lamang niya ang pagkapunit ng kanyang t-shrit. Nahagip kasi nito ang isang nakausling kahoy doon.

Inis na inis siyang dahan dahang tumayo. Nang ayusin niya ang sarili ay may narinig siyang kakaibang tunog sa loob ng bag niya. Doon na niya naalala ang dalang camera.

Kumakabog nag dibdib niya sa kaba. She knew there's something wrong. At nang sinilip niya ang camera ay halos mawalan siya ng bait sa nakita. Basag ang lens ng pinakamamahal niya na camera! Hindi na niya mapigilang umiyak. It was her favorite camera! Pinag-ipunan niya iyon ng ilang buwan.

Nagpupuyos ang damdamin niya sa kamalasang inabot. Una ay pinuna ni Red ang trabaho niya. Tapos inulan siya sa gubat, nadulas siya sa putik, halos gumulong siya sa burol, napunit pa ang damit niya and the worse ay nasira ang camera niya!

Papalabas na siya sa gubat nang makakita ng waiting shed. Kaagad din siyang sumilong doon. Pero kahit nasa ligtas na na lugar ay hindi niya mapigilang maiyak. Inilabas niya ang nasirang camera mula sa bag at tinitigan ito. Paano na siya makakakuha ng mga litrato ngayon?

Ilang sandali lang ay bigla niyang naramdaman unti-unting pag-atake ng sakit ng kanyang ulo. Inaatake na naman siya ng migraine. Napamura siya sa inis. Now that she's feeling so stressed ay lumabas na naman ang matalik niyang kaaway. Kung kailan pa siya bad trip ay makikisabay pa ang sakit ng ulo niya.

Bigla tuloy niya naalala ang puno't dulo ng nangyari sa kanya. Kung hindi dahil sa migraine niyang iyon ay hindi siya mapagkakamalan ng doktor na may brain cancer, hindi rin niya ibebenta ang lupa niya, wala sana siya sa resort na ito upang salbahin muli ang iyon. Hindi sana siya mauulanan ngayon, madudulas sa putikan at masisiraan ng camera.

"Yui!"

Isang sigaw ng pangalan niya ang kanyang narinig sa di kalayuan. Kahit umuulan nang malakas ay kitang kita niya kung sino ang tumatakbo papalapit sa kanya.

Red...

Kung hindi naman dahil sa migraine na iyon ay hindi niya nakilala si Red. At hindi sana niya naibigay ang sarili dito.

Muling umagos ang luha niya. Sa loob ng isang linggo ay napakarami nang nangyari sa kanya. Hindi na niya tuloy kung ano totoong plano ng kapalaran.

Napahawak siya sa kanyang ulo nang maramdaman muli ang pagkirot nito. Natutop din niya ang bibig dahil sa nasusuka na naman siya.

"Yui! Are you okay? Ano ba kasing ginagawa mo sa lugar na to ngayong umuulan?"

Hindi kaya siya nagkakamali? May pag-aalala sa boses nito. He quickly wrapped her shoulders with his jacket and pulled her closer to his body. Dahil sa ginawa nito ay nabawasan ang lamig na nadarama niya.

"Gusto mo ng magandang larawan kaya nandito ako. I can't afford to give you 'boring' photos." Impit na sabi niya.

"But shouldn't you be careful? I just wanted good photos. Hindi mo kailangang magpakabasa sa ulan at masaktan tulad nito." Nakita na kasi nito ang marumi at punit niyang damit. She knew she looked terrible. Maaring nakokonsensya ito sa nangyari sa kanya.

Sasagot sana siya pero hindi pa rin kasi humuhupa ang sakit ng kanyang ulo. Sa tingin niya ay lalong lumalala ito. Hindi pa siya nakakainom ng gamot dahil naiwan niya ito sa kwarto niya hotel.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi kasi siya sumasagot habang hawak hawak niya ang ulo ng dalawang kamay.

"We need to get out of here!"

Sa isang iglap ay nasa mga bisig na siya nito at tumatakbo patungo sa golf car na nasa di kalayuan.

Kahit masakit ang ulo niya ay nararamdaman pa rin niya ang init na hatid ng katawan nito sa kanya. He was holding her tight as if he is scared for her life. Di tulad noon na ipinipikit niya ng mariin ang mga mata upang maibsan ang sakit ng ulo, ngayon ay mas gusto niyang pagmasdan ang mukha nito na puno ng pag-aalala. Pakiramdam niya ay gumagaan ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Besides Arnie, this is the very first time a man cared for her after her father died. At gustong gusto niya ang pakiramdam na iyon.

Ito rin ang ikalawang pagkakataon na sinalba siya ni Red. Ang una ay noong nasa bar sila. At ngayon ay dito sa gubat. Two opposite places but by the same man. Ayaw niya sanang mag-isip pa, pero isang pattern ang lagi niyang napapansin kapag kasama niya ito. Her heart flutters at the sight of him. And she likes it when he cares for her like this.

Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon