NAGISING si Yui dahil sa halimuyak ng rosas. Ang akala niya ay nananaginip lamang siya pero nang makita niya ang mga pulang rosas sa bedside table ay nalaman niyang totoo ang mga ito. Inilapit niya ang mukha sa mga bulaklak at sinamyo iyon. She felt better having those fresh roses greet her that morning.
"Nagustuhan niyo po ba ang mga rosas?"
Napalingon siya sa pintuan kung saan nanggaling ang boses ng isang babae. Agad niyang naalala ang mukha nito. Isa ito sa mga nurse na nag-alaga sa kanya noong una niyang pagka-admit sa clinic.
"Ah, oo. Mas naging maganda ang pakiramdam ko noong makita ko sila."
"Mabuti naman po. Siguradong matutuwa ang nagpadala ng bulaklak na iyan para sa inyo."
Kaagad lumakas ang tibok ng puso niya. Ang akala niya ay display lamang ito roon. Mayroon pala talagang nagpadala sa kanya nito.
Napangiti siya. There is only one person who came into her mind nang sabihin iyon ng nurse.
Red...
How could he be so sweet? Siguro ay nakokonsensya sa ginawa nito kahapon.
Lihim siyang nagdiwang. Ayaw na sana niyang bigyan pa ito ng kulay pero sa tingin niya ay talagang nag-aalala ito para sa kanya.
Just thinking about it ay kinikilig siya.
"Nasaan siya?" Tanong niya sa nurse.
"Sino po?"
"Si... ang nagpadala ng mga rosas na to." Nais man niyang banggitin ang pangalan ni Red pero tila ba nahihiya siya. Ayaw niyang mag-isip ang mga ito ng kung anu-ano.
"Ay, naku Ma'am. Hindi ko po alam. Pero may card po na kasama iyan. Inilipat ho namin sa vase ang bulaklak kaya nahiwalay. Sandali lang po at kukunin ko."
Pagbalik ng nurse ay may hawak na itong maliit na card at iniabot ito sa kanya.
"Salamat!"
Excited siyang basahin ang laman noon. She didn't know that side of Red. May sweetness pala itong tinatago kahit medyo rude ito sa trabaho.
Yui,
Sorry sa nangyari. Kung alam ko lang ay hindi na kita pinayagan na pumunta doon. Magpagaling ka kaagad dahil mas nagi-guilty ako na nandiyan ka pa sa clinic. Sana magustuhan mo ang bulaklak. Ang girlfriend ko mismo pumili niyan. Get well soon.
Tony
Alam niyang mali, pero hindi niya mapigilang maramdaman ang malaking disappointment matapos basahin ang note. Ang buong akala niya ay kay Red galing ang mga iyon.
Ano ba kasi ang ini-expect mo, Yui?
Pinuri pa naman niya si Red ng sobra sobra tapos ganoon lang pala.
Saan kaya ang lalaking iyon? Sinipat niya ang wall clock at nalaman niyang mag-aalas otso na ng umaga. Sana man lang ay dinaanan siya nito bago pumasok sa trabaho. If he really cared like she thought he did ay pupuntahan siya nito kahit sandali.
She shook her head. Bakit ba siya umaasa na mag-aalala ito sa kanya ng ganoon? Oo, sa ngayon ay empleyado siya nito. Pero pagkatapos ng deal nila ay matatapos din ang lahat. She'll be nobody but an acquaintance to him. Wala siya dapat asahan dito. Kaagad siyang nalungkot sa realisasyon niyang iyon.
Natigil ang pag-iisip niya nang may kumatok sa kwarto niya. In a spilt of a second, she wished it was Red behind that door.
"Good morning!"
Nang bumukas ang pinto ay isang lalaki ang bumungad doon. Sa tingin niya ay nasa thirties ito at may hitsura din. She has never seen him around the hotel.
"Good morning. You are...?"
"Dr. Aiden Lee. Ako ang on-call physician ng resort. I'm here to do a check-up on you."
Oh the doctor Red's secretary talked about.
Tumango siya. Of course, it would be necessary to do a check-up on her dahil admitted siya doon sa clinic. Maybe the resort is really that prestigious na marami itong doktor na on-call doon. Iba kasi ang doctor na tumingin sa kanya noong nakaraang araw.
"Pwede mo bang sabihin kung anong nangyari sa iyo sa Hill Forest?"
"Umulan ng malakas kahapon. Tapos nadulas ako sa putik. And my butt hit the ground hard."
"You didn't hit your head on the ground? The record here says you had a terrible headache."
"Hindi naman. Migraine attack lang iyon. Actually, I feel okay now. Baka pwede na akong makabalik sa kwarto ko."
"Alright. Pagkatapos ng check-up ko sa iyo titingnan natin kung pwede ka na makalabas dito."
"I see." It sounds logical to her.
"And you were having nausea and vomiting? When was your last period?"
Napaisip tuloy siya na sandali. She knew it was a general check-up pero malayo naman masyado ang tanong nito.
But then in a split of a second ay na-figure out niya ang iniisip nito.
"Are you pregnant, Miss Arnaiz?"
WTF?!
BINABASA MO ANG
Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHR
Romansa"Hindi ko naman kasalanan ang mahalin ka. Ang kasalanan ko ay naniwala akong mahal mo rin ako." Na-diagnose si Yui na may brain cancer. Realizing that her time was running short, she allowed herself to experience what she missed in life-including lo...