"ANG GAGANDA naman ng kuha niyo Ma'am Yui." Puri ni Tony na siyang web designer na makakatrabaho niya sa ginawa nilang website. Inihilera kasi niya sa mesa ang mga larawan na kuha niya nang nagdaang dalawang araw. Mula doon ay mamimili sila ng ilalagay sa website.
"First batch pa lang iyan, Tony. Mostly sa hotel rooms and villas lang. Bukas ay sa beach area naman ako gagala."
"Naku hindi kayo mahihirapan i-capture ang best view ng beach dahil kahit saang angle ay maganda po talaga ang dagat dito sa amin." Proud na wika nito.
Taga Pagudpud din ito at kapatid ng isang staff sa resort. Pero kahit bente tres lamang ay magaling na ito sa kanyang propesyon. Masasabi niyang deserving ito sa trabahong nakuha dahil nakikita niyang masipag at matalino ito.
"Tony, may kilala ka bang may bangka dito? Gusto ko kasing kunan ang buong resort from the sea. Sa tingin ko ay magandang tingnan ang lugar na ito from afar." Excited na wika niya. She has always wondered how the resort looked like from the sea. With all the beautiful structures there, sa tingin niya ay magmumukha itong paraiso.
"May mga bangkang de motor po na pampasahero dito. Pwede natin pakyawin ng ilang oras kung gusto ninyo."
"Naku, mga at least half day ang kailangan ko, Tony. Gusto ko kasing kunan din ang sunset. I'm sure the view will be wonderful."
Nakikinita na niya ang mga possible pictures na maide-develop. Sigurado siyang magaganda ang mga iyon.
"Walang hong problema. Ako na ho ang bahala doon." Wika nito.
"Salamat ha. Susulitin ko ang araw. Kukunan ko pa ang ang 'Hill Forest' ngayon."
Hill Forest is the wooded area of the resort. Mayroon itong natural landscapes and trees na mukha talagang gubat. Mayroon itong trail na kung saan pwedeng mag-biking at trekking.
"Ang sipag niyo talaga Ma'am Yui."
"Nag-e-enjoy din naman ako. Teka nga, huwag mo na akong tawaging Ma'am. Yui na lang. Hindi ako sanay na tawaging Ma'am."
"Naku nakakahiya naman pong hindi kayo i-address na 'Ma'am'. Kahit papano ay senior ko po kayo."
"Teka, twenty three ka, twenty eight naman ako. Isang taon lang ang difference ng edad natin kaya huwag ka nang umarte diyan." Biro niya dito. Napakapormal kasi minsan nito. Sa tingin niya ay magiging mabuti ang work atmosphere nila kung magkaibigan ang turingan nila.
Mukhang nagustuhan din naman ito ni Tony dahil pumayag ito. "Sige po Ma'am... este Yui."
"That's better."
Natigil ang pag-uusap nila nang narinig silang tumikhim. She gazed outside the open door of the office and saw Red wearing a serious expression. Babatiin sana niya ito pero hindi na niya natuloy. Mukha kasing hindi maganda ang gising nito.
"Tony, I want to see the web layout that you made." Seryosong wika nito nang pumasok sa opisina.
"Ah, Sir Red, hindi pa po tapos. I'm still working on it." Magalang na sagot ni Tony. Nababasa din niya ang bahagyang pagkailang nito sa presensya ng amo.
"Kung babawasan lang sana ang pakikipagdaldalan, eh di sana ay tapos na iyan ngayon. You should make the most out of the time you spend here in the office. I didn't hire you to just sit around and chat. Sana naman gawin mong mabuti ang trabaho mo."
Hindi man galit ang boses ni Red ay iba ang dating nito sa kaniya. It somewhat hurt her in a way. Kahit hindi man nito binanggit ang pangalan niya ay nararamdaman niyang pinariringgan sila nito. Kung naabutan man nito sila ni Tony na nag-uusap, hindi ibig sabihin noon ay nagdadaldalan lamang sila.
"Excuse me, Mr. Duarte. Hindi kami nagdadaldalan ni Tony. We're talking about work." Pagtatama niya sa iniisip ng boss.
Hindi ito sumagot, bagkus ay humila ito ng swivel chair at umupo sa harap ng mesa. Isa-isa nitong tiningnan ang mga larawang kuha niya. Bigla tuloy siyang na-conscious sa gawa niya. He was looking at the photos like a meticulous client. She suddenly felt like praying that she has met his expectations.
"You got great photos." Simpleng sabi nito.
It was all she needed to feel relieved. Mabuti na lang at nagustuhan nito ang mga larawan. Kaya pala takot ang mga tauhan nito sa kanya dahil masyadong mataas ang standards nito. Noong nasa children's party sila ay naramdaman na niya ang pangingilag ng mga staff nito kanya.
And now that she has heard him say that her work is 'great', her frustration on him melted. Ganoon ba kahirap ma-impress ang lalaking ito?
"Thanks. Marunong ka naman pala mag-appreciate."
"I'm not done yet, Yui. Your work is great but I want to see more life. No offense meant but some are quite boring. There's no life."
She was soaring high pero sa isang iglap ay nahulog siya sa lupa. Kanina ay great ang kuha niya, ngayon naman ay boring. How could he be so irritating?
Sasagot ulit sana siya pero naunahan siya ni Tony.
"Magaganda naman Sir. Sa tingin ko ay tama na ang mga ito."
"I'm looking at these at a customer's view. I hope you won't take it personally."
Pinilit niya ang sarili na maging rational. Huminga na lang siya nang malalim upang kalmahin ang nerves niya. "I understand. Don't worry Mr. Duarte, I'll work harder this time." Wika niya sabay kuha sa mga larawang nakalapag sa mesa.
"What are you doing?" Nalilitong tanong ni Red sa kanya.
"They're great but boring. I don't want to disappoint my boss. Baka isipin niya na kaya hindi naging effective ang promotions dahil sa 'boring' photos ko. I'll make sure next time my photos are not just great but perfect."
"I hope you're not mad at me for criticizing your work."
"Aba hindi po." Pagsisinungaling niya. "Tinatanggap ko ang mga comments sa akin, positive or negative man. That's why I'm taking these back. Papalitan ko ng iba. Yung may buhay at hindi boring."
"You're not mocking me, are you?"
"Oh, no Sir. We're friends, remember?"
BINABASA MO ANG
Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHR
Romance"Hindi ko naman kasalanan ang mahalin ka. Ang kasalanan ko ay naniwala akong mahal mo rin ako." Na-diagnose si Yui na may brain cancer. Realizing that her time was running short, she allowed herself to experience what she missed in life-including lo...