"THANK you Miss Arnaiz. You know how much we needed the beach." Nakangiting sabi ni Attorney Barrios habang inaabot sa kanya ang kopya ng Deed of Absolute Sale kasama ng tseke na nagkakahalaga ng limang milyon.
"Sorry po sa distorbo kagabi. Medyo biglaan po ang naging desisyon ko. Mabuti naman po at nahanda agad kayo ng mga papeles. "
"I have prepared these ahead of time. Hindi naman mahirap dahil malinis ang titulo. Ako ang dapat magpasalamat sa iyo dahil pumayag ka sa breakfast meeting na ito. Inagahan ko na dahil baka magbago pa ang isip mo."
Bahagya siyang natawa sa rebelasyon nito. Talagang gustong gusto na nitong makuha ang lupa niyang iyon.
"Isa pa, ilang linggo na akong kinukulit ng boss ko tungkol dito. Mabuti na nga lang at pumayag ka na tuluyang ibenta ang lupa. Mr. Reynaldo Duarte is actually in Manila right now kaya lamang ay masyadong urgent ang meeting nating ito kaya hindi na siya nakapunta." Wika nito.
Si Reynaldo Duarte ang nakasaad na buyer ng lupa doon sa deed of sale.
"It's alright Attorney. Pakisabi na lang po sa kanya salamat."
"Makakarating Miss Arnaiz. Gusto ko lang sana malaman kung bakit nakadesisyon ka na ibenta ang lupa? Noong huli lang ay ayaw na ayaw mong ibenta iyon."
Tipid siyang ngumiti sa may edad na abogado. "I needed the money, Attorney."
"Well then. Salamat ng marami Miss Arnaiz."
Kinamayan siya sa abogado saka nagpaalam. Nang makalayo na ito ay napabuntong hininga siya. Naisip kasi niya ang tanong nito kanina.
Why would I urgently sell the land?
She smiled thinking of the answer. Hindi na kailangan pang malaman ng abogado ang totoong kondisyon niya at kung bakit niya ibinenta ang lupa. She got the money now for her biopsy and treatment. That's all she needed.
Thanks to the person who made her realize that her life is worth fighting for.
Kumusta na nga kaya ito ngayon? She left a note for Red bago siya bumaba at kinausap si Atty. Barrios. Nangako siyang babalik siya upang makapag-usap sila ng maayos. Deep inside, she is hoping for something wonderful for the both of them.
When they both decided to abort their initial plan ay bigla naman nakaramdam sila nang chemistry nang maglapit sila kagabi. One kiss led to another until they ended up in bed together.
And honestly speaking, she never felt any remorse of what she has given up that night. Red showed her he is worth it.
Pabalik sa hotel room nang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi pamilyar ang numerong tumatawag sa kanya pero sinagot pa rin niya iyon.
Nang kausapin ang tumawag ay nalaman niyang taga-ospital iyon at hininging magpunta raw siya sa klinika ng doktor na pinag-check-up-an niya noong nakaraang araw.
"Pupunta po ako ngayon. Doon niyo na lang po ipaliwanag sa akin ang lahat." Wika niya bago ibinaba ang cellphone.
Napabuntong hiningi siya habang naglalakad palabas ng hotel. She has been feeling positive when she woke up this morning. Sana ay hindi sisirain ng kung anumang balita na naghihintay sa kanya sa ospital na iyon.
MISS ARNAIZ, we are very sorry about the switching of the test results. Hindi po sa inyo ang nabasang resulta. Your actual results were negative. Wala po kayong brain tumor.
She's been standing outside the clinic trying to replay on her head the doctor's news for her. And everytime she remembers it, nanginginig pa rin ang buong katawan niya sa galak.
BINABASA MO ANG
Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHR
Romance"Hindi ko naman kasalanan ang mahalin ka. Ang kasalanan ko ay naniwala akong mahal mo rin ako." Na-diagnose si Yui na may brain cancer. Realizing that her time was running short, she allowed herself to experience what she missed in life-including lo...