Part 11

8.4K 217 3
                                    

MASAYA si Yui dahil pinayagan na siya ng doktor na bumalik sa kwarto niya. Kaagad siyang nagtanggal ng damit dahil kanina pa siya nangangati. Gustong gusto na niyang maligo. Nang matanggal niya ang blusa ay hindi sinasadyang masipat niya ang sarili sa salamin. She looked at her belly and unconsciously touched it with her finger.

After the examinations done, she learned that she is not pregnant. That was a relief. Pero sa loob niya ay tila may kauting puwang doon na tila nagsasabing wala namang problema kung buntis nga siya. Nang narinig niya ang maling diagnosis noon ay tila dumami ang listahan ng hindi pa niya nagagawa sa buhay niya. And one of it is getting pregnant. Kaya kung buntis man siya ay tatanggapin niya iyon at ituturing na blessing.

Pero kung buntis din siya, ibig sabihin noon ay si Red ang ama ng baby niya. She shivered at the thought. They would be parents instantly but not a family. Hindi siya ang tipo ni Red na babae. Ang gusto nito ay iyong tulad ng babaeng nakita niya sa hotel na kahalikan nito. The elegant and smart looking girl that she's not. Tila piniga ang puso niya nang maisip iyon. She couldn't understand why the hell she is even having those thoughts and emotions for him. Unti-unti tuloy niyang kinaiinisan ang sarili.

Matapos maligo at makapagbihis ay may narinig siyang katok sa pintuan. Pagkabukas ay nakita niya ang nurse na may dalang paper bag. Bigla niyang naalala ang mga maruming damit na naiwan niya sa clinic. Hindi pala niya ito nadala.

"Ah, Nurse Jackie."

"Ma'am Yui. May ipinadala po sa inyo. Kay Sir Red po galing." May makahulugan na ngiti na sabi ng nurse.

Red sent something for her? Is this for real? Maaring nakonsensya siguro ito sa nangyari sa kanya kahapon kaya nagpadala ng regalo.

"Bakit ikaw nagdala?"

"Dinaan po kasi ng sekretarya niya sa clinic. Akala po nila nandoon pa kayo. Ako na ang nagpresenta na maghatid dito kasi may appointment si Ivy. Wala kasi si Sir Red kaya siya ang magka-conduct ng meeting sa staff."

"Wala si Red? Saan siya nagpunta?"

"Hindi raw pumasok."

Kaagad siyang nagtaka. Hindi ang tulad ni Red ang basta basta na lang hindi papasok dahil sa pagkakaalam niya ay strikto ito sa trabaho.

"Ah ganoon ba. O sige. Salamat ha. Ah teka, dadaanan ko na lang sa clinic ang marumi kong jacket. Iyong suot ko kahapon."

"Ay naku Ma'am. Wala po sa clinic. Pina-laundry po ni Sir Red."

"Ha? Bakit siya ang nagpa-laundry?"

"Hindi ko po alam. Kaninang umaga bago siya umalis ay kinuha niya 'yong damit. Siya na daw bahala doon."

Mas lalo siyang naguguluhan sa mga sinasabi nito. Ang akala niya ay hindi dumaan doon si Red paanong nandoon siya at ito pa ang nagpalaba ng damit niya?

"Maaga siya nagpunta?"

"Ah, naku hindi. Binantayan kayo ng buong gabi. Hindi po siya umuwi sa villa niya."

Nahigit niya ang hininga sa narinig. Red actually took care of her last night and she didn't even know. Marami pa naman siyang sinabing hindi maganda rito. Kaagad napalitan ang inis niya ng tuwa. Parang tumaba ang puso niya.

"I need to thank him for this pala."

"Naku. Kung plano niyo po siyang puntahan para pasalamatan, huwag ho muna. Mukhang masama ang pakiramdam noon bago umalis. Pinainom ko nga po ng gamot bago ito bumalik sa villa niya."

Bigla siyang nakaramdam ng guilt at pag-aalala. If it wasn't for her being like that, hindi sana ito mapupuyat at magkakasakit. Eh sino ba kasi ang maysabing bantayan siya nito buong magdamag?

Hay naku Red. Timang ka talaga paminsan-minsan. "Ah, okay. Salamat ulit ha?"

"Wala pong problema. Sige po."

Nang mapag-isa ay kaagad niyang binuksan ang paper bag. Sa package pa lang ay nalaman na niya ang laman noon. It is one of the newest DSLR cameras in the market. Actually, another dream camera for her!

Maaaring alam na nito na nasira ang camera niya kaya ito nagbigay ng bago. Pero hindi niya matatanggap ang napakamahal na camerang iyon. It worth too much just to be given to her. Maski pa nakokonsensiya lamang ito dahil sa nangyari sa kanya.

But what bugs her is the thought that Red is acting really strange. Binantayan siya kagabi at binigyan pa siya ng bagong camera.

Humanda ka Red? You have some explaining to do.

Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon