Pagod na pagod na ako kasi halos bilihin na namin ang halos lahat ng paninda sa loob nung book store. Limang malalaking plastic bag ang dala-dala ko samantalang tatlong maliit na plastic bag lang ang dala ni Shinju. Kahit kaialn ang daya-daya talaga niya.
"Hoy, Shin baka gusto mo namang tumulong saakin. Kalalaki mong tao iyan lang ang dala mo?" Naiinis na tanong ko sa kaniya.
"Iyan ba ang tamang pakikipag-usap ng isang slave sa master niya?"
Grr... Kanina pa talaga akong nababadtrip sa kanya. Imagine hindi niya sinasagot ng matino ang mga tanong ko sa kanya kapag walang salitang "master" sa unahan ang tawag ko sa kanya.
"Master Shin saan mo po ba balak gamitin ang mga ito. Saka kung pwede po bang tulungan ninyo naman po ako sa pagbubuhat nitong mga gamit mo." Talagang pinakadiinan ko pa ang bawat salita ko ng may halong pagka-sarcastic.
"Are you questioning your master?"
"Master? Monster kamo." Mahinang bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"Wala po ang sabi ko po napakaswerte ko pa nga dahil ako ang pinili mong isama dito."
Eto na ba ang date na sinasabi ni Trey? Mukhang hindi naman e, ginawa lang niya akong alalay.
"At sinong may sabi sa iyong pinili kita?"
Si Shin talaga magyaya na nga lang ng date hindi pa ako diretsuhin. Hindi 'yung kung ano-anong ka-echosan pa ang pinapagawa niya sa'kin. Saka willing na willing naman akong makipag-date sa kanya kahit na walang paanyaya.
"Kung hindi mo talaga ako pinili bakit hindi yung bestfriend mong si Trey ang sinama mo?"
"W---wala kang pakialam!"
Huli ka ngayon!
"Talaga? Baka naman gusto mo lang talaga akong makasama, don't worry willing naman ako."
Hahahaha... Ang gwapo gwapo talaga niya kahit na simpleng pantalon at t-shirt lang ang suot niya.
May chance na kaya ako sa kanya?
"Wala akong choice kaya ikaw ang pinili ko."
"Huh?"
"Hindi ba ikaw ang secretary ng english club? Kaya natural lang na ikaw ang isasama ko sa pamimili ng mga gagamitin natin para sa darating na English Fest next week."
Masyado kasi akong assuming ito tuloy ang napala ko. Si Shinju nga pala ang president ng English Club naming at nalalapit na rin ang English Fest namin kaya talagang naghahanda na ang bawat isa sa darating na Fest.
"Kung ganoon para ba sa English fest ang lahat ng ito?" Tanong ko sabay nguso sa mga bitbit kong plastic bag.
He just nod at me.
Haaay! Bakit hindi ko nga ba agad naisip iyon?
Naglalakad pa rin kami at papunta kami ngayon sa isang malapit na coffee shop pero mukhang na konsensya ata siya kasi kinuha niya sa kamay ko ang ibang plastic bag na bitbit ko.
"Si Megumi sana ang isasama ko, kaso busy naman siya." Dag-dag pa niya pagka-upo namin sa loob ng coffee shop.
Si Meg nanaman? Ano ba talaga ang meron sa kanila ng bestfriend ko? Naalala ko na nanaman ang mga nakita ko kanina sa field.
"S---Shin?"
Nakataas ang kilay niya ng tumingin siya sa akin.
"I mean Master Shin, ano ba ang meron sa inyo ng bestfriend ko?"
BINABASA MO ANG
Ako+Si Crush=One Sided Love
Teen FictionCrush mo nga pero ang tanong crush ka ba? Kung isa ka sa mga umasa at patuloy na umaasa sa crush mong manhid at pa-fall then this story is for you! Sa sugal ng pag-ibig sino ang pipiliin mo ang taong mahal mo o mahal ka? Letting go or selfishness? T...