Nagulat ako nang paharurutin niya nang mabalis ang kotse. Kung mabilis na akong magpatakbo ay mas mabilis pa siya sa akin. Tumigil kami sa isang napakalaking bahay o mas tamang tawaging mans'yon. May kinausap siya sandali sa may intercom bago biglang bumukas ang isang malaking automatic gate.
"Here we are." Sabi niya sa akin habang inaalis ang seat belt ko.
"Kailan ka pa natutong magmaneho ng ganoon kabilis? Hindi ka manlamang ba nahilo?"
Nag-aalalang tanong ko sa kanya pero may hinala na ako sa mga nangyayari.
"Matagal na akong marunong magdrive ng ganoon kabilis. Actually may aaminin ako sa'yo."
"What is it?"
"Ako iyong nakalaban mo sa car racing competition noon. I am the guy who won the first place for the minor competition last year."
"Pero paano nangyari iyon? I mean, hindi ba't nasuka ka pa nga noong ipag-drive kita dati?"
"Masama kasi ang pakiramdam ko noon kaya nga ikaw ang pinag-drive ko."
Nagulat naman ako sa inamin niya. Hindi ko akalaing all this time ay matagal ko na palang nakilala ang taong hinahangaan ko sa larangan ng pangangarera. And take note: manliligaw ko pa siya. Ang swerte ko talaga.
"Halika na sa loob kanina pa tayo hinihintay ni Lola."
Pumasok kami sa loob ng bahay nila at gaya noong pumunta ako sa Rest house nila sa Palawan ay may mga katulong rin na sumalubong amin. Mas marami lang siguro ng tatlong beses ang mga katulong dito. Dinala niya ako sa may parteng garden kung saan ay samu't saring bulaklak ang nakikita ko.
"Siya ang Lola ko." Bulong sa sa akin ni Shin bago itinuro ang matandang nakaupo sa wheel chair malapit doon sa may tanim ng orchids at rose.
"Iiwanan muna kita sandali para makapagkwentuhan kayo." Sabi ni Shin bago siya bumalik sa loob ng bahay.
Kinabahan naman akong bigla. Hindi ko kasi alam na ipakikilala ako ni Shin sa Lola niya o mas tamang sabihin na iniwan niya ako.
Wait, paano kung Monster din ang lola niya gaya niya? Napailing naman ako sa naisip ko. Lumapit nalang ako sa lola niya at nag mano.
"Magandang hapon po sa inyo Lola."
Agad naman siyang ngumiti sa akin. Hindi naman pala siya nakakatakot gaya ng iniisip ko.
"Magandang hapon rin hija. Tama nga ang apo ko maganda ka nga." Nakangiting papuri niya sa akin.
"*blush* Naku hindi naman po Lola."
I know na nag blu-blush na ako ngayon.
"Pero tama rin siya, mukha ka ngang engot."
Biglang nagbago ang ekspresyon ko sa sinabi ng lola ni Shin. Hindi maipagkakailang mag-lola nga sila. Naku lagot talaga sa akin si Shin pagbalik niya.
"Biro lang iyon hija pero huhulaan ko kung anong relasyon n'yo ng apo ko."
Ay! Mabait naman pala si Lola.
"Sige po hulaan n'yo." Nakangiti kong sabi.
"Girlfriend ka ng apo ko?"
"Naku! Hindi po Lola."
"Kung ganoon fiancée ka na niya?" Nag nining-ning ang mga matang tanong niya sa akin.
"Naku hindi rin po."
"Ganoon ba? Naku! Huwag mong sabihing, asawa ka na niya. Nakakapagtatampo naman ang apo ko hindi manlang niya sinabing nagpakasal na siya pero huwag kang mag-alala hija, okay lang iyon sa akin at sa wakas magkakaroon na ako ng apo sa tuhod."
BINABASA MO ANG
Ako+Si Crush=One Sided Love
Fiksi RemajaCrush mo nga pero ang tanong crush ka ba? Kung isa ka sa mga umasa at patuloy na umaasa sa crush mong manhid at pa-fall then this story is for you! Sa sugal ng pag-ibig sino ang pipiliin mo ang taong mahal mo o mahal ka? Letting go or selfishness? T...