Michia's POV
Naandito ako ngayon sa may field namin. Gusto ko lang kasing maglakad-lakad muna. Mabuti nalang hindi mainit ang panahon ngayon at saka maraming puno dito kaya naman presko ang hangin.
"Look SWEET ang lumabas sa kanilang dalawa."
Wait, parang boses ni Cheska iyon ah.
At para nga makumpirma ang hinala ko ay lumapit pa ako doon sa may puno kung saan ko narinig 'yung boses.
"I'm so sorry my dear, ENGAGE ang result nung sa akin."
I'm sure that was Megumi's voice.
"Paano ba iyan mukhang talo ata kayong dalawa."
Sabi naman ni C-J habang itinataas niya ang hawak niyang papel.
"At paano mo naman na sabi?" Sabay na tanong nina Meg at Cheska.
"MARRIED lang naman kasi ang sa akin."
"What?" Tanong ni Meg.
"We don't believe you." Sabi paulit ni Cheska habang pinipilit na agawin ang hawak-hawak na papel ni C-J.
Na-curious naman ako kung ano ba ang laman ng papel na hawak-hawak nilang tatlo kaya lumapit ako sa kanila para agawin ang hawak nila. Hindi naman ako nahirapan dahil mukhang hindi nila alam na pupunta ako sa kanila.
"FLAMES!?!" I shouted on them.
Paano ba naman ako hindi magugulat e puro pangalan ko lang naman ang nakasulat ditto sa papel and take note: hindi ko lang basta pangalan dahil naka-flames lang naman ito sa name nila Shinju, Trey at T-J.
I gave them a killer look.
"Ah, eh kasi Mich."
"Ate promise hindi ako ang may idea nito. Si C-J, si C-J ang sisihin mo. Siya ang nakaisip niyan."
"At bakit naman ako lang? Pumayag naman kayong dalawa ni ate Meg sa pustahan di ba?"
"Teka anong pustahan?"
"Ah, eh...." (x . x)---> C-J
"Ummm... " ( ._.)---> Cheska
"M---Mich...." ( -_-;)---> Megumi
"Meg, explain this."
"Fine! Nagkaroon kaming tatlo ng pustahan. Maglalaro kami ng flames gamit ang pangalan mo tapos kanya- kanya kami ng guy na ipapares sa'yo. Kung sino ang may pinakamagandang result sa flames ay sagot ng dalawang matatalo ang lunch at snack niya for a month. As you can see, Cheska chose her elder brother, Shinju and the result was "Sweet." I chose Trey and the result was "Engage." While C-J chose T-J which result "Married." Over all C-J is the one who won on the bet."
Grabe na nosebleed ako doon sa haba ng sinabi niya ah. Saka imagine gamitin daw ba naman nila ako para sa pustahan and speaking of Trey, bigla ko tuloy naalala 'yung mga nangyari sa bahay nila last Sunday. Nakakahiya kasi talaga sa parents ni Trey.
*flashback*
"We're very sorry hijo. Alam namin na kami ang may kasalan ng lahat ng ito. Masyado ka na naming na pressure."
"It's okay Ma. Naiintindihan ko naman kayo."
"So what we all standing here for? The table is ready we can all eat now. My wife is the one who cook the lunch and I assure you all that she is the best cook in town." Singit naman nung asawa ni Ate Sairyl na si Kuya Alexander habang buhat-buhat niya ang tatlong taong anak nila na si Shane.
"It's true, my mommy is the best Chef in town!"
"Oh, ang sweet naman ng babby ko." Tapos kinuha ni ate Sai si Shane kay kuya Alex para siya na ang magbuhat dito.
BINABASA MO ANG
Ako+Si Crush=One Sided Love
Fiksi RemajaCrush mo nga pero ang tanong crush ka ba? Kung isa ka sa mga umasa at patuloy na umaasa sa crush mong manhid at pa-fall then this story is for you! Sa sugal ng pag-ibig sino ang pipiliin mo ang taong mahal mo o mahal ka? Letting go or selfishness? T...