Michia's POV
Hello mga reader's! Na miss ninyo ba ako? Ang tagal ko ring hindi nakapag POV ah. Alam nyo ba na nung nandoon pa ako sa Italy ay nag-away kami ni mommy pati na nung fashion adviser niya. Imagine binulabog nila ang nanahimik kong closet. Muntik na kasi nilang itapon ang lahat ng pang cosplay ko para lang palitan ng sang katutak na dress at heels. Mabuti na lang at napakiusapan ko silang ipamigay nalang yun kaysa itapon.
*flashback*
"MOMMY!"
"Why are you shouting Mich? What's your problem?"
"Mom I can't find any of my cloths."
"What do you mean you can't find? Punong-puno nga ng damit yung closet mo e."
"But mom, those cloths are not mine. Nasaan po yung mga skirts, wigs, tie, accesories at boots ko?" I ask with too much frustration.
Nakalkal ko na kasi ang buong closet ko pero hindi ko pa rin talaga makita ang mga damit ko.
"Ah, yung mga iyon ba? Naku 'wag mo nang intindihin iyon Mich. Look I bought you a new set of cloths."
"WHAT?"
"Don't shout at me Michia. I'm still your mother so know how to reapect me. Saka sabi naman ni Shiela mas bagay daw sa'yo kung iyang mga iyan lagi ang suot mo."
Shiela, Shiela, Shiela. So 'yung fashion adviser ni mommy na si Shiela na naman pala ang nakaisip nito.
"How can you expect me not to shout mom? E pinakialaman ninyo ang closet ko?"
Grrr... I really hate this!
"Look Mich, your not a child anymore so please don't act as one. You're soon to be the CEO of our company so you need to be presentable and respective lady."
"But Mom!"
"Remember, hindi ka namin pinilit sa desisyon mong pag-aralang hawakan ang kompanya natin. That was your own decision kaya dapat matuto kang sumunod sa mga patakaran."
Ito na nga ba ang sinasabi ko e dapat talaga hindi ako nag dedesiyon ng basta-basta.
"FINE! Pero sabihin ninyo po muna sa'kin kung saan ninyo nilagay 'yung mga dating gamit ko."
"Wala na ipinatapon ko na."
"What? Pinatapon ninyo lang ang lahat ng mga gamit ko?"
"Oo bakit may problema?"
"Yes mom. Alam ko pong mayaman tayo pero sana naman 'wag naman po kayo mag akasaya ng gamit."
"Aba't pinapangaralan mo na ako ngayon?"
"Mom please sabihin ninyo na kung saan ninyo nilagay yung mga dati kong gamit."
Kahit naman kasi ganyan iyang mommy ko alam ko namang hindi niya talaga tinapon yung mga gamit ko.
"At para ano pa? Para kuhanin at ilagay na naman diyan sa closet mo?"
"Promise mom, hindi ko 'yun ibabalik sa closet ko basta sabihin ninyo lang kung nasaan."
"At ano naman ang balak mong gawin sa mga iyon?"
Kahit kailan ang kulit din talaga ng mommy ko.
"I prepare to donate it than to throw it."
"Okay get it on my room."
*end of flashback*
Anyway, it's almost two weeks since my 18th birthday. Alam ninyo bang tawa talaga ako ng tawa nung tinawag na noong emcee si Trey dahil siya ang tumatayong 18th roses at escort ko. Para kasing gulat na gulat si Trey noong gabing iyon. Nakalimutan ko kasing sabihin sa kanya noong tumawag ako na siya ang aking magiging escort. Grabe hindi pa rin talaga ako maka-get over doon tapos nakita ko pa si Prince Charming ko. I'm sure na gulat din siya ng malaman niyang birthday party ko ang pinuntahan niya. Sinadya ko kasi talagang maging mysterious ang invitation na pinadala ko para maging surprise sa lahat ang pagbabalik ko. Di ba effective naman? Alam ninyo bang na hirapan pa ako sa pagpupuslit ng invitation na ipapadala ko para kay Shin kasi nung tinanong ko ang parents ko kung pwede ko bang imbitahin ang mga Asagi ay na galit lang sila sa akin. Sa tingin ninyo ano kayang dahilan nila? Dahil pa rin kaya iyon sa away ng kompanya? Anyway, dito na nga pala ako ngayon nag-aaral sa Palace Acdemy. Sinabi ko kasi sa parents ko na mas maganda kung yung mga properties muna namin dito sa Pilipinas ang pag-aaralan kong hawakan at patakbuhin. O di ba at least double purpose. Hindi ko rin akalaing mahirap pala talaga ang trabahong inako ko kahit na hindi pa ako ang lubusang humahawak ng kompanya namin. Nag a-adjust pa rin ako hanggang ngayon, kailangan ko pa kasing pagsabayin ang pag-aaral at ang trabaho ko. Mabuti na rin pala talaga at nag-shift ako ng course at least may koneksyon sa trabaho ko ngayon ang mga pinag-aaralan ko pero syempre kung na gulat sila dahil sa new image ko ako rin may ikinagulat din. Hindi ko kasi akalaing magiging exchange student si Shin and take note: sa Palace Academy siya na exchange. Taon-taon kasing nag kakaroon ng exchange student ang estudyante ng Palace at Royal Academy.
Well mukhang tama nga si Meg talagang malaki na rin ang pinagbago ni Shin. Akala ko nga ay mahihirapan pa ako para lang makuha ulit ang atensiyon niya pero nagkamali ata ako dahil bigla na lamang siyang bumait sa akin at kung dati ay lagi niya akong sinisigaw sigawan ngayon naman ay para siyang isang maamong tupa. But just like in every story of course there is still an antagonist who is always willing to ruin the love story that starting to came up with us. Bigla na lamang kasing nag-transfer sa school namin si Ashley Cyrus. Mabuti nalamang at sumunod sa kanya si Trey. Simula kasi noong umalis ako sa Pilipinas ay mas naging close kami ni Trey. Lagi pa nga kaming nag-aasaran dahil pareho kaming na-reject ng gabing magtapat kami. Sabi niya pinagtawanan lang daw siya ni Ashley at sinabihang huwasg ng umasa pa dahil si Shinju lamang daw talaga ang gusto ni Ash.
Katatapos lang ng first subject namin at mamayang 1 o'clock na ulit ang sunod kong klase dahil may sakit ang next profesor namin kaya napagpasyahan ko munang maglibot-libot dito sa school namin para naman ma-familiarize ako.
"Shi!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali ng hinala.
Sabagay, sino pa nga ba ang tatawag sa aking Shi?
"O bakit Shin?"
"Ummm... I just want to walk with you, if you don't mind."
Basta ikaw, I really don't mind!
"No, I don't mind at all." Walang ganang sagot ko.
Kasama rin kasi sa mga natutunan ko noong nasa Italy ako na kahit na malaki pa ang pagkagusto mo sa isang tao ay hindi ka dapat magpapahalata sa kanya.
"Kamusta ka na nga pala? More than a year din kasi akong nawala." I ask him habang sabay kaming naglalakad.
Nag-home study nga lang ako doon sa Italy. Pinilit kong pagsabayin ang pag-aaral ko at ang paghahanda ko sa trabahong kakapitan ko pero kahit papano ay may mga balita pa rin naman ako tungkol kay Shin galing kay Megumi. Bago kasi ako tuluyang makaalis noon pabalik sa Italy ay nagkausap pa kami ni Megumi at nasabi ko nga sa kanya ang tungkol sa naging confession ko. Pinagtawanan pa nga niya ako dahil sigurado daw siyang walang katotohanan ang mga sinabi sa akin ni Shin.
"It's still the same, unless in one thing."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
"I missed you so bad." Pabulong lang iyon pero sapat na para marinig ko.
"Huh?"
"Shinju!" Sigaw naman ng isang babae mula sa likuran namin bago siya biglang yumakap kay Shin ko.
Kahit kailan talaga napakaganda ng timing ng impaktitang ito.
"Gosh! Alam mo bang kanina pa kitang hinahanap?" Maarte pang sabi nitong impakta.
"As if naman nawawala siya." I whispered.
"May sinasabi ka ba?"
"Ako?" Tinuro ko pa 'yng sarili ko. "Wala ang sabi ko maganda ka na sana kaso bingi ka lang."
Hahaha... Ang sarap mang-asar ngayon.
"Hey, Michia kung akala mo matatakot na ako sa'yo dahil ikaw ang anak ng may-ari ng school na ito, well nagkakamali ka dahil you are still the same stupid and "baduy" Michia that I use to know."
Natawa nalang ako sa kanya habang umiiling. Siguro dahil nasanay na rin ako na halos araw-araw na lamang kaming nagbabangayan ni Ashley.
"Michia!"
Biglang kumabog ang dib-dib ko dahil sa napakapamilyar na boses na narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong iisang tao lamang ang kilala kong nagmamay-ari ng boses na iyon pero ang mas ikinagulat ko sa lahat ay ang biglaang pagyakap sa akin ng taong iyon.
I don't know what I'm going to do.
"S---Seth?" Halos pabulong na tanong ko.
"How I miss you!"
"T---Tristan? I---I mean T-J, kailan ka pa dito?"
BINABASA MO ANG
Ako+Si Crush=One Sided Love
Fiksi RemajaCrush mo nga pero ang tanong crush ka ba? Kung isa ka sa mga umasa at patuloy na umaasa sa crush mong manhid at pa-fall then this story is for you! Sa sugal ng pag-ibig sino ang pipiliin mo ang taong mahal mo o mahal ka? Letting go or selfishness? T...