Chapter: 20 *The master and slave*

1K 42 6
                                    

Hinatak o mas tamang tawaging kinaladkad niya ako hanggang dito sa may parking lot ng school namin.

"Teka ano ang ginagawa natin dito?"

"Sakay!"

"Ha?"

"Sabi ko sakay na."

"E bakit dito mo ako sa may driver seat pinasasakay?"

"Tinatamad akong mag-drive saka hindi ba may kotse ka rin naman kaya ibig sabihin may lisensya ka at marunong kang magdrive." Tapos hinagis niya sa'kin ang susi niya bago siya nagdali-daling umupo sa may front seat.

Akala ko pa naman ipagbubukas niya ako ng pinto tapos ipagdri-drive papunta sa isang magandang restaurant at sabay kaming kakain ng magkasama habang tumutugtog ang mga violin at piano.

"Hoy, Shi!" Ay pusang gala!

"Bakit ka ba sumisigaw?"

"Kanina ka pa kayang nakatulala diyan sa labas. Bilisan mo at ipagdrive mo na ako."

Ilang minuto ko munang tinititigan ang susing hawak ko. Nagdadalawang isip kasi ako kung magdri-drive ba ako o hindi. Mamahaling sports car kasi ang kotse ni Shinju at ganitong-ganito ang kotseng gusto ko sanang ipabili sa parents ko kaya lang tumutol sila dahil baka mabuking daw ang lihim ko kapag ibinili nila ako ng kotse tulad nito at isa pa matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag drive dahil si Ken ang laging taga drive namin ni Meg kaya naman magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon.

"Ano tutunganga ka na lang ba diyan?" Naiinis na naman na tanong niya.

Kahit kailan Monster talaga siya! Hindi ko tuloy alam kung paano ba ako nagkagusto sa lalaking ito.

Pumasok na nga ako sa loob na sasakyan at baka katayin na ako ng buhay ni Shin pero bago ko paandarin ang sasakyan ay makailang ulit muna akong bumuntong hininga.

"Alam mo bang sinasayang mo lang ang oras ko sa mga pinaggagawa mo?"

"Pwede ba nagco-consentrate pa ako."

"Alam mo kung hindi mo kaya sabihin mo."

"Wala akong sinasabing hindi ko kaya okay. Kaya manahimik ka diyan!"

Isang buntong hininga pa ulit ang ginawa ko bago ko ipinasok ang susi niya sa susian ng kotse.

"Ready get set go!" Hiyaw ko bago pinaharurot ng pagkabilis-bilis ang kotse niya.

Halos mabangga na nga namin ang mga estudyanteng pakalat-kalat sa kalsadang dinadaanan namin. Mabuti na lamang at mabilis ang kamay ko sa pag-ikot ng manibela dahil bihasa na ako sa pagdri-drive.

"Where are we going?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa kalsadang dinadaanan namin.

"May balak ka bang magpakamatay? Bakit ang bilis mong magpatakbo?" Galit na sigaw niya sa'kin.

Huhuhu... Bakit ba lagi na niya lang akong sinisigawan?

"Sagutin mo na lang ang tanong ko! I said, where are we going?"

Hahaha... Akala niya siya lang ang marunong manigaw 'no. Marunong din ako niyan mga Pare.

Natawa naman ako kasi halatang nagitla siya sa ginawa ko.

"Kung saan may pinakamalapit na bookstore."

Agad ko namang iniliko ang kotse niya sa pinakamalapit na mall. Ang karaniwang halos kalahating oras na biyahe papuntang mall ay nagawa lamang namin ng wala pang kinse minutos. Nakapagpark na rin kami agad sa parking lot. Mabuti na lang at working hour at least hindi kami naabutan ng traffic pero muntik na kaming ma-ticket-an kanina, mabuti na lang at talagang mabilis ang kamay ko sa pagmamanibela.

"Andito na tayo kaya bumaba ka na." Sabi ko sa katabi ko na parang suka na sa sobrang putla.

Nakatitig lang siya sa akin at halatang medyo nangi-nginig pa.

"Shin, ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Anong problema mo? Nahihilo ka ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Dali-dali naman siyang bumaba ng kotse at tumakbo papasok sa rest room dito sa may parking lot. Dahil sa pag-aalala ko sa kanya sinundan ko siya hanggang sa loob ng rest room. Mabuti na lang at walang ibang tao. Nakita ko Shinju doon sa may dulo ng lababo habang nag-susuka.

"Ayos ka na ba? O, ito tubig uminom ka muna." Inabutan ko siya ng mineral water habang dahan-dahang hinhagod ang likod niya.

Tamang-tama pala at binigyan ako ni Trey ng tubig kanina at least may ready water ako para kay Shinju.

"It's all your fault!"

"At bakit ko na naman naging kasalanan? Hindi ko naman alam na mahina pala ang bituka mo saka sino ba ang nagpumilit sa'king mag-drive?" Naiinis na sagot ko sa kanya.

Abat ako pa talaga ang sinisisi niya.

"Nextime kung may balak kang magpakamatay sana huwag kang mangdamay ng iba!"

Natauhan naman ako sa sinabi niya. Siguro nga hindi siya sanay sa mabilis na paandar ng sasakyan kaya agasd siyang na hilo. Mabuti sana kung sina Kean ang sa'kay ko at least kahit papaano sanay na sila sa'kin pag ako ang nagmamaneho.

"Uy, sorry na."

"Sorry your face!"

Nagmamadali na siya sumakay sa elevator. Muntik pa nga akong masarahan ng pinto kung hindi ko lamang naisingit ang kamay ko sa pintuan ng elevator.

"Shin, sorry na. Hindi ko naman alam na mahina pala ang bituka mo."

Masyado kasi akong nadala ng excitement ko kanina kaya nakalimutan kong may kasama nga pala ako.

"Shin? Shinju? Sorry na please. *Puppy eyes*"

Naandito kami ngayon sa loob ng National Book Store pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapansin.

"Uy, Shin sorry na nga. Promise hindi ko na uulitin." Sabi ko sa kanya habang nakataas ang kanang kamay ko.

Kumuha siya ng dalawang malaking basket tapos kung ano-ano ang pinag lalagay niya sa loob noon.

"Shin ano ba pansinin mo na ako please. Kahit ano gagawin basta patawarin mo na ako."

"Talaga? Kahit ano gagawin?"

"Ha, e, s---sige." Napipilitang sagot ko.

Why do I have this feeling that I am in danger again? Parang ganito 'yung na feel ko noong una kong Makita si Shinju sa Palawan.

"Napipilitan ka lang naman ata e. Sige huwag na lang."

Nagsimula na naman siyang maglakad palayo at kumuha ng kung ano-ano doon sa shelves.

Ang cute niyang tignan para kasi siyang batang naagawan ng candy kung kumilos.

"Sige na nga pumapayag na ako." Pagsuko ko sa kanya.

Kahit ano naman ang gawin ko hindi ko rin naman siya matitiis e.

"Sigurado ka?"

"Oo na nga. Ano ba iyon?"

"Simple lang naman. *evil smile*"

Kung ganyan lang kagwapo ang ngingiti sa akin okay lang na gawin ko kahit na anong gusto niya.

"Be my slave! As in gagawin mo lahat ng aking ipag-uutos."

"Sure! Iyon lang pala e. TEKA PAKI-ULIT NGA!?!"

"O, pumayag ka na. And as your Master, you will start your job now."

Agad niyang inabot sa akin ang dalawang basket na dala niya.

Ako+Si Crush=One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon