Chapter: 16 *Present Time*

1.1K 46 2
                                    

Michia's POV 

Siguro ngayon alam ninyo na kung ano-ano ang nangyari noong nakaraang bakasyon at alam ninyo na rin kung paano kami nagkakakilala ni Shinju.

Dahil sa kakaisip ko hindi ko na tuloy namalayang tapos na pala ang break namin at male-late na ako sa next subject ko kaya naman nag madali na ako sa pagtakbo, terror pa naman ang next professor ko!

(A/N: Grabe ang tagal niyang nag kwento 'no?)

Hindi na ako nakapag-snack pero okay lang iyon tutal busog pa naman ako pero dahil sa kakatakbo ko hindi ko na napansin na may kasalubong na pala ako and as expected nabunggo ko siya. Siguro ito talaga ang araw ng kamalasan ko dahil nabubo lang naman sa'kin ang hawak-hawak na juice ng taong nabangga ko.

"Aish! Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo? Stupid!"

Iniangat ko ang ulo ko para makita ko kung sino man ang taong nabunggo ko.

"S-Shin?"

"Alam mo kung wala kang magawang matino dito mas mabuti pang bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo!" He said before he leave.

Ouch! Narinig ninyo ba iyon? Parang hindi kami magkakilala kung kausapin at ituring niya ako.

"Hahaha... Buti nga sa iyo!" Sigaw ng isang kumpol ng mga kababaihan.

"Wait, hindi ba isa siya doon sa tatlong studyante na nanggaling sa Palace Academy?" Tanong noong isa sa kanila.

"Oo nga siya iyong babaeng laging kasama nung gwapong lalake na mukhang K-pop sa Business Addministration Building." Dag-dag pa nung girl na mukhang naubusan ata ng tela dahil kitang-kita na ang pusod niya sa suot niyang polo shirt tapos sobrang ikli pa ng palda niya.

"Balita ko pa naman Valedictorian siya Italy at scholar din siya dito but I guess her knowledge is not enough. Imagine sa dinami-daming taong pwede niyang mabangga dito sa campus ay ang Prince charming pa natin!"

Ah! Nakakainis na talaga ang mga babaeng ito kung wala lang talaga akong tinatagong sikreto tungkol sa real identity baka kanina pa ako gumawa ng eksena dito.

"Sa susunod kasi huwag kang tatanga-tanga!" Narinig kong sabi ni Ashley.

Sa buong buhay ko ngayon palang ako nasabihan ng tanga. And honestly I can take it anymore.

"Watch your word ladies!" Sigaw ni Ken.

Mabuti na lang talaga at dumating ang bestfriend ko kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Uy! That was Papa Ken! Siya iyong sinasabi ko sa inyong mukhang K-pop na kaibigan niya." Sabi ulit noong isang babae na mukhang naubusan ng tela.

"Tama ka, gwapo nga siya." Sang ayon ng iba pa.

"Crush ko na siya grabe!"

Lalong lumakas ang hiyawan dito sa loob ng canteen namin.

"Parang gusto ko na tuloy mag shift ng course bakit ba nasa business add. halos lahat ng gwapo dito?"

Pinalilibutan na kami ng mga estudyante at karamihan dito ay mga kababaehan na halatang-halata namang may pagnanasa sa napakagwapo kong bestfriend. Sumasakit ang ulo dahil sa mga naririnig kong bulong bulungan. I can't help but to cry when they told me different bad words.

"MINSAN KO LANG ITO SASABIHIN SA INYO KAYA DAPAT MAKINIG KAYONG MABUTI!" Galit na sigaw ni Ken.

Sa tagal na naming magkasama ni Ken ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito. Mukha kasi siyang monster ngayon.

Nagkaroon ulit ng mga bulong bulungan at mas lalo pang dumami ang mga taong nakapaligid sa amin. I swear this is my most unforgettable day ever!

"NEXT TIME YOU DO THAT AGAIN TO MY GIRL, I SWEAR AKO ANG MAKAKALABAN NINYO! HINDI AKO NA NANAKIT NG BABAE KAYA HUWAG NINYO AKONG PILITIN!" Hinawakan ni Ken ang braso ko ng sobrang higpit bago niya ako kinaladkad palayo sa mga iyon pero bago pa kami makalayo I saw Meg on the corner of the canteen.

Sigurado akong nasasaktan siya ngayon and I know it's all my fault. I'm so sorry Meg.

Naandito kami ngayon sa garden ng campus. Mabuti naman at binitawan na niya ang braso ko kasi pakiramdam ko magkakapasa ako sa sobrang higpit ng hawak niya.

"Talaga bang nasisiraan ka na? Bakit hindi ka man lang lumaban sa kanila? Pano kung hindi kita sinundan? Papayag ka nalang na mura-murahin nila? Alam mong simula pa lamang hindi na ako pumapayag sa desisyon mong pumunta dito pero sana naman matuto kang alagaan ang sarili mo!"

Lumuluha na ako kaya hindi ko maiwasang hindi mabasag ang boses ko.

"D-dont shout at me!"

Agad naman niya akong niyakap.

"S-sorry... Hindi ko sinasadya. Ayaw ko lang namang makitang sinasaktan ka nila lalo na ng taong naging dahilan ng paglipat mo dito."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"P---paano mo nalaman?"

"*fake smile* I know everything. I'm your bestfriend remember?"

"I'm sorry hindi ko sinasadyang maglihim sa inyo ni Megumi."

"Don't worry Megumi and I understand you."

Nalala ko na naman ang naging reakyon ni Megumi kanina. I'm sure nasaktan siya kanina. Kaya bilang bestfriend niya kailangan kong gumawa ng solusyon para hindi na siya laging nasasaktan.

"By the way, Ken what can you say about Meg?"

Alam kong matagal ng gusto ni Megumi si Ken at kahit hindi man niya aminin alam ko ring kahit papaano ay pinagseselosan niya ako.

"Let's not talk about her. Late na rin naman tayo kaya mas mabuti pang hindi na lang tayo um-attend, what do you think?"

Kilala ko si Ken at alam kong magsasalita din siya kapag handa na siya. Mag papaliwanag na lang ako mamaya kay Megumi, tutal nasa iisang townhouse lang naman kami nakatira. Nagpabili kasi ako ng town house kina mommy baka kasi may makalaam sa identity ko kapag doon ako umuwi sa totoong bahay namin.

"Mich, tumawag nga pala si T-J sa'kin. Nangungulit at itinatanong niya ang number mo. Gusto ka daw niyang makausap."

Si T-J daw? Honestly I'm not yet ready to heard any news about my Ex.

"Sorry kung nabigla kita. Kahit kasi si Meg ay kinukulit na rin ni Aie pero naiintindihan namin kung ayaw mo pa silang makausap."

"Huwag kayong mag-alala sa'kin. Napatawad ko na naman sila kaya nga ako lumipat dito kasi may bago na akong gusto di ba?" I give him a fake smile.

Bakit ganoon? Kahit na napatawad ko na sila hindi ko parin magawang maging masaya? Aie was a friend of mine as well as T-J. Hindi ba dapat maging masaya na ako kasi kahit papaano sa kaibigan ko na punta ang ex-boyfriend ko? After all may bago na akong person of interest and hopefully this time maging successful na ako dahil kung dati hindi ko na ipaglaban si Tristan, this time I'll make sure that I will win over Shinju's heart.

"MICH STOP THIS! Kung rebound lang naman ang gusto mo hindi mo na kailangan pang magpakatanga sa kahahabol sa isang taong ayaw naman sa'yo! Kasi nandito lang naman ako. And I'm willing to be your rebound as long as you want!"

Naghalo-halo na ang mga emosyon ko kaya nasampal ko siya ng hindi sinasadya.

"How dare you to tell that? Hindi mo ba alam na sa ginagawa mong iyan lagi kang may isang taong nasasaktan?" I said while crying.

Pansin ko lang napapadalas na ata ang pag-iyak ko.

"Alam mo namang wala akong gusto sa kanya di ba? Pero kung sasabihin mong mahalin ko siya, pag-aaralan ko para lang sa iyo dahil ganoon kita kamahal!"

"Then do it!"

"Kung iyan talaga ang gusto mo sige gagawin ko."

Ako+Si Crush=One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon