Nandito kami ngayon sa loob ng "Pilipino Corner" isang restaurant na hindi ko alam kung saang parte bang Pilipinas basta na lang kasi akong hintak kanina ni Trey tapos sumakay kami sa kotse niya then after for almost 20 minutes nanndito na kami pero kaano-ano kaya ni Trey yung may ari ng restaurant na ito? Ayaw kasi kaming papasukin dito kanina noong guard dahil wala daw kaming reservation pero nung pinatawag ni Trey 'yung manager tapos nagpakilala siya ay pinayagan na rin kaming makapasok.
"Teka, ano nga ba ang ginagawa natin dito?"
"Ano kaya sa tingin mo?"
"Aba malay ko kaya nga ako nag tatanong e."
"Nasa loob tayo ng isang restaurant kaya malamang nandito tayo para kumain."
Wow suplado ang peg?
"Libre mo?"
"Alam mo kahit kailan napakakuripot mo talaga? Kung hindi ko lang alam na mayaman ka malamang na napagkamalan pa kitang pulubi."
"Grabe ka naman. Bakit naman pulubi?"
"E, lagi ka nalang nagpapalibre sa akin."
"Dali na friends naman tayo di ba?" I said then I gave him my cutest puppy eyes.
"Tigilan mo na nga iyang pagpapa-cute mo. Hindi bagay sa'yo."
"Talaga? Pero sabi nila cute daw ako."
"Sabi lang nila iyon."
"Ah! Ang sama mo. Bawiin mo nga yang sinabi mo." I pout on him.
"No. Hindi na pwede."
"Trey naman e!"
"Ma'am, Sir can I take your order." Tanong naman sa amin nung waiter.
"Please tell the Chef to gave us her specialty dish."
"But Sir."
"Tell her that I am her brother."
"O---okay Sir. Just wait your order."
Naglakad na nga palayo sa amin 'yung waiter habang medyo nakatulala pa at mukhang gulat na gulat,
"Brother? As in kapatid mo 'yung Chef dito?"
"Yup! This restaurant is own by our family. Bihira lang kasi akong mag punta dito kaya hindi ako masyadong kilala ng mga stuff."
So, iyon pala ang reason kung bakit kami pinayagang makapasok ng manager kanina.
"Teka mabalik nga lang tayo sa usapan. Bakit mo nga ba ako hintak kanina tapos dinala mo pa ako dito?"
"Ummm... Bakit nga ba? Hindi ko rin alam e."
"Trey naman e!"
"Fine! Kanina pa kasi ako na gugutom tapos wala naman akong mahatak para samahan akong kumain. Then I saw you kanina na pinag-aagawan ka nila. Na feel ko na kailangan ninyo ang help ko. Kaya ayun ikaw na lang ang naisipan kong isama. At least triple purpose. Una may kasama na ako sa pagkain, pangalawa na tulungan kita na makalayo sa kanila at pangatlo wala na silang pag-aawayan dahil wala na silang pag-aagawan."
"Iyon lang? Akala ko kasi..."
"Yup! Bakit ano bang akala mo?"
"Ah... Wala iyon 'wag mo nalang iyon intindihin."
Grabe kung ano-ano kasi itong na iisip ko. Akala ko talaga...
*flashback*
"PARA WALANG AWAY SA AKIN SIYA SASAMA!"
*end of flashback*
BINABASA MO ANG
Ako+Si Crush=One Sided Love
Novela JuvenilCrush mo nga pero ang tanong crush ka ba? Kung isa ka sa mga umasa at patuloy na umaasa sa crush mong manhid at pa-fall then this story is for you! Sa sugal ng pag-ibig sino ang pipiliin mo ang taong mahal mo o mahal ka? Letting go or selfishness? T...