Shinju's POV
"Umamin ka nga, kanina ka pang nakikinig sa usapan namin 'no?"
Ano ba itong mukhang na halata ata ako ni Meg.
Bakit ba kasi naisipan ko pang making sa usapan ng may usapan. Pahamak talaga iyang Michia na iyan kung hindi ko lang narinig ang pangalan niya wala naman akong balak makinig sa usapan nila e.
"Of course not! At bakit naman ako makikinig sa usapan ninyo?"
"Bro. Lower down your voice. Napaghahalata tuloy na nagiging defensive ka." Singit naman ni Trey sa usapan.
Kahit talaga kailan ang hilig makiepal ng lalaking ito. Minsan iniisip ko kung paano ko ba naging bestfriend itong si Trey.
"Pwede ba Trey! Ano naman ba ang kailangan mo sa'kin?"
"Gusto ko lang naman sanang itanong sa'yo kung nakita mo ba si Ash. Kanina ko pa kasi siyang hinahanap e."
So, iyon na naman pala ang reason. Bakit ba sa tuwing nawawala si Ashley ay sa'kin siya hinahanap ni Trey? Alam kong may gusto ang bestfriend ko kay Ashley kaso ang problema napakailap naman ni Ashley kay Trey tapos idag-dag ninyo pang natotorpe ang bestfriend kong si Trey pagdating kay Ashley kaya ayan halos araw-araw nalang silang naglalaro ng taguan at habulan ang mala lang si Trey kasi ang laging taya.
"Pwede ba wala akong alam kung na saang lupalop na naman iyang si Ashley."
"Ah, ganoon ba? Sige hahanapin ko muna siya."
Haaay, hanggang kailang kaya sila maglalaro? Pero hanga rin ako sa bestfriend kong iyan kasi hindi pa rin siya na papagod sa kakahabol. Ako kaya hanggang kailan kaya ako mag hihintay?
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Shinju."
Ano ba itong kaibigan ni Mich, manang-mana sa kanya saksakan ng pagkakulit. Kailan kaya siya babalik? Kayo mga reader's alam ninyo ba kung kailan siya babalik? Paki-inform naman ako pagnalaman ninyo.
"Ah, e kasi. Busy ako ngayon e. Napadaan lang talaga ako dito para sabihin kay Ken na may practice ang banda mamaya." Pagkasabi ko noon ay tumakbo na ako palayo sa kanila.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako tumakbo palayo sa problema hindi ko lang kasi alam kung ano ang isasagot ko kay Megumi kanina.
It's already one year since noong bumalik si Mich sa Italy. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra sobra. Actually pinagsisihan ko na iyon ngayon. Mukhang tama nga si Trey, masasabi ko lang na mahalaga ang isang tao sa'kin kapag nawala na siya. Ang problema hindi ko alam kung kailan kaya siya babalik o kung babalik pa ba siya.
Sabi nila napakalaki na daw ng ipinagbago ko simula noong 17th birthday ko. Mas lumala daw kasi ang ugali ko. May mga taong naiinis sa'kin pero mas dumami naman ang nagkagusto. Sabi kasi nang ibang babae mas gusto daw nila ang ugali kong suplado at may pagka-mysterious effect kasi mas cool daw pero wala naman akong pakialam sa mga babaeng laging nagpapa-cute sa'kin. Mabuti na lang at kahit papaano nandiyan si Ashley at least kapag sinabi niya na may gusto siya sa'kin doon sa mga girl na mahilig ma pa-cute ay natatakot na silang lumapit. Siguro takot sila kay Ashley dahil likas na ang pagkamaldita noong babaeng iyon.
Trey's POV
Haaay, asan na naman kaya itong si Ashley? Lagi na lang siyang na wawala. Siya nga pala kakatawag nga lang sa'kin ni Mich kanina at inimbitahan niya ako para sa nalalapit niyang debute. Kahit kasi umuwi na siya sa Italy ay hindi pa rin kami nawawalan ng komunikasyon. Naikwento rin niya sa'kin kung ano ang naging resulta ng pag-amin niya sa isa't kalahating siraulo kong bestfriend at sa kasamaang palaad parehas pa kami ng naging resulta.
*flashback*
Okay this is it. Kailangang masabi ko na ito sa kanya bago pa mahuli ang lahat.
Hingang malalim...
Inhale...
Exhale...
"Ummm... Ash, pwede ba tayo mag-usap?"
"O, ikaw pala Trey! Nakita mo ba si Shinju? Kanina ko pa kasi siyang hinahanap e."
Okay si Shinju na naman ang bukambibig niya.
"Ah, hindi e." I lied.
Ayoko ko lang muna kasing masira ang moment kong ito. Isa pa alam kong may plano rin si Mich.
"Ah, ganoon ba? Sayang may ibibigay pa naman akong gift sa kanya. Anyway ano nga pala yung gusto mong pag-usapan natin?"
"Kung pwede sana 'wag tayo dito mag-usap."
"Gaano ba kahalaga iyang pag-uusapan natin at ayaw mo pa ditong pag-usapan? Ikaw Trey ha, kailan ka pa naging ganyan kaseryoso. Your scaring me. *laugh*"
Haaay, ito ang mahirap kapag nasanay silang lagi kang palabiro hindi ka tuloy nila paniwalaan kahit na seryoso ka na talaga.
"It's so important Ash."
"Fine!"
"Doon tayo sa may field."
Okay here we are now. Wala na talagang atrasan ito.
"Ash, did you still remember the first time we met?"
"Yup! Dito iyon sa field. Naglalaro ka pa nga noon ng soccer tapos ako naman nakatago doon sa may puna habang nanunood ako sayo. *laugh* Grabe I wont forget that day. Imagine, natamaan mo pa nga ako ng bola noon."
"Oo nga e. Ikaw kasi bigla-bigla ka nalang sumusulpot." I said while laughing.
Sana ganito na lang kami parati.
"You can't blame me. Masyado akong humanga sa'yo tapos nakakatawa ka pa kasi parang hindi ka makapaniwalang marunong akong magtagalog. *laugh*"
I can't help but to blush.
"Ash, I want to tell you something."
"Go on. Kaya nga tayo nag-uusap di ba?"
"Simula noong day na nakilala kita until now you never lost in my mind."
"What do you mean?"
"I like you Ash."
Ilang minuto munang walang umimik sa amin.
"You know what Trey I also like you."
"WHAT?"
Tama ba ang narinig ko gusto rin niya ako?
"I like you as my friend and as a brother but more than that... *laugh* *umiiling* I don't think so. Alam mo naman ang feelings ko kay Shinju di ba?"
Ouch! Si Shinju na naman. Hanggang kailan ba ako makikihati sa bestfriend ko? Akala ko pa naman talagang gusto na ako ni Ash pero hindi pala.
"Ano ka ba naman Ash. Kung ano-anong pinagsasabi mo. *fake laugh* Of course I like you but that was only as a friend and sister too. Never kitang magugustuhan 'no. Napaka-spoild brat mo pa naman at saksakan ng pagkamaldita and like you may mahal na rin akong iba."
"Really? Who is she? Who is she?"
"In time you will kmow."
*end of flashback*
Siguro naman naiintindihan ninyo na ngayon ang nangyari noong gabi ng confession. Isa rin iyon sa naging reason kung bakit mas naging close kami ni Michia. Pareho kasi kaming naka-relate sa isa't-isa. Sabi ko naman kasi sa inyo may sira talaga sa ulo 'yung bestfriend kong iyon. Imagine babae na nga mismo ang lumalapit sa kanya inayawan pa niya.
BINABASA MO ANG
Ako+Si Crush=One Sided Love
Fiksi RemajaCrush mo nga pero ang tanong crush ka ba? Kung isa ka sa mga umasa at patuloy na umaasa sa crush mong manhid at pa-fall then this story is for you! Sa sugal ng pag-ibig sino ang pipiliin mo ang taong mahal mo o mahal ka? Letting go or selfishness? T...