Chapter: 30 *Mascarade Party*

1K 40 4
                                    

Shinju's POV  

Nasa isang mascarade party ako ngayon. Actually wala naman talaga akong balak um-attend sa party na ito. Wala lang talaga akong choice dahil ako lang naman ang representative ng pamilya namin dito sa Pilipinas. Pareho kasing nasa Korea ang parents ko at ang bunsong kapatid ko naman na si Cheska ay mas piniling mag-aral sa Italy. Alam kong hindi talaga pag-aaral ang habol doon ng kapatid ko dahil napag-alamanan kong may-ini i-stalk lang siya doon na isang guy kung hindi ako nagkakamali Tristan ang pangalan nung guy.

Kanina pa talaga akong naiinip puro sosyalan lang kasi ang ginagawa ng mga tao dito. Ako pa naman iyong taong walang hilig sa pakikipag-usap. Laking pasasalamat ko na lamang dahil nakamaskara ako at least hindi ako mauubligang makisalamuha sa kanila.

"Nakita mo na ba siya?" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses.

"Hindi pa nga e, sabi niya surprise daw." Sagot naman ng isa pang pamilyar na boses.

Mas lalo pa akong lumapit sa kanilang dalawa para masigurado kung tama ba ang hinala ko at hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil iyon nga ang magboyfriend na sina Meg at Ken ang dalawang best friend ni Michia. Pero nagtataka lang ako kung ano ba ang koneksyon ng mga iyon sa celebrant pareho kasi silang umupo sa reserve table for the participant of the celebration. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti sa naalala ko, minsan ko kasing ginamit ang pangalan ni Megumi para lamang tigilan na ako ni Michia. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng panghihinayang sa ginawa ko noon sa kanya. Aaminin ko may lihim na rin akong pagtingin sa kanya pero kailangan ko na agad iyong putulin bago pa man lumala at magkagulo ang lahat.

"Shinju! Alam kong ikaw iyan. You can't hide to me even though you wear a mask." Sabi naman ng huling taong inaasahan ko sa party na ito.

Kapag minamalas nga naman ako.

"O, ikaw pala Ashley." I gave her a fake smile.

Akala ko pa naman nakaligtas na ako kasi nakasuot ako ng maskara pero mukhang nagkamali ata ako.

Alam kong matagal ng may gusto sa akin si Ashley at hindi na rin iyon bago sa akin dahil halos araw-araw ko iyong naririnig sa kanya pero alam ko ring may gusto kay Ash ang bestfriend ko kaya hanggat maari ay nilalayuan ko si Ash. Ayaw ko lang kasi ng gulo.

"Kilala mo ba ang celebrant?" Tanong ko na lang kay Ash.

"Nope, masyado kasing mysterious ang ipinadala nilang invitation kahit pangalan manlamang ng celebrant ay hindi nakasulat pero sabi ng parents ko anak daw siya ng isa sa business partners namin."

Isa pa iyon sa mga ipinagtataka ko, wala kasing naka-address kung sino ba talaga ang mag ce-celebrate ngayon. Ang nakasulat lamang kasi sa imbitasyon ay ang lugar, oras ng party, at ang motiff ng birthday.

May mag-asawang nakasuot din ng maskara ang umakyat sa stage. Ang sabi nung emcee kanina ay iyon daw ang mga magulang nung may birthday.

"Good evening Ladies and Gentlemen. Let's all welcome the celebrant and the debutant of the night."

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao at siyempre kasama na rin ako doon. Mayamaya pa ay lumabas ang isang napakagandang babae mula sa nakatabing na kurtina. Hindi siya ganoong kataasan at medyo kayumanggi ang kulay. Nakabagsak lamang ang mapula-pula at medyo may pagkakulot ng konti na buhok niya. Nakasuotdin siya ng above the knee na color yellow na cocktail dress at isang napakagandang maskara.

Parang familiar siya sa'kin pero imposible namang mangyari iyon dahil nasa Italy siya at hindi naman kulay pula ang buhok niya.

Unti-unting hinuhubad noong babae ang suot niyang maskara. Hindi ko maintindihana ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay biglang sumikip ang dib-dib ko. Familiar talaga sa akin ang babaeng ito pero hindi ako makakasiguro hanggat hindi pa niya tuluyang nahuhubad ang suot niyang maskara.

Ako+Si Crush=One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon