*Epilogue*

1.6K 61 21
                                    

"Haaay! Akalain mo iyon Shin ang layo na rin pala ng narating natin and until this day we are still together. Buti hindi ka nagsasawa sa mukha at ugali ko."

"Paano ako magsasawa? Eh, part na iyan ng daily routine ko. Ang makinig sa sigaw, at tumitig sa maganda mong mukha." Seryosong sagot niya.

"Bolero!"

"Buti alam mo!"

"Huh?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Akalain mo iyon, nag i-improve din naman pala iyang takbo ng pag-iisip mo." Natatawang sabi niya.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo Shinju!"

"Hoy! Teka lang Shi, 'wag kang pikon."

"Paano akong hindi mapipikon? E, kung ano-ano iyang mga pinagsasabi mo!"

"Mommy, Daddy ano po ba ang nangyayari? Bakit po kayo nag-aaway?" Tanong ng pinaka-cute at pinakamaganda naming anak na si Mizx Shin.

"Saka bakit n'yo po kami tinatawag ni Mizx Shin?"

Hahaha! Ang cute at ang gwapo talaga ng isa pa naming anak na si Mitch Shi. Actually kambal silang dalawa. Isang babae at isang lalaki.

"Babies, Mommy and I are not fighting. We are just having a conversation. Kaso ang mommy n'yo kasi sobrang pikon."

Bakit ba ang cute-cute nilang tingnan? Lalo na si Shin he is really a great and responsible father to our children.

"Hey! Hindi po ako pikon. Ikaw kaya diyan ang pikon hindi ako."

"Kahit kailan talaga Shi isip bata ka pa rin. Mas mukhang matured pa sa'yo itong mga anak nating dalawa."

"How dare you Shin? Alam mong nakikinig ang mga anak natin tapos---"

Hindi ko na naituloy pa ang mga sasabihin ko kasi naman, hinalikan na naman niya ako. But don't think too much kasi sa noo lang naman niya ako hinalikan s'yempre nasa harap lang namin itong kambal.

Teka bakit ba hanggang ngayon kinikilig pa rin ako? Lagpas ng limang taon kami nagsasama tapos may mga anak na rin kami pero yung feeling ko everytime he going to kiss me is still the same.

"Mitch Shi, look at them. Ang sweet talaga nila mom and dad." Sabi ni Mizx Shin.

Babae po siya, iyong Mizx ay kinuha namin sa name ko tapos yung Shin naman sa palayaw ni Shinju kinuha. Actually si Shinju ang nagbigay ng name niya.

"That's not sweet Shin, that's eew! By the way mom and dad will you please stop using that endearment of your's. Remember that's our name too. Hindi tuloy namin alam kung kami ba ang pinag-uusapan ninyo."

I knew it! Sinasabi ko na nga ba at hindi sa akin nagmana ang batang ito. Kaparehas na kaparehas siya ng ugali ng daddy niya. He is Mitch Shi, yung Mitch ay male version ng palayaw kong Mich tapos yung Shi naman ay yung endearment sa akin ni Shinju.

Natatawa pa rin ako. "Alam mo ba Mitch Shi? Manang-mana ka talaga sa daddy mo."

Hahaha... Bakit ba ang cute-cute niya kapag nakasimangot? Kamukha na niya tuloy ang daddy niya, pati sa ugali kuhang-kuha niya talaga.  

"Daddy, daddy, I hate Mommy! She is laughing at me."

Akalain n'yo iyon, aawayin niya ako tapos mag-susumbong lang din pala sa daddy niya.

Natatawa pa rin ako. "Mizx Shin come here, mommy will hug you too."

Mabuti pa ito mabilis pasunurin.

"Shi---"

"Dad, don't call mom on my name!" Galit na sabi ni Mitch Shi sa daddy niya.

"I mean Mich, stop it. Pwede bang huwag mong patulan ang anak mo?"

Ako+Si Crush=One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon