Chapter: 11 *Girls talk*

1.3K 50 0
                                    

"Okay here we are." Sabi niya bago binuksan ang nakasarang pinto.

Buhat-bahat pa rin niya ako kaya hindi ko gasinong maaninaw kung nasaan kami.

"Teka ano ang ginagawa natin dito? Saka-hachoooo!!! Akala ko ba hindi ako wel--- hachoooo!!! Welcome dito sa baha--- hachoooo..." ---> Ako.

Ano ba ito sinisipon na ako. Nakatayo pa rin kami dito sa tapat ng bahay nila.

"Seniorito Shinju!" Sigaw nang isang katulong nila at halatang nagpapanic siya sabagay makita mo nga namang basang-basa nang ulan ang amo mo e talagang mag-aalala ka.

"Ano po ang nangyari sa inyo? Bakit basang basa po kayo?" Tanong naman ng isang pang katulong.

In fairness ang dami nilang katulong.

"Dalian ninyo kumuha kayo nang tuwalya!" Utos naman ng isa pa.

Grabe talaga sila kung mag-alala ano?

"Salamat naman at nakauwi kayong kasama si Miss na maganda." Sabat naman ni Liza.

Sa dami nang katulong sa bahay na ito si Liza lang ang naaalala ko kasi kahit na nagkakagulo na ang lahat she can still manage to smile and stay calm.

Sinundot-sundot ko si Shiju sa tagliran niya kasi hanggang ngayon hindi pa rin niya ako binababa.

"Uy! Nakikiliti ako." Natatawang sabi niya.

"Teka tama na!" Tawa pa rin siya ng tawa.

Ah! Ganun pala... Kiliti lang pala ang katapat niya e. At dahil nga likas ang pagiging makulit ko kaya naman kiniliti ko pa siya nang kiniliti.

"Uy! Sinabi na ngang nakikiliti ako e!" ---> Shin.

I think that was a mistake. Nawalan kasi siya ng balanse at nabitawan niya ako.

"Ouch! Ang sakit ah!" Reklamo ko sa kanya.

Mabuti na lang at ang puwet ko ang unang bumagsak pero dahil sa lakas ng impact nasaktan pa rin ako.

"Naku Miss ayos ka lang po ba?" Tanong sa akin nang ibang katulong habang inaalalayan nila akong makatayo.

Mabuti pa itong mga ito may concern sa akin.

"I'm alright thanks and by the way, you don't need to call me Miss. Just call me Mich or Michia." I said while smiling.

"Ikaw kasi buti nga sa'yo tutal kasalanan mo naman iyan." ---> Shin.

Okay, bumalik na naman siya sa pagiging cold. He started to walk and left me.

"Oo nga pala Liz, ikaw na ang bahala sa kanya. Pasunurin mo na lang siya sa kuwarto ko pag nakapag ayos na siya then ipaayos mo iyong study room ni Daddy dahil doon ako matutulog ngayong gabi." Pahabol pa niyang sabi.

Ummm... Kahit naman pala paano may pagka-gentleman rin siya hindi nga lang halata.

"Naku Mich, pagpasensiyahan mo na lang si Shinju. Ganyan lang talaga ang ugali niya simula pa noong mga bata kami. Suplado, masungit, cold pero mabait naman iyan, sobrang sweet at maalaga pa iyon nga lang hindi halata." Nakangiting pagkukuwento sa akin ni Liza.

Naandito kami sa loob ng kwarto niya kasi pinagpalit muna niya ako nang damit pangtulog dahil basang-basa ako.

In fairness ang laki naman ng maids room nila. Talaga bang ganito ang mga maids room dito? Ang yaman ha. Naka-aircon pa! Teka nga, bakit pa rang ang dami niyang alam tungkol kay Shinju?

"Sana huwag mong masamain ang itatanong ko sa'yo." Nag-aalangang sabi ko.

"Depende sa itatanong mo. Ano ba iyon?" ---> Liza.

Ako+Si Crush=One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon