An: Guys palike ng page ko sa fb . Obsession: Kill for Love thank you!
Someone's Pov
Napabuntong hininga si Courtney bago magsalita
“H-hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ,Peach.Masyadong delikado kung sasabihin ko sa'yo”
Umupo si Peach sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Courtney.Hinawakan ni Peach ang kamay ni Courtney
“Alam kong delikado pero masisisi mo 'ba ako kung gusto kong malaman kung sino ang taong muntik nang pumatay sa'yo?” saad ni Peach
“Peach just trust me .Namatay si ,Tamara ng dahil sa kapabayaan ko,ng dahil sa iniwan ko siyang mag-isa. Ayaw ko nang maulit pa 'yun” Sagot nito at tumulo ang luha nito
Niyakap ni Peach si Courtney at hinagod ang likod nito .
Tama si Courtney .Mas makakabuti nga siguro kung hindi na niya muna malaman kung sino ang taong nasa likod ng lahat ng krimeng ito
Naramdaman ni Peach na tumigil na ito sa pag-iyak .Humiwalay siya sa yakap at napatitig sa natutulog na mukha ni Courtney
Dahang-dahang ihiniga ni Peach si Courtney at nilagyan ito ng kumot
“You need to rest.Kung hindi mo sasabihin sa'ken ako na mismo ang gagawa ng paraan para makilala kung sino siya” Bulong ni Peach dito saka lumabas ng silid
Palabas na siya ng hospital ng makita niya si Jiri na naglalakad papasok ng hospital.
Nagtago siya sa may isang sulok at pinagmasdan si Jiri na naglalakad palayo sa kanya
“Anong ginagawa ni ,Jiri dito?” bulong nito sa sarili
Ng dahil sa kuryusidad niya binalak niyang sundan ito.Nakita niyang pumasok ito sa silid ni Courtney
Isinandal niya ang kanyang kanang tainga upang marinig kung may sinasabi si Jiri kay Courtney ngunit wala siyang narinig.
Bubuksan na sana niya ang pinto para kausapin si Jiri pero naunahan siya nito .Nanlaki ang mata ni Peach
Napatitig si Peach kay Jiri samantalang si Jiri nakangiti lamang sa kanya at walang bakas ng pagkagulat sa mukha nito
“Anong ginagawa mo dito,Peach?” Tanong nito
“Ahm ano bibisitahin ko lang si ,Courtney .G-gising ba siya?” kabadong tanong nito kay Jiri
“Ah oo .Nung pumasok ako kanina tulog na tulog siya ayaw ko naman siyang gisingin kaya balak ko nang umalis” Maamong sagot nito
Napatango naman si ,Peach sa sagot nito.
“Oh 'pano ba 'yan aalis na'ko aalis kana rin ba? Kung oo ihahatid na kita” Nakangiting saad nito
“Ah na'ku hindi na hihintayin kong magising si ,Courtney .Salamat na lang ingat ka” Naka ngiting saad ni Peach
Nagulat na lamang siya ng bigla siyang yakapin ni Jiri
“J-jiri!”
Humiwalay sa yakap si Jiri at hinalikan ang noo ni Peach.Pinatong ni Jiri ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Peach at ginulo ng konti ang buhok nito
“Sige,mag-iingat ka sa pag-uwi” Saad nito at nagsimula ng maglakad palayo
Napatitig lamang sa kanya si Peach at halatang gulat na gulat .Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya may iba kay Jiri ngayon
Kilala niya si Jiri na sobrang masiyahan ngunit nang makausap niya ito masyado itong kalmado at seryoso sa pananalita
Kahit na nakangiti ito sa kanya alam niyang may problemang dala ang binata.Napabuntong hininga siya
YOU ARE READING
Obsession 1: Kill for Love (On Hold)
Mystery / ThrillerObsession Series 1: Kill for Love Love,Revenge & Sacrifice